Chapter 4 Leave a Sign

107 2 6
  • Dedicado a Edwin Ciudad Cuizon
                                    

Author's Note: As usual.. Sorry uli sa inyo.. Antgal ko lgi mag-update.. Bsta stay with me lng ha? hahahah Enjoy :)

Chapter 4 Leave a Sign

THE KILLER IS INSIDE THE HARDWARE STORE. Pero gaya ng ibang mamimili, walang pakialam sa kaniya ang mga tao sa paligid.

“Kung alam niyo lang kung sino ako, malamang kanina pa kayo nagsigawan” sabi niya sa kaniyang isip. Pero ang tanong, bakit nga ba siya nasa ganitong klase ng tindahan. Papatay na naman ba siya? Hindi, masyado pang mabilis at maaga para pumatay ulit. Isa pa, delikado kung sa ganitong lugar siya papatay. Hindi din iyon ang nais niyang ipaabot sa mga taong susubukang alamin ang misteryong nakabalot sa kaniyang pagpatay.

Wag kayong mag-alala, malalaman niyo din kalaunan. Kailangan niya pa siguro pumatay ng isa... dalawa… tatlo… o kaya higit pa. Baka pa nga di siya titigil sa pagpatay habang walang nakakaintindi ng kaniyang mensahe para sa lahat.

Habang naglilibot sa Hardware, may nakita siyang magandang babae. “Pwede to” sabi niya sa kaniyang sarili. Siguro susundan, oobserbahan at babantayan niya ang babae hanggang sa makakanap siya ng tamang pagkakataon para patayin siya… tulad ng ginawa niya sa nakaraang biktima.

Nagsimula siyang manginig, nakaramdam ng kaba kasabay ng pananabik. Naiisip niya kung paano niya pwedeng patayin ang babaeng tinitingnan niya ngayon. Pero napatigil siya sa pagpapantasya ng magsalita ang babaeng tinitingnan niya.

“Uhmmm… Okay ka lang ba?” napakaganda ng boses ng babae.

“Ako? Oo okay ako. Haha, may naalala lang ako nung nakita kita. Pasensya ah?” palusot niya habang ngumingiti ng bahagya… Sapat para marealize ng babae na gwapo at kakaiba ang lalaking nakatitig sa kanya. Hindi napigilan ng babae na ngumiti din sa killer, mukha ngang may gusto na siya dito.

“Ah ganun ba? Haha…” wala ng ibang masabi yung  babae.

“Oo ganun nga.” Sagot sa kaniya nung killer saka ngumiti muli ng bahagya.

Papalagpasin ko pa ba to?  Tanong ng babae sa kaniyang sarili. Di na alam ang gagawin, napagdesisyunan niyang magpakilala sa lalaki.

“A-Ako  pala si Allysa.” Nahihiyang pagpapakilala ng babae.

“Nice meeting you Allysa, hope we see each other again.” Sabi sa kaniya ng killer saka lumagpas sa kaniya at pumunta sa ibang section ng Hardware.

Saka na ako magpapakilala sayo pag malapit ka ng mamatay. Napapangiti na lang siya habang sinasabi yun sa kaniyang sarili.

Naalala niyang sinasabi sa kanya ng Papa niya noon… Na kung gusto niyang makilala siya ng mga tao, kailangan niyang mag-iwan ng bagay para maalala siya ng tao.

Oh Dad, you always knew what’s best for me. Mahal na mahal niya ang tatay niya. Tandang-tanda niya pa na lagi siyang pinapasyal nito sa mall noong bata pa siya. Too bad, wala na si Dad. Pero kasalanan din naman niya kung bakit namatay ang Tatay niya. Don’t even start talking about guilt, dahil kahit kakaunti ay wala siyang ganun. Kaya nga siya naging killer eh, dahil hindi siya nakokonsensiya sa ginagawa niya. But don’t worry Dad, kaya nga ako andito… I am buying things, so that on my next kill I could Leave A Sign.

Nakangiti niyang nilagay ang mga pinamili niya sa tapat ng counter. Nagtataka ang cashier kung bakit puro ganun ang binili niya. Gusto niya pa sanang tanungin kung ilan ba ang pinto nila sa bahay, pero sino ba siya para mangialam?

Makikita sa plastic ng Killer ang mahigit 20 pieces ng

Please Close The Door Sign…

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 08, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Please Close The Door...Donde viven las historias. Descúbrelo ahora