12-10-2016 (Story)

7K 271 118
                                    

...
Maria Kayla's
...

Ng makarating ay agad akong nag chat kay Kamille na andito na ako sa labas ng bahay nila. Medyo kabado talaga ako kanina pa dahil makikipaghalubilo na naman ako, nakakahiya lang kasi bago palang kami magkakilala at ganun nalang ako tratuhin ng Mama niya. Her Mom's really nice, nakausap ko siya nung una akong pumunta sa bahay nila para ihatid si Kamille. Napaka hospitable ng ina niya at inviting ang awra.

Mga ilang sandali lang ang hinintay ko sa labas at nakita ko na si Kamille na nagbukas ng gate. Dahil nakaharap naman ako kanina pa sa labas ng bahay nila ay bumungad agad sakin ang napaka cute ngunit napaka pabebeng si Kamille Anne. Sinalubong ko naman siya agad ng ngiti. "Hi."

Ngunit hanggang ngayon ay nahihiya pa talaga siya sakin at hindi makatingin sa mga mata ko kaya pahiyang "Hello" lang ang natanggap ko. "Ha-halika, pasok ka." Mahinang sabi niya. "Dala mo talaga yung timba." Sabay tawa niya ng marahan. Mahihiya sana ako sa bitbit kong timba pero nadala naman ako sa maganda niyang ngiti kaya napatitig lang ako saglit.

"Ah - oo. Sabi ko naman sayo babalikan ko." Buti nalang napukaw atensyon ko sa timba at nakasagot agad. Malamang kun hindi, nakatitig lang ako sa kanya.

Si Kamille kasi yung taong napakakulit pag kinakausap mo sa Wattpad o FB Messenger pero di ko talaga inexpect na sobrang mahinhin pala siya sa personal. Yung parang napaka graceful lang ng movement niya pati pananalita. Pero ako naman yung taong ayaw ng awkwardness kaya pinutol ko na yung tahimik naming paglalakad papasok ng bahay nila.

"Nakakahiya naman ma invite ng Mama mo, Kamille." Sabi ko habang akmang bubuksan na niya ang pinto ng bahay nila.

Lumingon naman si Kamille sakin at nagkatitigan kami ng daglian, mga 2 seconds lang siguro kasi agad naman niya binawi. "Ahmm, okay lang noh. Wag kana mahiya."

Napangisi naman ako sa sagot niya, kasi habang nagsasalita, tinitingnan ko lang siya. Kahit kelan, ang cute talaga ng batang to, kahit abot langit ang hiya. Siya pa talaga tong may ganang mahiya eh bahay naman nila to at bisita lang ako.

"Upo ka MK." Umupo naman ako at nag lakbay lang ang tingin ko sa paligid. Halata talagang mahilig ang Mama niya kumuha ng litrato kasi andaming pictures sa paligid ligid eh. "MK, tawagin ko lang si Mama ah?" Muli akong napatingin kay Kamille at tumango lang ako nito sabay ngiti. Napakamot naman siya sa batok niya ng di ko alam.

Mga 3 minutes lang ata akong nakaupo at nakikita ko ng papalapit na yung Mama niya sakin, tumayo naman ako agad at sinalubong siya.

"Hello Kayla, masaya ako at nakarating ka." Bati ng Mama niya sabay beso sakin at hug.

"Salamat po sa invite. Ay siya nga po pala, para po sa inyo." Abot ko sa kanya ang isang wine na kinuha ko galing pa sa timba.

"Salamat. Ay sus! Nag abala ka pa talaga." Sabay ngiti ng Mama niya sakin. Pansin ko nag mana si Kamille sa Papa niya siguro kasi yung Mama niya napaka entertaining. Napadako naman ang tingin ng Mama niya sa dala kong timba at gift sa loob. "Oh? May dala kang timba?" Tanong niya.

Nakaramdam na naman ako ng hiya dahil sa dala dala ko. "Naiwan ko po kasi to sa pinuntahan ko the other day kaya binalikan ko muna bago ako pumunta dito." Sagot ko. Buti nalang ngumiti lang ang Mama niya at tumango.

"Halika na, handa na yung pagkain. Kumain na tayo. Mukhang gutom kana. Malayo ba binyahe mo?" Tanong ulit ng Mama niya habang naglalakad kami papunta sa kitchen area nila at nakahawak pa sa braso ko habang si Kamille, sunod sunoran lang samin, wala padin imik.

Falling In Love With A Reader (GirlxGirl)Where stories live. Discover now