Chapter 14: It's Time

Start from the beginning
                                    

Bat mo pa ako kakausapin? Aalis ka na diba?! Kasama yung taong totoo mong minahal hindi sa panaginip lang kundi sa totoong buhay.. Masakit man James pero doon ka nababagay dahil sa stroya niyo isa lang akong sagabal.

--------

Napabangon ako at napatingin sa phone ko,magang-maga yung mata ko. James. . .

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Quen, bat siya natulog sa sahig. Bumalik sa isipan ko yung sinabi ni Enrique.

"Dito lang ako. . di kita iiwan, Pangako."

Napangiti ako at ginising na siya.

"Quen, gising lipat ka sa kwarto ko." Sabi ko.

"Uhmmm? K-kath sorry." At napayuko siya.

"Hindi Quen, Thank you kasi kahit alam mong masasaktan ako sinabi mo parin yung totoo. Thank you."

"I love you Kath." Sabi niya at pumasok siya sa kwarto ko at nagpatuloy sa pagtulog.

"Quen, sorry. ." bulong ko sa sarili ko.

Habang natutulog si Quen, tinext ko si James para makipagkita. Sumagot naman siya agad. Magkikita kami sa bahay na saan kami tumira sa panaginip. .

-------

Pagpunta ko nandun na agad si James at pinagmamasdan niya yung bahay. Nilapitan ko siya.

"I didn't know na nage-exist tong bahay nato." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Kath.." At napatingin siya sa akin.

"Sana tayo din ganon. .pero hindi eh." Dugtong ko at hinawakan niya yung dalawa kong pisngi.

"Kath our memories does, we exist."

Natawa ako sa sinabi niya at sumabay yung pagtulo ng luha ko.

"James, I'm sorry.. Sorry kung nagawa ko yun natakot lang naman ako eh, sorry kung naging makasarili ako hindi kita inisip, Sana pala sinubukan ko kausapin ka yung una kita nakita sa totoong buhay, sana pala sinubukan ko edi sana. . .tayo na,hindi..tayo pa." Sabi ko At patuloy na sa pag-agos yung luha ko kaya napayuko na ako.

"Kath, I'm sorry."

"James hindi ako nagmamakawa na mahalin mo ako, pababayaan kita, pwede mo na ulit mahalin yung taong una mong minahal--"

"Kath, stop."

Napahinto ako at napatingin sa kanya.

"What if I choose to love you Pababayaan mo pa ba rin ako?."

Napayuko ako sa sinabi niya. Gustuhin ko man pero. . ayaw ko masira yung relasyon nila ni Riva lalo na ngayong engaged na sila. Hindi madali ang salitang engaged lalo na yung babae amg maapektuhan.

Ngayon hindi ko na muna iisipin yung mararamdaman ko kasi kahit nasasaktan ako pero si James hindi, masaya na ako.

"Ayan ka na naman, iniiba mo yung usapan!." Galit kong sabi.

"You want me to choose between you and Riva, right?."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. .

"I choose the one who loves me at my best and love me more when I'm at my worst. I choose the girl who I love and love me in my dreams. I choose you, Kath."

Napatingin ako sa kanya at napailing.

"James, tama na." Mahina kong sabi.

"Kath, do you want me to stay?. Should I stay?."

James patawad. . . Gusto ko lang maging masaya ka at si. . . Riva.

"James, hindi pa ako handa para mahalin ka."

"W-what?! Hindi handa? Kath wala kang karapatang sabihing hindi ka handa kasi sa una pa lang handa ka na dapat, yung una pa lang na tinanggap mo ko na ako yung makakasama mo."

Napatalikod siya at napalayo sa akin pero napaharap din siya agad.

"Hindi biro magmahal, Kath. I invest all my love, I invest my time, effort, at feelings tapos ano? Your leaving me? That's all?!."

"James, ayaw kong masaktan." Sabi ko para mas magalit pa siya at tuluyan niya na akong iwan.

"Wow! Kath nasasaktan din ako, tao ako!. Pero kung dyan ka magiging masaya."

Napayuko na lang ako.

". . .masaya na rin ako para sayo, pero sana di mo na pinaramdam sa akin na mahal mo ako at kailangan mo ko, kasi Kath ang sakit. . .ang sakit-sakit."

At naglakad na siyang umalis.

James, it's time to wake up from our dreams.

---------

"A Better Tomorrow"Where stories live. Discover now