Chapter 34 - It's not wrong to sometimes forget about everything

5.8K 167 8
                                    

Rain's POV

Bakit ang late nito magising ngayon? Usually naman pag ganitong time mag-cocoffee na siya. Tawagan ko na lang nga.

Kanina pa kasi ako dito sa labas ng apartment ni Nicole. Ang alam ko hindi pa naman siya lumalabas.

"Hello" sabi niya sa kabilang line. Kakagising lang nga niya.

"Sa wakas! Andito ako sa labas. Buksan mo na yung door. Bakit ba ang late mo nagising ngayon?"

Hindi siya sumagot. Narinig kong may nag-oopen na ng door.

"Kanina pa ako dito. Himala, nauna akong nagising sayo"

Dumirecho na ako sa kitchen niya.

"Napasarap lang ako ng tulog"

"Sus! Siguro ang ganda ng panaginip mo"

Paglingon ko sa kanya. Namumula siya.

"Maganda nga. Nagbblush ka na agad eh"

"Hindi noh. Aga mo na naman mang-asar Rain ah. Pahingi na lang nga ako ng coffee" sabi niya sa akin.

Ginawan ko siya ng coffee at saka kami umupo sa dining area.

"Anong araw ka pala uuwi sa inyo next week?" tanong niya.

"Wednesday. Pero start na ng leave ko sa Monday"

"Eh bakit hindi ka sa Monday umuwi?"

"Coz I'm giving you time para magbago pa isip mo. Baka pwede ka pang sumama sa akin"

Lakas na talaga ng loob mo Rain ah.

"Ilang araw ba yun?"

"Aalis ng 27. Tapos hanggang 3"

"Titignan ko. Eksakto kasing andito sila mommy. Lagi siyang pumupunta sa resto. Nakwento ko naman sayo kung paano mommy ko diba?"

"Oh come on Niks. Give yourself a break. Nakikita ko kung paano mo imanage yung resto niyo. I'm sure makikita yun ng mommy mo" sabi ko sa kanya.

"You don't know my mom Rain. Mahirap siyang iplease"

Nakalimutan kong may coffee pala ako.

Nakita kong uminom si Nicole ng coffee. Nagsalubong yung kilay niya.

"Gumagana ba yang coffee maker mo?" tanong ko.

"Oo naman. Bakit?"

"Malamig na naman eh"

------------------

Nicole's POV

Andito ako ngayon sa resto. Ang daming tao kaya kanina pa ako nagsusupervise.

"Max I'm super tired na"

Parang ngayon pa lang ako uupo ngayong araw na to. Kanina pa ako paikot ikot sa resto.

"Take a rest. And kumain ka na rin. Ako na muna bahala sa labas" sabi ni Max.

"Thanks Max"

Buti na lang andito siya ngayon sa resto. May tutulong sa akin.

Bigla kong naisip si Rain. Ngayon pala siya uuwi sa kanila. Hindi na talaga ako makakasama. Ang busy busy pa dito. Nalulungkot tuloy ako. Gusto ko din naman na andun ako sa birthday niya. Bigla ko na naman naalala yung panaginip ko. Ilang araw na nakalipas pero lagi ko pa rin naiisip. I mean bakit ganun yung panaginip ko? Wala naman sigurong ibig sabihin yun. Lagi ko kasi siyang nakakasama. Yun lang talaga yun. Wala ng iba.

She's My Cold CoffeeKde žijí příběhy. Začni objevovat