CHAPTER 6

252 8 2
                                    

Nikky's pov

Tomorrow na ang big event, ang dahilan kung bakit halos araw araw akong late umuwi, kung bakit kinakabahan ako ngayon. Ilang banda na lang at kami na ang magpeperform, swerte pa nga at last contestant kami, marami na kaming kakilala, yung iba mga nakaka jamming na rin namin dati. Hindi ako nandito pa para sa prize kundi sa pangarap namin para sa banda namin, matagal tagal na din simula nung una kaming tumugtog, malayu layo na rin ang narating namin, hindi ako susuko, ngayon pa ba at malapit na kami sa pangarap namin?

"chill lang guys, isipin natin rehearsals lang 'to"  martin

"kaya natin 'to.. puso lang"  mark

"gago! ano 'to basketball?" john

nagtawanan kaming lahat, pero may kaba pa rin.

"nikky!" 

"iya? anung ginagawa mo dito? di ba may family reunion kayo ngayon?"

"nagpaalam naman ako kay dad, and don't worry hinatid ako ni manong. Tapos na ba kayong magperform?"

"hindi pa nga e.. sobrang kinakabahan na nga 'ko.. kami na sunod na magpeperform"

"buti na lang at nakaabot ako, kaya mo yan wag kang kabahan, ang galing galing mo e"

Oh my God! that smile, natunaw lahat ng worries at doubts ko ngayon dahil sa ngiti na yun.

"I'm ok now.. thank you for coming, I promise I'll do my best"

"dapat lang no! para hindi naman masayang yung pagpunta ko dito"

"wow! so I owe you pala for coming here?"

"of course! just give your best at bayad ka na. sige na kayo na magpeperform o"

"what? sige punta na ko sa stage, dyan ka lang ha?"  sa totoo lang nawala kahit papa'no yung kaba ko habang kausap ko sya at mas lalo akong naging confident.. aalis na sana 'ko papuntang stage pero..

"nikky!"

--- tsup ---

hinalikan nya 'ko sa... cheek lang syempre haha pero nagulat ako dun, dahilan para ma stun ako.

"sige na punta ka na dun.. magstart na kayo.. goodluck!"  and she smiled again.

Pumunta na 'ko sa stage para na rin itune up yung gagamitin 'kong gitara, yes.. gagamit ako ng gitara para astig tingnan at magiging mashup kasi yung tutugtugin namin para maging kakaiba, I guess yun ang edge namin sa ibang contestants, yung pagiging unique, although mahirap pero ok lang, magiging worth it 'to for sure.

nagsimula na 'kong magsalita para maging intro bago kami magsimula, maraming naghihiyawan kaya mas lalo akong kinakabahan pero nung tiningnan ko si iya bumalik na naman yung confidence ko.

"It's our pleasure to be here.. It's been our band's dream so we will never let anything or anyone ruin this night. Let us all enjoy!"

Nauna ang drums para maging hudyat na magsisimula na kami.. marami ang kanta sa mashup na ginawa namin.. puro opm lang at dahil dun naging unique na naman kami.. ang pinakahuling kanta sa mashup namin ay ang 'kahit maputi na ang buhok ko' may beat at ginawa naming rock ang version dahilan para magpatuloy ang grand slam ng mga manunuod.. masaya, masarap sa pakiramdam na maraming natutuwa sa tunog na nagagawa ng banda namin.. at last tapos na.. puno ng palakpakan at hiyawan ang venue.. hinanap ng mata ko si iya, as expected andun pa rin sya nakangiti at pumapalakpak. Bumaba kami sa stage na kuntento sa kung anumang ginawa namin.. sinalubong kami ni iya.

"guys I'm so proud of you. Ang galing nyo sobra.. I'm really sure kayo ang mananalo"  iya

"Kami pa? Guys party party" sigaw ni jepoy

"I know we did our best.. manalo matalo walang regrets.. I'm also proud of you guys!" martin

"Yes! party party na!" sigaw din ni john

awarding na.. there were three spots.. the 1st, 2nd and third.. I know maraming magagaling pero I'm still hoping na may makuha kami kahit 3rd spot lang.

Nagsalita na yung emcee.. "we've been rocked by every band who performed here but we only have to pick three bands to occupy these spots" sabay turo sa space na katapat ng trophies.  "and now for the third place.. congratulations.. 'fifth avenue band'" nagpalakpakan ang marami.. "and to occupy the second spot.. congratulations 'for pete's sake band" hindi ko ineexpect na tatawagin pa kami kung hindi pa ko hinila ni jepoy di pa ko tatayo. Maraming naghihiyawan. Sobrang worth it ang pagod. kahit hindi first place ok lang, baguhan pa lang naman kami at first time 'to.. Nasa first place ang 'The Crook Band' sabagay magaling sila at sa pagkakaalam ko sanay na sila sa mga contest na gan'to. Naguwi kami ng trophy at 50,000 pesos..25k para sa 3rd at 75k para sa 1st. Medyo malaki ang premyo dahil may sponsor ang contest na 'to. Balak pa nila mark na magcelebrate pero 2am na at kasama ko si iya kailangan ko na syang ihatid kaya hindi ako sumama..

"nikky it's ok.. magtaxi na lang ako"

"you know I won't let you do that, kaya tara na"

"ok lang naman talaga, it's time for a celebration with them"

"gusto ko na ring magpahinga, marami namang time para magcelebrate, tara na"

"sige na nga"

Paalis na sana kami pero..

"hey! congrats"

"oh kate, thanks"

"don't tell me aalis ka na? It's time for a celebration"

"ahhm.. I need to go na rin kasi e..  pass muna 'ko ngayon"

"Please? ngayon lang naman, after the long rehearsals. I won't take no for an answer"

"are you really that desperate? She said she needs to go na di ba"  nagulat ako kay iya, natatawa lang ako dahil ang tapang nya e ang liit nya lang naman.

"oh! may kasama ka pala. Hindi kasi kapansin pansin."

"ahm.. yah she's my gf remember? you've already met her sa bar"

"of course! who couldn't remember her?" sabi ni kate with a very sarcastic tone..

"so, we have to go"

Hinila ko na si iya palayo bago pa may masabing hindi maganda.. after an hour of driving nakarating na rin kami sa kanila, siguro tulog na sila tito kaya umakyat na rin kami sa kwarto ni iya para makapagpahinga.. ayoko na munang umuwi dahil andun si dad at pagod na rin ako. Gusto ko rin namang makita ang mom and dad ni iya tomorrow, matagal tagal na rin kasi nung huli ko silang nakita dahil nga naging sobrang busy ako.

Author's note

So lame ng chapter na 'to, sorry sa kung sinuman ang nagbabasa bawi ako promise!  nakaka overwhelm din pala ung may nagcomment at nag like sa ud mo HAHA THANK YOU SO MUCH!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian Angel (bisexual story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon