12-21-2016 (Ladies Night)

Start from the beginning
                                    

"Kamille, kakausapin lang ako ni Miguel sa labas, okay lang ba?"

She looked at me for a while, nagiisip pa ata pero um-Oo din.

...

"Kayla."

Miguel and I are already outside the bar, mailan ilan lang din ang tao kasi weekdays naman.

"Yes?"

"Kayla, I want to.. Uhmm."

Napahaplos pa siya sa batok niya.

"I'd like to know your answer about my question?"

Pagkatapos niya akong tanungin, di na ako nag dalawang isip sumagot. Maybe it's about the alcohol who took over my system at nagkalakas loob ako. Matagal ng nanligaw sakin si Miguel.

"Miguel, I .. I want us to be friends. Ayoko na magkaroon ng another relationship sa trabaho. I think alam mo na to.. I mean, sinabi ko naman to dati diba? Let's be friends nalang, okay?"

I immediately noticed na napalunok siya sa sinabi ko at yumuko. Pinagmasdan ko lang siya habang naghihintay ako sa sasabihin niya. Huminga muna siya ng malalim at tumingin ulit sakin.

"It's fine. But, can I atleast get a hug?"

Napangiti ako at niyakap siya. Atleast civil na civil tong paguusap namin. Miguel was a close friend of mine na sa office at ayoko baliwalain yun dahil naging mabuti siya sakin. I'd like us to stay that way.

Pagbalik namin sa table, sumalubong naman sa mga mata ko ang nakasandal na sa upuan na si Kamille, lasing na.

"Kamille? Okay ka lang ba?"

Dumilat naman siya ng pilit at ngumisi.

"MK, sayaw tayo?"

Napaatras ako sa narinig ko dahil si Kamille pa talaga ang nag aya makipag sayaw. Sa pagkakaalam ko hindi sumasayaw to. Lasing na nga talaga.

"Kamille, wag na. Uwi na tayo."

Kanina nakikipagsayaw siya, ngayon naman tawa ng tawa. Pati mga kaibigan ko nahawa nadin, kaya hindi nako nag dalawang isip na iuwi siya. Buti nalang at ubos na ang inumin at karamihan ay gusto nadin umuwi.

...

At dahil lasing na lasing ang driver namin, ako na ang nagpresentang magdrive. Iniisa isa ko pa yung iba ihatid sa mga bahay nila dahil mga lasing nadin. Nakatatlong stop pa kami sa daan dahil si Kamille sumusuka na at nahawa nadin yung iba, halos maubos na buhok ko sa pagkakamot.

Ihahatid ko din sana si Kamille sa bahay nila at mula doon ay magtataxi nalang ako pero nakakahiya naman kung uuwi siyang lasing. So I took her home, sa bahay ko. Makailang hinto ulit kami sa paglalakad buti nalang at magaan lang siya, nagawa ko pang hilahin at alsahin.

"Kamille? Ihihiga kita."

"Ayaw." Wow? Kung maka ayaw ha.

"Humiga kana, nangangalay nako."

"Kiss muna." Sabay nguso niya.

Napatingin naman ako sa labi niya na pulang pula. Napaka inviting nito, pero wag Maria Kayla, wag. Pero kasi napaka inviting talaga ng lips niya. Argh, in a split of seconds ay hinalikan ko siya.. sa pisnge. Yes sa cheeks.

"Oh ayan! Sige na higa na."

"Ihhhhhh!" Maktol pa niya.

Nagmadali akong kumuha ng bimpo at pinunasan siya lalo na sa mukha niya na kanina pa pinagpapawisan. Gusto ko pa sanang bihisan pero mahimbing na siyang natutulog kaya di ko na inistorbo at dumiretso nako sa banyo para mag wash up. Pagbalik ko ay nakapwesto na siya sa kabila, akalain mo? Ang likot pala nito matulog. Kaya lumuhod ako sa kama at inayos siya ng pagkakahiga dahil kung hindi, saan naman ako matutulog? Pero bigla naman siyang sumigaw.

"Rape! Rape!"

Nabigla ako kaya tinakpan ko agad ang bibig niya. Nakakainis talaga mag alaga ng lasing oh! Tingnan mo? Pinagkamalan pakong rapist.

When we both finally laid in bed, tumagilid ako para tingnan siya. Atleast she's fast asleep now, makakahinga nadin.

Haay, Kamille Anne. Dati dati ang dali ko lang mawalan ng pasensya pag may kasama akong lasing, pero pagdating sayo parang wala lang. Nagiging natural na siya sakin ang alagaan ka. Ang cute cute mo pa naman kahit tulog ka. Mahal na yata kita eh, ay ewan!

Pipikit na sana ako ng tumagilid din siya at yumakap sakin, leaving us only an inch of space, sobrang lapit pati mainit na paghinga niya nararamdaman ko na. At andyan na naman yung lips niya, argh. Yumuko nalang ako at pumikit dahil kung ano ano na naiisip ko.

I was about to sleep when she whispered.

"Mahal na mahal kita, Maria Kayla. Wag na wag mo akong iiwan."

Falling In Love With A Reader (GirlxGirl)Where stories live. Discover now