Chapter 13: Am I Dreaming?

58 3 0
                                    

Ella's POV

Di parin ako makapaniwala na malapit na umalis si Michael, paano na ang forever? Bakit ba siya mag aabroad? Pwede naman dito na lang siya magaral diba? Di ko kaya ng wala siya, di na ako inspired mag volley ball, nag cocomputer ako nang may nag message saakin, hindi si Michael, kundi ibang tao, di ko siya kilala pero nagulat ako sa sinabi niya "Wag na wag mong tatangkaing sumigaw, wag na wag mo tangkain magsumbong, kung nagtangka ka, ay malalagot ka saakin, lumabas ka bukas, at hinding hindi mo na siya makikita."

Ano ba ang ibig nito sabihin? Death threat ba to? Hindi ako pwedeng magsumbong, lalong lalala, pero kailangan ko to sabihin kay Michael, kailangan na kailangan ko lang, kung hindi kay Michael, ay kay Bryan, Maxine, Agatha, o kay Daisy man lang,mga kaibigan ko sila, at they deserve to know the truth, mapag kakatiwalaan ko kaya si Natalia? Paano kung siya to? Paano kung pinaplastik niya lang ako? Pwede naman diba? Ang daming katanungan.

The next day, sumuway ako sa inuutos ni mysterious person, or yung unknown na nagmessage saakin, sinabi ko to kay Agatha "Baka naman wrong send lang yan, wala ka namang kaaway diba?" Sumagot ako "Kaibigan kita pero hindi mo alam na inaagaw ni Natalie si Michael saakin?" Di ko alam kung bakit ko ba nasabi yun "sorry Ella..." Yan lang ang nasabi saakin ni Agatha, nagsorry lang din naman ako, "Kung si Natalie lang naman ang galit sayo, siya lang muna ang suspect naten for a while." Ang sabi ni Maxine, biglang lumapit si Natalie, "what are you guys talking about? Can I know about it?"

Sinamaan namin siya ng tingin ng para bang mind you own business, at sinabi niya "Never mind, sisimulan na pala namin yung movie, I don't want to be late for the taping!" Ang landi talaga ng boses niya, kaasar, pero ayaw ko muna mag husga, baka naman kasi hindi siya ang master mind, pauwi na ako, hindi na kami nag sabay ni Michael may practice kasi siya eh at si Natalia naman ay absent, may bumulong saakin, "wag mong sasabihin sa iba ang sinabi ko saiyo, pasaway ka kasi eh," at biglang may tinakip siyang panyo sa ilong ko at nakatulog ako.

Nagising ako ay nasa madilim na parte ako ng isang inabandonang building, nasaan ba ko, kinidnap na ba ako? Sino naman ang kikidnap saakin, natatakot ako, sandali lang, yung cellphone ko, nasa bulsa ko pa! Pero mag loload loan pa ako! KABWISET! Load napaka importante mo pala! Sandali lang may papalapit saakin, kailangan ko muna itago yung cellphone ko, "MANGAAGAW!" Sigaw niya at bigla niya akong sinampal, ibang tao to, hindi to si Natalie, iba ang boses niya, ngayon ko lang narinig.

Umalis na siya at nagmamadali akong mag text, pinicturan ko yung bintana, muli may pumasok kaya kailangan ko itago yung cellphone, sandali lang, si Natalie, kinidnap din nila si Natalie, ibig sabihin, bukod saaming dalawa ni Natalie ay may iba pang may gusto kay Michael, umiiyak si Natalie, tumingin siya saakin, at sinabi niya "hindi ikaw ang may pakana ng lahat ng to?" Nagulat din siya sa mga nangyayari, nakatali yung paa at kamay namin pero hindi ang bibig namin, "TUMAHIMIK NGA KAYO MGA MANGAAGAW!" Sino ba to? Imposinleng si Natalie, kasi katabi ko siya ngayon, ano ba ang kailangan niya   saamin? "Mamamatay din kayo! Pero hindi niyo siya makakasama kailan man!"

Sigurado ako na si Michael ang tinutukoy niya, gabi na pinatay na ang lahat ng ilaw natulog na ata siya,pero kahit gabi na, naririnig ko parin ang iyak ni Natalie, may sinasabi siya, hindi ko maintindihan, tanging narinig ko ay ang sorry niya, sorry na para bang papakawalan niya ang lahat mabuhay lang, bakit ganito? Naaawa ako sakanya, kahit sobrang irritated ako sakanya, dahil ba sa iyak niya?

Saglit lang, naalala ko! May pocket knife ako! Nasa bulsa ko din to, binigay ni Mama! In case of emergency daw, bakit ba ngayon ko lang to naalala, sinabi ko kay Natalie na steady lang, at makakatakas din kami, naputol ko na yung tali ni Natalie, kinuha niya yun at pinutol din yung nasa paa niya, puputulin niya na sana yung nasa kamay ko nang sabihin ko na tumakas na siya at may flashlight doon sa bag ko na nilagay nila sa isang sulok, palabas na si Natalie ng pinto ng bigla siyang tumingin saakin, nag senyas siya ng thank you at babalik ako para tulungan ka, pumukit lang ako ng para bang thank you, at doon lumabas na siya ng pinto...

Naiwan ako...

Kinabukasan ay nag tutulog tulugan ako, sumigaw yung kidnaper "NASAAN NA YUNG NATALIE NA YUN?!" Dumilat aki ng para bang bagong gising lang ako at wala akong alam "ANO PA BANG HINIHINTAY NIYO? UTOS KO? HANAPIN NIYO NA SIYA! AT IKAW MAY ALAM KA BA DITO?" Tanong niya saakin, "hindi, w-wala akong alam." Alam kong babalikan ko ni Natalie, pero bakit ang tagal?!

My Highschool CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon