So ano pa nga ba ang magagawa ko? Kaya ayun pigil ang luha ko habang umaakyat sa room ko. Kasalanan ko pa ba na makalimutan ko ang birthday ni Ate, for Pete’s Sake 12 years ng patay si ate and I’m too young ng mamatay siya. So ayun, mukmok na lang sa kwarto, madalang na lang andito sina Mama tapos mapapagalitan pa ako. Buhay nga naman oh. Kinuha ko na lang ang cellphone ko pagtingin ko 9miss calls lahat kay kuya tapos 2 messages. Yung isa unregistered pa. tapos binasa ko yung message nung unregistered number tapos ang nakalagay lang ay “meet me tomorrow, Michael here”. Sa pagkakaalam ko wala naman akong kilalang Michael e, hinayaan ko nalang sayang din ang load. Baka na wrong send lang.

Tapos, nakahiga lang ako ng maramdaman kong bumukas yung pintuan, nakatalikod kasi sa pinto yung pwesto ko. Tapos naramdaman ko din na umupo siya sa Kama, and it’s Dad.

“Sorry Andrea sa inasal ng Mommy mo kanina“

“no Dad, ako dapat ang magsorry, tama nga naman po si Mommy how could I forget the birthday of Ate Angel.”

 

“wag mo na sisihin ang sarili mo, hindi mo naman ginusto iyon.”

 

Tapos umupo ako at niyakap si Dad, I super miss him.

“ang laki na ng Baby ko”

“pero Dad, kahit tumanda ako Baby niyo pa din ako diba po?“

“oo naman, ikaw lang ang baby kong maganda, aalis na ulit kami bukas umuwi lang kami para i-celebrate yung birthday ng ni Ate Angel mo.“

 

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa yumao kong ate o maiinggit ako. Pero kahit ganun pa man ang dahilan ng pag-uwi nila masaya na ako dahil nakita ko ulit sila although napagalitan pa ako kay Mommy. Masaya ako. Nakayakap pa din ako kay Dad, ayoko muna silang umalis pero kailangan.

“ingat po kayo dad sa mga business trips niyo, kailan po kayo uuwi ulit?“

 

“hindi pa namin alam pero promise sa Christmas andito kami ng Mommy mo”

 

“sige po Dad, pangako yan huh?”

 

“oo pangako, sige matulog kana may pasok ka pa bukas hindi ba? Tsaka maaga kami aalis ng Mommy mo, baka hindi mo na kami maabutan pag gising mo“

“sige dad, good night po”

 

“good night din baby”

Tumayo na si dad at umalis na. naiiyak na naman ako, bakit ba nakapa iyakin kong tao, masakit kaya sa mata. Hayyyy! Humiga na lang ako ulit. Nasabi ko na ba sa inyo na hindi ko nakasama last Christmas ang mga parents ko? Busy silang masyado, or should I say mas marami pang beses ang ako lang mag isa kesa kasama sila. Si kuya lang madalas kong kasama.

…..

Nakatulog pala ako, pag check ko sa alarm clock ko, 5:30 am na, malamang wala na sina Daddy kasi ang sabi niya maaga silang aalis. Pagbaba ko sa kusina busy sa pagliligpit ang mga katulong.

“Yaya, si Kuya andito pa ba?”

 

“ay wala na siya, sumabay na siya kina Ma’am at Sir”

 

“a ganun po ba? Paghanda niyo na po ako ng makakain para pagbaba ko pagkatapos maligo ready na”

 

“o siya sige, maligo ka na”

 

So, umakyat na ako sa kwarto ko para makapag ready na papunta sa school. As usual lagi na lang ganito, si Kuya kase nagbo-board siya malapit sa school na pinapasukan niya, siguro pag nag college ako makakasama ko na siya kase balak ko din mag aral sa school na pinapasukan niya. Atleast doon kasama ko na siya.

-----------

Love Love;3

(c) Jane

Single For Real But Taken For Granted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon