Chapter 2: Climbing to Hell

285 11 0
                                    

"Okay, mag inat-inat na kayo jan! Mag-uumpisa na ang akyatan!" Sigaw ni Dolph. Nasa paanan na sila ng bundok at naghahanda ng umakyat. Bandang 11am na nung mga oras na yun.

"Okay guys, buy anything you want to eat for a long travel, water, sweets and anything!" Paalala ni Aj.

"It's Done!" sigaw ng ilan.

"Then shall we go?"

"Gora na guuuurrll!" excited na sigaw ni Layla.

Nagsimula na ang pag-akyat. Nakakapagod na akyatan at lakaran. Nagpahinga. Kumain. At Muling lumakad. Ilang ulit na cycle. Hanggang sa...

"Gggrrrraaahhh hahahahha!!!"

"Huh!" Piksi ni Taryn na agad napayakap kay Drew ng marinig ang malakas at matinis na tila nakakalokong tawa ng kung sino. At nakakakilabot!

"You heard it?" Emma asked in no particular person.

"Kakagulat naman! May tao pala dito kahit wala namang mga bahay?" Takang tanong ni Zack.

"Malamang, bakit ikaw lang ba may karapatang bumaba o umakyat sa bundok na to?" Bara ni Sia para mabawasan ang tensyon.

"Tara na wag niyo ng pansinin at baka gabihin tayo!" Paalala ni Aj

"Malayo pa ba tayo Jay?" Tanong ni Lana.

"Hindi na masyado, kaya nga dapat na tayong magmadali para matapos na 'tong pagod natin."

Nagpatuloy na sila sa paglalakad. At kulang isang oras ay natanaw na nila ang mga kabahayang gawa sa pawid at mga kawayan. May mga banderitas din at mga pampaganda sa paligid. Pagsapit nila sa mismong baryo ay tila may napuna silang tila nakapagtataka. Napakatahimik ng baryong ito, para bang hindi pa palapit ang piyesta, at animo ay walang mga tao, may iilan lamang na makikita sa may bandang unahan ng daang tinatahak nila. Nang nasa may gitna na sila ng baryo ay isa-isang nagsilabasan ang mga tao sa kanya-kanya nilang mga bahay. May bata, matanda, babae, at lalake. Ngunit sabay-sabay sila halos napasinghap ng makita ang mga mukha at itsura ng mga ito, mayroong tabingi ang mukha na may makapal na nguso, malaking mata na may hiwa ang pang-itaas na labi, may batang halos puti na at nalalagas ang mga buhok at basag ang ilong, at iba pang mga nakakarimarim na hitsura na dito lang nila nakita.

"These families are all unformed!" Tila manghang nasambit ni Dolph.

"Ppssshhttttt! Wag ka ngang maingay baka ma-offend mo sila!" Hinampas ni Layla si Dolph habang binubulungan.

"Heyy.. Im just joking Lay!"

Walang imik si Sia na minamasdan din ang mga dinadaanan. Sinusundan sila ng tingin ng mga ito, at nangilabot siya ng mapansing tila may mga ngiti sa labi ng mga ito. "Bakit parang may hindi magandang mangyayari? Tila nangingilabot ako mula ng umapak kami sa baryong ito! Nakakatakot sila! Diyos ko ano kayang nangyari sa mga taong ito?" Saisip ni Sia. Hindi maiwasang maninding ang kanyang mga balahibo bunga ng mga tinging iniuukol ng mga ito sa kanila, mga titig na parang...

Ngayon lang nakakita ng bagong putahe...

Sa pinakadulo ng baryo ay nakita nila ang isang malaki ngunit lumang tila mansyon na bahay. Tinahak nila ang direksyion nito. Sa pintuan nito ay may mga nakaabang na mga tagasilbi. At gaya ng ibang mga tao dito ay mga unformed din ang mga itsura.

"Magandang hapon po sa inyo Señorita Aj, kanina pa po kayo hinihintay nina Doña Carmella At Don Enzo." Bati ng Kasambahay.

"Sige salamat. Ahm Marti paki tawag ang iba mo pang mga kasama at ihatid ninyo ang mga bisita sa kanya-kanya nilang silid upang makapagphinga muna bago maghapunan."

The Cannibal Fest (Biringan The Hidden City In Samar)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon