"Give me example of Geometry."
"M-miss?" Pang-uulit nya pa.
Kumunot naman ang noo ni Miss, napabuntong hininga lanh itong tinatawag nilang Nixon.
"Are you listening Mr.Denza?" Kunot noong tanong ni Miss sakanya.
Hindi lang sumagot yung Nixon, at nakatingin lang sa white board pawang walang pakialam.
"Not too much, Miss." Walang ganang sagot nya.
Nagsimula naman magbulong-bulungan ang mga kaklase namin. Tinignan ko si Miss, at wala sa sariling nasapo nya ang kanyang noo, pawang na de-depress.
"What?!" Inis na sigaw ni Miss,
"For pete's sake Mr.Denza! Ikaw ay apo ng Dean!" Sigaw pa ni Miss,
Nanatiling blanko ang ekspresyon nung Nixon. Sya pala ay apo ng Dean? Mabait ang Dean...pero parang salungat sila ng ugali ng apo nya.
"And what's about that Miss?" Wala paring ganang salita nung Nixon. Tinignan ko yung mga kasama nya at parang wala ring pakialam sa mundo.
Nabaling ang paningin ko dun sa ubato sakin nung panyo. Yung Blaze ang pangalan. Nakapaslak sa dalawang tenga nya ang earphone...TULOG?!
Hindi ko maiwasang maipag-kumpara ang ugali ng EIA--sa dati naming school na SLNH--Saint Louis National Highschool. Kabaliktaran ata ang ugali, dahil dito parang mga walang modo ang tao kumpara sa SLNH na parang sinalo lahat ng ka-galangan, at dito madali kang mapapansin ng tao, pero dun wala silang pakealam, dahil may sarili silang mundo.
Iniwas ko na ang tingin ko dun sa Blaze, ata saka muling bumaling sa unahan. Malakas na bumuntong hininga si Miss.
"Hindi parin talaga kayo nagbabago, 4th year na kayo! Sa tingin nyo makakagraduate kayo kung ganyan ang inuugali nyo?!"-Miss
Isa-isa nyang tiningnan yung apat na nasa likod namin, at nahinto ang paningin nya kasabay ng panlalaki ng mata.
Tinignan ko kung nasan sya nakatingin at---NA KAY BLAZE!
"DE LAVIN!!" Malakas na sigaw ni Miss.
Hindi man lang nagitla si Blaze, subalit dahan dahan nyang binuksan ang kanyang mga mata, Nagtaman na naman ang PANINGIN NAMIN!
Pero madali nya ring iniwas, hanggang ngayon wala paring ekspresyon ang kanyang mga muka, pero ang mga mata nya ang nagsasabi na bored na sya.
Dahan-dahan nyang iniangat ang tingim kay Miss at tinanggay ang earphone nya.
"Unang araw nang klase tulog ka?!"
Hindi lang sumagot si Blaze at nanatiling blanko ang ekspresyon ng mga mukha.
"Sinabi samin ng mga parents nyo na wag na namin kayong pag bibigyan sa mga katarantaduhan nyo--"
Natigilan si Miss, nang biglang pagtayo ni Blaze.
"Hindi ko matandaan na may sinabi sainyong ganon ang parents ko." Walang ganang sabi nya.
Napalunok lang si Miss.
Muling bumaling ang tingin ko kay Blaze at nakatingin sya sa orasan nya, bago nagsalita.
"Break na, Class dismiss." Sabi nya at kinuha ang bag at naunang lumabas, sumunod naman sakanya ang mga kaibigan nya.
I can't believe this..
Inis na lumabas nalang nabg kwarto si Miss, at doon kame nakahinga ng maluwag.
Bumaling sakin yung dalawa,
"Grabe pala estudyante dito Siri," di makapaniwalang sabi ni Kira.
"Sinabi mo pa." Tango-tangong sabi ko,
YOU ARE READING
Just A Memory
ActionIsang Ordinaryong Babae, Hindi lahat ng katangian ng isang babae ay sakanya mo makikita. Unique sya---Kakaiba sya sa lahat, Maganda pa sya sa maganda, Mabait pa sya sa mabait, IBA PA SYA SA IBA. Wag na wag mo lang susubukan saktan ang mga taong mala...
Chapter 2
Start from the beginning
