Alam ba to ni Kevin? -bakit kayo ng hiwalay kung ganong buntis ka? -mahina kong tanong naman

Kaya nga nakipaghiwalay ako sa kanya atey kasi hindi pa daw sya handa -di pa daw nya kayang ipakilala ako sa pamilya nya -lalo hindi pa daw sya handa na pumasok sa responsibilidad bilang tatay -kaya baka hindi na rin muna ako papasok pupunta nalang ako sa school bukas para mag withdraw ng mga subjects ko

Hindi Ara -hindi ka titigil sayang yung pinaghirapan nyo ni Nanay Lucy -ituloy mo yan -hindi naman hadlang ang pagiging buntis para makapag tapos ka eh

Pero Tin pag nalaman ng school panigurado kick out ako kaya ano pang silbi kung itutuloy ko ang pag-aaral ko -tatanggalan lang din ako ng scholarship 

Sumama ka sa akin -sa Singapore tayo mag OJT -di naman kailangan na umattend tayo ng graduation eh -ipapasa lang natin ang OJT certificate natin sa school para mapabilang tayo sa mga magtatapos -tapos doon ka na manganak -doon tayo mag hanap ng trabaho

Bumaling si Ara kay nanay Lucy para hingin ang kanyang permiso -kung sa tingin nyong magkaibigan mas makakabuti at makaka-usad kayo kung nandoon kayo sa malayo -hindi ako tututol -sige Tin anak tatanggapin ko yung trabaho sa kapatid mo para hindi naman ako magmokmok dito habang wala ang anak ko -maluha-luhang pahayag ni nanay

Doon na din ako natulog kila Ara para kasing wala pa akong lakas para mag drive -kinabukasan hinatid ko lang si nanay sa bahay ni kuya -ni hindi na nga ako bumaba -binilin ko nalang kay nanay na hwag nang sabihin na ako ang naghatid at hwag na muna ikwento kila ate at kuya ang nangyari sa amin ni Jason

Agad akong dumiritso sa kompanya ni daddy para ipaalam na tinatanggap ko na ang offer nyang doon ako sa Singapore mag OJT at hihilingin ko din na kasama si Ara -what made you change your mind then? -nakangiting tanong ni Daddy

Napag kwentuhan namin ni Ara kasi dad and noong nakita kong gaano sya ka excited para sa akin -naisip ko baka nga mas maganda doon -kaya sana kasama mo sya para doble yung excitement nya -mahinhin kong saad kay daddy -sana pumayag sya

You really love you bestfriend ha -nakangiting tanong ni daddy -marahan naman akong tumango at ngumiti

And dad kung pwedi sana -soon -kinakabahan kong dagdag -para maka tour muna kami bago mag start sa OJT -agad kung dagdag nang mapansin na nagsalubong na ang kilay ni daddy -at mukhang kumbensido naman sya 

Okey I will asked my secretary to book you two a flight and your accommodation there

No need dad kami na po ni Ara ang bahalang maghanap ng murang matitirhan doon -kami na rin ang mag book ng flight namin -sunod sunod naman ang ginawang tango ni daddy -pagkatapos ng kunting kwentuhan namin -nagpaalam na rin ako -dumirtso akong uwi sa mansion para ipaalam kay mommy ang desisyon ko 

Baby bakit doon -napalingon naman ako kay mommy habang chine-check ang mga damit ko kung alin ang pupwedi kong dalhin

Mommy -natatawang baling sa kanya at agad na pinuntahan para yakapin -kayo kaya ni dad ang nag suggest tungkol dito

Pero

Mom you can visit us naman anytime eh -tsaka I doubt kung mami-miss mo nga ako gayong ang mukha mo pag wala ka sa boutique mo e nandun ka kila kuya -and mom mas lalo pang mapapadalas ang punta mo doon kasi si nanay Lucy doon na magtatrabaho -umaliwalas naman ang mukha ng mommy ko -kasundo din kasi ni mommy si nanay Lucy -katulad ni Ara noon na akala e pandirihan ko sya -ganon si nanay natatakot sya na baka daw mandiri si mommy at sabihan akong hwag na makipag kaibigan sa anak nya -ngunit ganon naang ang tuwa nya ng kinaibigan siya ni mommy -tuwang tuwa pa nga si mommy kapag nagkwentuhan sila ang galing kasi ni nanay mag kwento nakakatuwa yung mga hirit nya -tsaka ang pinaka gusto ni mommy ay ang masahe ni nanay

Naputol ang kwentuhan namin ni mommy nang may kumatok sa kwarto ko -pasok -sigaw ni mommy

Mam nandyan po si sir Jason hinanap po si Tiney -imporma ng isa sa mga kasambahay namin -tumango naman si mommy 

Sabihin mo susunod na -agad namang tumalima si ate Gracia -sige na anak kahapon pa tawag ng tawag sayo yan -taka ano bang nangyari sa phone mo at hindi mo nasagot ang mga tawag nya?

Dead batt po mom -pagkakaila ko -agad naman nagpaalam si mommy para tumulong sa kusina -lage kasi kapag dinner nandoon si mommy para siguraduhin na ang mga paborito namin ang mga ihahanda

Agad na tumayo si Jason pagkakita sa akin na pababa ng hagdan -nilampasan ko lang sya at nagpatiunang pumunta sa labas -ayaw kong may makarinig sa pag-uusapan namin lalo ayaw kong may makaalam pang iba sa kung ano man ang nangyayari sa amin

Mahal -untag agad ni Jason nang makaupo sa tabi ditosa garden namin

Stop calling me with names -malamig kong tugon sa kanya -kung nandito ka para humingi nang pang-unawa -di na kailangan -I am giving you back your freedom 

No -agad nyang putol sa akin -please listen -I can explain everything

Then go ahead I am giving you 5 minutes -tinutok ko ang paningin sa malayo -ayaw ko syang tingnan dahil baka isang sorry nya lang maglalaho na ang sakit na naramdaman ko

Please try to understand -pilit nyang hinuhuli ang kamay ko pero iwinawaksi ko ito -I just need to do that -she requested me to paint her para layuan nya ang pamilya ko

And you believe her? -hindi ko napigil na umangil -kung ayaw mo hindi ka nya mapipit sa gusto nya -pero ginawa mo dahil gunusto mo

No Tin hindi -tumaas ang boses nya tanda ng frustration

Hwag ako pinagloloko mo Jason -hindi ako pinanganak kahapon lang -dahil sa isang obra titigilan ka na nya? -tumawa ako ng pagak at muling binaling ang paningin sa malayo -di mo ba nakita yung mapanlait nyang ngiti sa akin -yung tipong sinasabi na -hey look what I have -your beloved husband id looking intently at me -na para bang kinakabisado mo ang lahat ng parte ng katawan nya -masakit Jason eh -kahit hindi mo sabihin sa akin alam ko naman na hindi ka pa nakapag move on sa kanya -sana lang hindi mo ako ginawang parausan at panakip butas lang

Of course not -putol nya sa mga sinasabi ko -I love you and that's the truth

Kung totoong mahal mo ako bakit hindi mo naikwento sa akin ang nakaraan mo 

Dahil ayaw ko nang balikan ang masakit na parte ng buhay kong yun

Pero anong ginagawa mo ngayon bakit ka pumayag sa gusto nya?

Beacuse she threaten me -sasaktan ka nya at si mommy -she knows about our marriage -nagbanta syang sasabihin sa pamilya mo

Binalingan ko sya at tinaasan ng kilay -sana sinabihan mo ako -pero wala  -hindi mo ginawa -nilihim mo -noong mga panahon ni ha-ni ho hindi mo magawa -pilit kong inintindi dahil alam kong busy ka -ayaw kong dagdagan ang problema mo sa trabaho at ang pang pepressure ng lolo mo -ikaw ba naisip mong may nag-aalala sa'yo? -syempre hindi dahil may iba kang pinagkakaabalahan

Tin palalakihin ba talaga natin to? -nakakamot sa batok nyang saad -ano ba talagang gusto mong mangyari -bakit ba ang hirap mong paliwanagan -halatang nagtitimpi lang sya ng kanyang galit

I want space -mahirap pausarin ang isang relasyon na puno ng sekreto -at hindi ko alam kong kaya ko pa bang magtiwala sa yo

Wow just wow -sabi nya at nagmadaling umalis -pinapanood ko lang syang lumayo -habang naglakad sya palapit sa kanyang sasakyan -sya namang pagbuhos sa mga luhang kanina ko pa pinipigilan -ayaw ko lang kasing makita nyang mahina -natatakot akong uulit-ulitin nya akong lokohin........


A/N:- please bear with the errors -di ko na to binasa ulit basta lang ako nagty-type habang may free time...salamat 

Love at First Sight -CompletedWhere stories live. Discover now