KALIMOT

58 2 0
                                    

KALIMOT

wala pa ring nagbabago
parang dinudurog pa rin ang puso ko
sa tuwing nakikita ko siya sa iba
sa tuwing alam kong masaya na siya
sa tuwing alam kong napapalitan na ako
sa tuwing dumaraan ang panahong alam kong unti unti na niya kong nililimot.
na maaring maging dahilan upang hininga koy malagot

pagmamahal na dapat tayo
pero bakit naglaho
bakit naglaho ang mga alaalang ikaw at ako ?

puro nako tanong bakit ganto ! bakit ganyan !
baka masira na ang ulo ko
Ni alaala moy wala ako
siya ! siya lamang ang meron ako
Ngunit walang tayo

Akoy nagtataka pagkat alam ko isipan lang ang lumilimot ng alaala
hindi ang puso na nagmamahal sa tuwina
bakit nagkaganto tayo sinta
hindi. na ako ang nasa iyong gunita

Hindi ko alam !! di ko na alam
kailan ako mag hihintay sa iyong napunit na mga ala ala?
hanggang kailan ako maghihintay sa pagmamahal na alam kong wala ?
hanggang kailan kakapit sa mga ala alang nating tila ayaw pa magpa alam ?

ikaw ang dahilan nang pag ayaw!
sa panibagong pagmamahal
pangalan niyay di ko nais isigaw!
ayaw kong maging hangal

kailan titigil ang maling akala?
kailan ko masisilayang muli sa mga mata niya ang tala
kailan ko masasabing mali siya ng hinala
dahil wala akong ginagawang himala

hanggang kailan kita hihiramin?
hanggang kailan ako maglilihim
kailan ako aamin ?
kung wala na bang kuwentong tungkol sa atin?

Nakakapagod humiram ng sandali
Ang hiramin kay di madali
Ang hirap umiyak ng walang pasabi
Ang bigat sa loob na dika katabi

Ang hirap sa tuwing siyay lumilisan
ang mga oras ay parang hinihipan lamang ng minsan

MY POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon