Chapter 36

4.1K 166 41
                                    

Alden's POV

Ano bang sinasabi ni jake. Hindi ko maintindihan. Hindi ba may relasyon sila ni maine?! Tapos ngayon nagagalit siya sakin na may bago na ko.

Pinakikinggan lang ni alden si jake sa mga sinasabi nito. Habang nagsasalita si jake at nalalaman ang totoo, unti unting nadudurog ang puso ni alden

ALAM MONG PALAGI SIYANG UMIIYAK DAHIL SAYO?!!! ALAM MO BANG SOBRA SIYANG NASASAKTAN DAHIL SA GINAGAWA MO SAKANYANG G*G* KA?!!! Simula nang makilala ko siya noon, palagi ka na niyang bukambibig. Si alden ganito... si alden ganyan... mahal na mahal ko siya... Oo! Umalis siya kasi gusto niyang makamove on sa pagkawala ng anak niyo pero umasa siya! Umasa siyang pagbalik niya dito may asawa pa siyang babalikan! Hindi ko makalimutan kung gano siya kaexcite umuwi para makita ka! Para mayakap ka! Kasi sabi niya saken miss na miss ka na niya! 2 days before her flight hindi na siya makatulog. Ikaw ha? Anong ginawa mo?! Pagbalik niya wala na yung bahay niyo.. yung mga litrato niyo sa condo niya basag basag na. Alam mo bang inayos yun lahat ni maine at dinisplay?!

Palagi siyang umiiyak dahil saken? Namimiss niya ko.Bukambibig niya ko. Mahal na mahal niya ko. Umasa siya na may babalikan pa siya? Totoo ba lahat ng naririnig ko? E ano yung nakita ko na ang saya saya nilang dalawa habang kumakain? Bakit mukha silang in love sa isat isa?!

Hindi pa ko tapos!!! ALAM MO BANG INGGIT NA INGGIT AKO SAYO HA?! kasi sa kaibuturan ng puso ko alam kong mahal ko si maine. Alam kong mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya! Minsan hinihiling ko na sana ako nalang! Sana ako nalang yung mahalin niya atleast ako ibabalik ko yung pagmamahal niya, hindi ko hahayaan na umiyak siya! Alam mo ba kung gano ko nasasaktan tuwing iiyak siya dahil sayo?! Lalo na kapag nakikita niyang kasama mo yang babaeng yan! Kung ayaw mo na sakanya ibigay mo nalang siya saken!!!

Kitang kita naman sakanya na mahal na mahal niya si maine. Pero kaya ko bang ibigay sakanya ang asawa ko? Kaya ko ba? Gustong sumabog ng puso ko sa mga nalaman ko ngayon. I want to run towards her home and hug her. To say sorry, to beg her to come to me again pero bakit naninigas yung paa ko. Hindi ako makagalaw. Ang tanging nararamdaman ko pagpatak ng luha sa mata ko. Hindi rin ako makapagsalita, parang naninigas yung mga dila ko

Ano ha?! Tatayo ka nalang diyan?!

Akala ko.... akala ko may relasyon kayong dalawa

Finally alden spoke

Anong relasyon?! How i wish! Pero imposible yun kasi mahal na mahal ka niya....

Nakita ko kayong dalawa sa may park sa italy. Ang saya saya niyo, ang sweet sweet niyo tapos sasabihin mo hindi kayo? Wala kayong relasyon?!

Kaibigan lang ang turing saken ni maine. We are blockmates kaya naging magkaibigan kami. Kahit kelan hindi dumako sa isip ng asawa mo na ma inlove sakin kasi sabi niya hindi pwede... kasi sabi niya kahit anong mangyari ikaw yung mahal niya at nangako siya na hindi ka niya iiwan

Lalong nadurog yung puso ni alden sa mga salitang huling narinig

Bibigyan kita ng sampung araw to make up with her or else gagawin ko lahat para maagaw siya sayo!

Then jake leave the house

10 araw?!

Alden ran towards his car and started the engine pero naisip niya susugod ba siya bigla kay maine para marinig ang paliwanag nito? Or he will wait for the premiere night of the movie which is next week to talk to her


--------------------------------------

Hi readers. Advance Merry Christmas. Thank you sa pagbabasa ng mga story ko. Sana irecommend niyo sa friends niyo na nagwwattpad din. Feel free to comment whatever reaction you have :) and news is.....










Malapit na matapos ang kwento :)

The One Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon