Chapter 12:(Kath's Past)

248 15 1
                                    

--Two months of comatose

Dahil nacoma nga si Kath para lang din siya nananaginip..

Yung araw na nagsimula na siyang managinip ay araw din kung saan nagsimula managinip si James kaya nagtagpo ang kanilang mga panaginip at bumuo ng kanilang storya.

Nagsimula ang storya nila ng lumitaw si Kath sa panaginip ni James. Tumagal ng isang linggo yung pagkakakonektado ng panaginip nila hanggang sa mahulog ang loob nila sa isa't-isa hanggang. . .


---Araw na magigising na si Kath kaya bigla siya naglaho sa tabi ni James.

*

**DREAM***

"James labas tayo!." At hinila ko siya palabas at umupo sa tapat ng pintuan.

"I remember the time when you first appeared here in front of the door." At hinawakan niya yung kamay ko

"Dito rin yung lugar kung saan tayo nagkakilala talaga. Gusto ko dito. Huwag muna tayong pumasok." Pakiusap ko at sinandal yung ulo ko sa balikat niya.

"Oh sige. Dito muna tayo." At hinalik-halikan niya yung kamay ko

"Yung una ba di ka lang ba natakot sa akin nung nakita mo ko dito?." Tanong ko.

"Oo nakakatakot ka pero kung ikokompera ng una. . .sa ngayon MAS DOBLE ang takot ko. Takot na takot." Nagtaka ako sa sinabi niya.

Alam ba niya?

At bigla ko tinakpan yung mga mata niya gamit ng kamay ko.

"A Better Tomorrow"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon