My Virgin Writer

212K 2K 257
                                    

Link ng Book 1: http://www.wattpad.com/story/2269235-the-virgin-writer

----

My Virgin Writer

Hindi ko akalain na sobrang tagal na naming hindi nagkita...

Hindi ko namalayan na marami ng nagbago sa aming dalawa....

Kahit gaano ko man siya gustong kalimutan, hindi ko magawa...

Kahit gaano man kasakit lahat ng mga nalaman ko...

.. Hindi ko kayang kalimutan siya..

'Its been 6years, 5months, 3days, 17hours, 3minutes and.. 30 seconds since I last saw him.. I miss his smile, his gesture, his kiss, his warm embrace.. I really do miss him....."

Ilang taon ba akong maghihintay sa kanya?

Ilang sakit pa ba ang kaya kong harapin para sa kanya?

Tama nga.. Promises were meant to be Broken.

Hindi niya tinupad kung ano man yung PANGAKO na sinabi niya..

Pero kung meron malungkot na nangyari sa buhay ko.. may MASAYA namang naidulot ang paghihiwalay namin.

Yun ay nang dumating siya sa akin. Yung masasabi kong AKIN. Yung masasabi kong BUHAY KO----

"MAMA!!"

Napahinto ako sa pagtype sa Laptop ko ng biglang may sumigaw mula sa isang kwarto.

"MAMA!!"

"Chill.."

Tumayo agad ako at tumakbo papuntang kwarto niya. Halos madapa ako para lang makita ko kung anong nangyayari sa kanya. 2AM na ng umaga, bakit nagsisisigaw pa siya?

Agad kong binuksan yung pintuan ng makita ko agad iyong kwarto niya.

"Chill!"

"Mama!!" Umiiyak ito sa harapan ng salamin. Nakapajama pa ito habang may hawak na maliit na bagay ito sa kanang kamay nito. "Mama!!"

Bagsak ang balikat kong pumunta sa harapan nito at lumuhod para mapantayan ang mukha nito.

Inayos ko yung magulo niyang buhok at pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi niya.

Napangiti ako. Siya ang buhay ko. Siya ang pinakamagandang regalong naibigay sa akin.

Siya ang dahilan kung bakit hindi ko man lang 'siya' hinahanap-hanap..

My Virgin WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon