Chapter 11-Paano

22 0 0
                                    

Ilang linggo na rin ang nagdaan lagi kaming makatext at magkausap madalas din kami magkita pero habang tumatagal mas lalo kong napapatunayan sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kanya..

Paano ko sa kanya sasabihin?

Paano ko sa kanya aaminin?

sigurado na nga ba ako sa nararamdaman ko o baka naman dahil masaya lang ako kapag kasama ko siya o baka naman masaya siyang kasama.. 

Katulad ngayon magkikita kaming dalawa ni Johanne..

makikita ko na naman ang kanyang mga ngiti sa labi na lalong nagpapahulog sa akin..

Pag ibig na nga ba itong nararamdaman ko?

Justin!

Napalingon ako bigla sa tumatawag sa akin.. si Erick lang pala at papalapit na siya sa akin ngayon..

Justin okay ka lang ba? tanong sa akin ng kaibigan kong si Erick na kanina pa pla ako tinatawag..

Ikaw pala Rick bakit ano kailangan mo?

Ui pare mukhang malalim iniisip mo ha? Kanina ka pa namin tinatawag eh aayain ka sana namin gumala ngayon eh tagal ka na naming di nakakasama eh..

Naku  pre pasensya na ha di ako makakasama magkikita kmi ni Johanne ngayon..

Hay naku pre in love ka na noh? Sabay asar ng mga kaibigan namin na kasama niya

Ngumiti na lang ako sa kanila at nagpaalam na..

1 message received

From: Johanne

Justin uwian ko na..magkikita pa ba tayo?

To:Johanne

Yes Johanne hintayin mo lang ako punta na lang ako dyan..

Pagkalipas ng ilang minuto ay naabutan ko siyang nakaupo sa isang bench..

nilapitan ko siya at agad naman siyang ngumiti sa akin..

haysss ang mga ngiting yan.. gusto ko man sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero natatakot akong magbago ang samahan naming dalawa..

Maghihintay na lamang ako ng tamang panahon at sasabihin ko din sa kanya..

Uhm, Justin bakit tahimik ka yata? May sakit ka ba?

Ah..Eh.. uhm.. ok lang ako may naalala lang ako..

Uhm, Johanne may itatanong ako sayo.. Kamusta na kayo ni Carl?

Ok naman kami friends pero hindi ko siya masyadong nakakausap..Bakit mo naman natanong?

Wala naman, Paano kapag binalikan ka niya? May pag asa pa ba?

Hindi ko alam Justin.. mukhang malabo na mangyari yun noh.. masaya na siya at masaya na rin ako.. hindi na ko aasa pa na magiging kami ulit..

Kapag ba may nanligaw sayong iba papayagan mo?

hindi siguro..ewan ko wala naman sigurong magkakamali na manligaw.. tsaka tama na muna yang mga ligaw ligaw na yan..dba justin?

natigilan ako sa sinabi ni Johanne hindi ko alam kung ano ang isasagot ko..feel ko ngayon pa lang basted na ko..

Ui Justin?

Ngumiti na lang ako at inaya siyang kumain..

Madilim na rin ng nag aya siyang umuwi..Hinatid ko siya sa may sakayan at umuwi na rin ako..Ayaw kasi niya magpahatid okay na daw siya doon..

Pag uwi ko sa bahay ay agad kong tinext si Johanne kung nakauwi na siya..

Dalawang oras na hindi pa siya sumasagot sa text ko at sobra na akong nag aalala sa kanya..

Hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..

11pm na nangmagising ako..

Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong may text siya doon..

From: Johanne

hey Justin sorry late reply ha battery empty kasi yung phone ko..thank you kanina ^_^

Nakahinga ako nang maluwag ng mabasa ko ang text niya..

Tulog na kaya yun.. maitext nga..

To: Johanne

Good night princess.. Sweet dreams :*

after 30 minutes nagreply siya..

Johanne: Good night din..Sleep tight ^_^

Justin: sige tulog ka na maaga ka pa bukas..

Johanne: May ginagawa pa ko eh..nga pala hindi mo sinabi sa akin kung bakit ako yung gusto mong princess mo..

patay naalala pa niya.. ano sasabihin ko aamin na ba ako..

Justin: Kapag nagkita tayo sasabihin ko sayo..

Johanne: Sabi mo yan ha.. eh bakit hindi pa ngayon?

Justin: Wala lang.. Kapag nagkita tayo promise sasabihin ko..

Johanne: Sige sabi mo eh.. Tulog ka na tatapusin ko na to..

Justin: Sige princess good night na.. Sweet dreams :*

Johanne: Good night :)

Siguro nga time na para sa sabihin sa kanya.. bahala na kung anong mangyari kung hindi niya ko tanggapin okay lang ang mahalaga nasabi ko.. kaso hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.. 

I Will Be Here.♥Where stories live. Discover now