CHAPTER 1

38 1 0
                                    


"Abigail!! Dali na! Start na tayo in 10 minutes!!"

Kanina pa nga ako nandito eh tapos sila pa yung may ganang magalit.

"Eto na!! Eto na poo!" sigaw ko.

"Magpractice ka na dun! Go na! Wag mo nang galitin pa yung member niyong naglilide-leaderan!"

Oh. My. God. Nakipag-usap ba talaga siya sakin??! Gino de los Santos?

Nginitian ko lang siya tsaka I stood up na. Alam ko namang magiging awkward ako kaya iiwasan ko na habang may oras pa.


KINABUKASAN

"Abigail Naomi Barameda?"

"Present!"

Eto nanaman tayo...pasok nanaman. Mabuti nalang at last day na. Summer, here I come na talaga. Ewan ko nga ba't may check attendance pa sa huling araw ng pasukan....stupidity -.-

"Abbie! Practice ka mamaya?" tanong sakin ni Alison.

"Depende. Pag madismiss tayo ng maaga....edi go!" sagot ko sa kaniya.

Yung mga practice na yan? Para yan sa sayaw namin. Well member kasi kami ng isang organization, parang dance club ba pero Kpop yung kinocover namin.

"Sige. Sabihan mo nalang ako pag papractice ka ha? Para sabay na tayong pumunta sa dance studio!"

Tumango lang ako. Hinanap ko yung mga kaibigan kong sina Sofia, Margo at Nelson. Saan na ba yung mga yun, parang kani-kanina lang magkakasama pa kami ng mga yun ah.

Naglibot-libot ako para mahanap sila ng makita ko yung di ko dapat makita.

Si Elijah!!!!!! Shet bes! yung ex-crush koooooo. Na kada-kita ko sa kanya....nandun pa rin yung feelings. Paano ba to? papunta siya sakin.

"Uhmm Hi! nakita mo ba sina Seth?" at ako pa talaga hinanapan mo ng mga kagrupo mo? alam mo namang di kami close niyan, ikaw lang tsaka si Seth.

But I stayed cool, siyempre magpakabait naman tayo, baka sabihin pa nung tao maldita ako.

"Sorry pero wala eh, sina Sofia rin nga hinahanap ko. Nakita mo sila?"

"Ah oo! hinanap ka rin nila sakin, papunta sila ngayon sa canteen"

"Ah sige. Thanks ha? Mauna na ko"

Tapos tumakbo na ako papuntang canteen.

LATER, THAT AFTERNOON

"Oh andito na pala sila eh! upo na kayo!" salubong samin ng head ng org, si kuya mark.

Diretso namang umupo yung grupo namin, at siyempre dahil hokage ako...dun ako umupo malapit kay kuya Gino. I know charotera na ako, pero bes! pagkakataon ko na to oh! XD


"Good luck sa sasabihin ni Mark!" bigla niyang bulong sakin.

I gave him a shocked face. Bigla siyang napatawa.

"Bakit po? ano po yun?"

"Basta! makinig ka nalang!"

"So I was planning na magkaroon ng sub-units for our mini-concert. I arranged the groups na and yung ibang members na nakakaalam nito okay na rin sa group nila" sabi ni kuya mark. Ito ba yung dapat akong kabahan? Bakit? Wala ba akong group? Hindi ba ako makakasama sa sub-unit?

I was thinking about that the whole time na inannounce yung mga sub-unit, until napatigil yung thoughts ko dahil narinig ko na talaga yung name ko.

"Abigail, Sara, Gino, Inno at John"

ABIGAIL? GINO? Oh. My. God!!!!! Kami? Magkasama kami?


HOW TO FALL OUT OF LOVEWhere stories live. Discover now