"Gago ka talaga, Jude."
Sabi ko sa kaibigan ko nang makakita ako ng ibang notebook sa bag ko. Madalas niya kasi akong pagtripan kaya siya agad yung naisip ko na naglagay nun.
"Bakit? Makagago to parang may ginawa ako sayo ah." Sabi niya na parang walang kaalam-alam sa ginawa niya.
"Nilagay mo to noh?" Pinakita ko naman sa kanya yung black na notebook na nasa bag ko.
"Gago. Hindi. Di ko nga alam kung kanino yan e." Mukha namang nagsasabi siya ng totoo kaya naniwala na ako.
Binuklat ko naman yung notebook kasi baka nakalagay dun yung pangalan ng may-ari pero wala e.
Base sa mga nakalagay, diary tong notebook na to. Pero bakit walang pangalan? Sino kaya may-ari nito?
Ang ganda ng sulat. Ang linis tingnan. Babae siguro may-ari.
Nakauwi na ako pero iniisip ko pa rin kung sino yung may-ari ng notebook na nasa bag ko. Tsaka paano napunta yun dito?
Binuksan ko ulit yung diary baka sakaling may nakalagay na name sa bawat entry.
Alam kong mali ang mang-invade ng privacy pero kung di ko gagawin yun baka di ko masauli sa may-ari. Baka mahalaga pala to sa kanya.
Napansin ko na hindi ito yung common na diary na magsusulat ka ng everyday activities mo. Parang question and answer diary kasi bawat entry niya may tanong e. Pero syempre hindi ko binasa yung sagot.
Napakamot ako sa ulo nang wala akong nakitang kahit anong pangalan o nickname sa bawat entry. Parang napakamisteryoso naman nito.
Itinabi ko muna yung notebook kasi baka mabaliw na ako kakaisip sa kung sino may-ari nun.
Binuksan ko muna yung messenger ko kasi nagChat na yung mga babe ko.
Kath: Babe. I miss you :(
Liza: I love you so much baby. Hope to see you soon. :*
Nadine: Love! Yuhuuuu~
Janella: Hon. Samahan mo ko magshopping tomorrow. Please?
Julia: Punta ka here bukas. I have something for you ;)
Nireplyan ko muna silang lahat bago ako matulog. I know this isn't right pero sabi nga nila YOLO kaya sulitin mo na. Gusto ko kasi ng thrill. Feeling ko kasi ang boring pag isa lang. Nakakasawa.
Alas-dose na ng madaling araw pero di pa rin ako natutulog. Di pa rin kasi talaga mawala sa isip ko yung tungkol sa notebook.
Seriously? What's with that notebook? Fuck this.
Parang natetempt tuloy akong basahin yung iba pang nakasulat dun. Parang nakakainteresado rin kasing basahin e.
