Chapter 34 - It's not wrong to sometimes forget about everything

Start from the beginning
                                    

Naisipan kong itext si Rain. Sasabihin ko lang na hindi ako makakasama sa kanya.

What time ka alis? Sorry hindi ako makakasama - Nicole Elizalde

:( - Rain Delgado

Wag kang nangongonsensiya dyan. Babawi na lang ako pagbalik mo - Nicole Elizalde

Wala na akong natanggap na reply ni Rain. Siguro masama loob niya sa akin. Yumuko ako sa table. Hiniga ko yung ulo ko. Nalulungkot talaga akong hind masasamahan si Rain.

"Wag ka ng umiyak. Okay lang sa akin"

Pagtingin ko nasa office ko na si Rain.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Iiwan ko lang tong susi ng apartment ko sayo"

"Huh? Bakit naman?" tanong ko.

"Eh habang wala ako, ikaw muna bahala sa apartment ko. Check mo na lang paminsan minsan. Mga 1 week din ako mawawala eh"

1 week? Ang tagal ko rin pala siya hindi makikita.

"So ginawa mo pa akong caretaker ganun?"

"Wala ka na nga sa birthday ko diba?"

Nangongonsensya pa eh.

Biglang pumasok sa office si Max.

"Oh hi Rain. Ginagawa mo dito?" tanong niya kay Rain.

"Iniiwan ko lang tong susi ko kay Niks. Aalis kasi ako eh"

"Oh talaga? Saan ka pupunta?" tanong ulit ni Max.

"Uuwi ako sa amin. Dun ako magcecelebrate ng birthday ko"

"Ah so hindi kami invited ng sister ko?"

"I invited Nicole. Pero hindi daw siya pwede" sagot ni Rain.

"I can't leave the resto, kita mo naman ang daming tao ngayon" sabi ko sa kanya.

Biglang kinuha ni Max yung susi kay Rain.

"Give me your key" sabi ni Max sa akin.

"What?"

"Akin na yung susi ng apartment mo" sabi niya ulit.

Inabot ko naman yung susi ko.

"Sumama ka na kay Rain"

Nagulat kami pareho ni Rain sa sinabi ni Max.

"Max I can't. Alam mong hindi papayag si mommy na iwan ko tong resto for a week"

"1 week kayo dun?" tanong ni Max. Nagulat ata siya na ganun katagal yung stay ni Rain dun.

"Oo. Kaya nga hindi pwede. Sinong maiiwan dito?"

"Ako" sabi lang ni Max.

"Max paano si mommy?"

"Ako ng bahala kay mommy ok? Sumama ka na kay Rain. You need a break. Alam kong sobrang nappressure ka na. Especially now na andito si mommy. I can handle her"

Napapaisip tuloy ako. Ayaw ko lang kasing malaman ni mommy na iniwan ko tong resto. For sure magagalit yun.

"Nicole just for now, stop worrying about mommy. Ako na bahala sa kanya. You deserve a break. Rain isama mo na to" sabi ni Max.

"Paano ba yan? Binebenta ka na ng kapatid mo sa akin" siraulo talaga tong taong to.

"Che! Samahan mo na muna ako sa apartment. Kukuha pa akong mga damit ko"

"Oh Rain ikaw na bahala sa kapatid ko. Ibalik mong buo yan"

"Yes maam!" sabi ni Rain kay Max.

"And Nicole"

Lumingon ako kay Max.

"Yeah?"

Niyakap niya ako.

"Enjoy okay? It's not wrong to sometimes forget about everything and just have fun"

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin to ngayon. Pero sobrang naapreciate ko si Max. Alam niya kung gaano ako nappressure ngayon dahil kay mommy. Kaya naiintindihan niyang kailangan ko to ngayon. Buti na lang talaga andito rin si Rain. Kahit paano nakakalimutan ko yung mga responsibilities ko. Sobrang napapagaan lang talaga niya yung loob ko pag kasama ko siya.

"Thanks Max"

She's My Cold CoffeeWhere stories live. Discover now