1

26 4 2
                                    

Ex/Mr. Manyak

Bar-8:36pm Saturday

Nilibot ko yung buong bar, andaming tao, ang ingay at madilim siya na maganda ang music at nababalot ng kasiyahan ang buong bar. Best place para kalimutan ang problema mo. At nandito lang kami to celebrate, birthday kasi ni Jacob ngayon, isa siya sa pinakaclose friend ko, baklang straight to pero mahal ko, as a friend.

Hindi lang naman si Jacob ang kasama ko, kasama namin ang buong barkada. Anim kaming lahat. Pagtapos naming magkita-kita umupo na kami sa nakareserve na pabilog na sofa na may pagkalayo sa mga tao at madilim pero maganda ang view, kasi makikita mo ang ganda ng bar.

Umorder muna si Jacob para saming lahat at tsaka tumabi sa tabi ko. Bumulong ako sa kaniya ng nakangiti "happy birthday" at hindi napawi ang ngiti ko nang....bigla kong nakita ang ex ko, napawi agad yung ngiti ko  at si Jacob na rin mismo ang nakaalam kung bakit yun nawala.

Naglalakad siya palapit sa counter...with a girl, oo, babaeng mas maganda, mas maputi at mas sexy sakin. Alam kong makakahanap pa siya ng ibang babaeng mas saken. Pero bakit ngayong nandito ako at nakikita sila, nasasaktan ako? Ano ba yang nararamdaman mo Hailey? Inis o selos?

Pero sht Hailey, naka move-on ka na kaya tama na. 

Di ko maalis ang atensyon ko sa kanila na nasa counter. Yung babae panay dikit kay Liam, sila na ba? Or sadyang naglalandian lang sila? Napalingon agad ako sa kung saan nang makitang naghahalikan sila. Sht.


Bakit ba Hailey? Nagseselos ka Hailey? Kasi hindi na ikaw yan? Yung dating labi na hinahalikan mo ngayon nakadapo na sa iba.   Uminom na lang ako ulit tsaka nagpaalam para mag-CR.


Pagliko ko sa isang kanto, isa lang ang nakita kong pasukan, di naman yun nakasara kaya pumasok ako dire-diretso. Pero nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong lalaki na shirtless, pero nakatalikod, ang sexy ah, ang manyak ko naman, nakita kong nagf-flex ang katawan niya dahil nagbibihis na siya, tae, wrong timing ata akong pumasok ah. Naghugas na lang ako agad ng kamay para kunware wala akong nakita. 


Habang naghuhugas ako, ramdam kong may lumalapit dahil nagdidilim ng onti.


Muntikan na kong mapatalon sa gulat nang biglang may humawak sa kamay ko habang naghuhugas ako, sht. Naramdaman ko din yung isang kamay niya sa bewang ko. Tae, sino ba to? Di ako makalingon dahil sobrang nagiinit na yung mukha ko kahit na airconditioned tong CR. Wrong timing ka kasi Hailey eh. 


Mas lalo pa siyang lumapit kaya naramdaman ko yung matigas niyang dibdib sa likod. Di na ko makahinga, punyemas (sorry sa language). Ramdam ko na ang paghinga niya sa tenga ko kaya napahinga ako ng mas malalim.

Gusto ko siyang sapakin para makalayas na ko dito. Pero ano bang laban ko sa lalaking to? Halata namang di ko magagawa yun kaya nagpigil na lang ako.

Binawi ko na lang ang kamay ko at akmang itutulak siya para makaalis ako sa kaniya pero bago ko pa yun nagawa, "pumasok ka at nakita mo ko" nanindig na ang balahibo ko dahil sa pagbulong niya sa tenga ko. Init na init na tong pagmumukha ko, jusko. "Nakita mo ko pero nagpatuloy ka pa rin, diba?" Napabuntong-hininga siya pagtapos niyang sabihin yun.

'Bat ba big deal yun sayo ha?! Buti nga di kita nakitang nakahubad diyan eh!' Gusto kong isigaw sa kaniya. Ginagawa niyang malaking isyu to.

"What if nakita mo kong shirtless, ulit?" Napalunok ako sa sinabi niyang ulit. Humarap ako sa kaniya at buti namang binitawan niya ang kamay ko pero pagkaharap ko, sobrang lapit na namin sa isa't-isa pero nakalimutan ko iyon agad dahil naiinis ako sa kaniya.

"Ulit? Ni hindi nga kita napansin kanina eh" tapos umiwas ako sa titig niya, sht sht sht. "Are you sure?" Nangaakit ata tong manyak na to ah! Pagkasabi niya nun hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kaniya. Pagharap ko nakatitig siya sakin ng seryoso. Sht ang sarap sapakin!

"O-oo naman. Tsaka bat ba big deal yun sayo? Likod lang naman naki--" nanlaki ang mata ko sa lumabas sa bibig ko. Sht. Andaldal ko masyado! Nakita ko naman ang pagkakunot ng noo niya. Ngumiti siya ng nakakaloko at "big deal kasi what if nakita mo ang abs ko at hindi lang ang likod ko?" Pagkasabi niya nun mas nilapit niya ang mukha niya sakin. Bwiset kang manyak ka! Tsaka wala akong pakealam sa bwiset niyang abs. Lord tulungan mo ko! Kelangan kong makatakas sa kaniya.

Kumunot ng bahagya ang noo ko at tsaka ko siya tinulak, tama lang para kumalas siya sa akin. Pagkalas niya nagmadali akong maghugas ng kamay at tsaka lumabas pero paglabas ko pa lang, nahawakan na niya ang braso ko tsaka hinatak ako palapit sa kaniya. Sht, eto na naman tayo. Inirapan ko siya at binulungan niya ko in his cold voice "di pa tayo tapos, Miss."

Bwiset!! Kapag nakita ko talaga yan ulit, sasalubungin ko na ng sermon!

Kung Siya Na Lang SanaWhere stories live. Discover now