CHAPTER 5

176 4 0
                                    

Iya's pov

Months have passed.. we've been very closed with each other, halos walang araw na hindi kami magkasama, walang gabing hindi kami magkausap sa phone.. hindi ko alam kung anong lagay ko sa kanya, kung ano ba talaga kami pero masaya na 'ko sa gan'to, kailangan 'kong makuntento.. may mga pag aaway na nagaganap sa pagitan namin at dahil yun sa kakulitan ko, may pagkakataon pa nga na.....

"where are you?" tinawagan ko na si nikky, halos 3 days na kasi kaming hindi nagkikita..

"nagrerehearse kami.."

"ga'no katagal ba yang rehearsals nyo at 3 days ka nang hindi nagpapakita"

"iya, malaking event na 'to, alam mo naman yun di ba? It's one of our band's dream"

"whatever! lagi ka namang ganyan e"

"FINE! ayaw mong maniwala? I don't have to explain iya"

sinigawan nya 'ko, binabaan ng phone.. for the first time.. mali ba 'ko? kasi nag aalala ako? kasi baka may mga nagugustuhan na syang iba dun? kasi namimiss ko na sya? gusto ko syang puntahan pero hindi pwede, sabi nya delikado daw dun.. pero gusto ko talagang malaman kung anung ginagawa nya.. yung totoo..

"dad magkikita kami ni nikky"

"hindi ka ba nya susunduin?"

"ahhm.. hindi po e.. magkikita lang kami"

"ok"

aalis ako.. pupuntahan ko sya sa venue ng rehearsals nila.. hindi nya alam 'to.. nagsinungaling din ako kay dad para payagan nya ko.. hindi ko kabisado yung lugar pero alam ko dun na yun.. malapit na 'ko pero 6pm na di ko pa rin makita, kung san san ako tinuturo ng mga tao.. nalilito na 'ko... naupo na 'ko sa gilid..nakakapagod! medyo madilim na.. ittxt ko na si nikky para sunduin nya ko kung na'san man ako, bahala na kung pagalitan nya 'ko.. basta gusto ko syang makita..

"miss, cp mo.." bulong sa'kin nung lalaki, habang nakatutok yung kutsilyo sa'kin.. for the second time naramdaman ko na naman ung ganitong takot.. I'm stunned, tulala, parang wala nang dugong dumadaloy sa mga ugat ko, naiiyak na 'ko, gusto kong sumigaw pero hindi pwede..

"akin na sabi e" galit na sya, help me.. pls nikky.. her name.. my guardian angel's name.. yun lang ang huli kong nasabi habang tumutulo yung luha ko, di ko alam kung anung gagawin.. katapusan ko na ata, ang tigas kasi ng ulo ko...

..BOOGSH.. TING...

bumagsak sa sahig yung lalaki kasabay ng pagkahulog ng hawak nyang kutsilyo.. may humila sa kamay ko.. hinayaan ko na lang syang hilahin ako palayo.. wala ako sa katinuan ko.. tumatakbo ako pero wala sa sarili dahil nga sa nangyari kanina. Kung sa'n man ako dadalhin nitong taong 'to.. bahala na, pero pakiramdam ko safe ako, napaka familiar ng ganitong eksena, nangyari na 'to dati with... at saka lang ako natauhan nung huminto na kami, maliwanag na sa lugar na 'yon kaya kita ko na yung mukha nung humila sa'kin.. si nikky? halong saya at pagkatakot ang naramdaman ko.. masaya ako kasi nakita ko na ulit sya at sa pagkakataong 'to alam kong safe na 'ko pero natatakot ako sa kung anung susunod na mangyayari.

"nikky?"

"what are you doing here?"  sobrang serious nya, gusto ko sanang punasan yung pawis nya pero feeling ko wrong move yun..

"pupuntahan sana kita kaso naligaw ako"

"what? hindi mo man lang sa'kin sinabi? alam ba 'to ni tito?"

"yes?.. no? ang alam kasi ni dad magkikita tayo.. hindi nya alam na hindi mo alam na pupuntahan kita"

"shit! alam mo namang delikado dito diba? pa'no kung hindi kita nakita? pa'no kung wala ako? pa'no kung.."

"i'm sorry.. i just want to see you" naiiyak na 'ko, i know kasalanan ko, nakayuko lang ako.. galit si nikky sa'kin, ang kulit ko kasi e

"damn! you can see me anytime after this event iya, alam mo yan" medyo naging mahinahon na sya dahil siguro alam nyang naiiyak na 'ko pero nasa boses nya parin ang pagkainis.

"I'm sorry"

"are you hungry?"

napatingin ako sa kanya, this time nawala na lahat ng takot at guilt na nararamdaman ko dahil nakangiti na sya.

"yes" mahina kong sagot

kumain kami sa isang restaurant, gutom na gutom ako nun kaya napadami ang kain ko.

"after this, hatid na kita sa inyo"

"what? gusto kong makita yung studio kung san kayo nagrerehearse"

"no, gabi na.. at saka pauwi na rin kami"

"maybe next time?"

"grabe! hindi ka ba nadala sa nangyari kanina?"

"hindi na naman ako pupunta mag isa, susunduin mo naman ako diba? please?"

"fine!"

"yey! ahhm.. nikky may balak ka bang sabihin to kay dad?"

"wala.. yari tayo parehas dun.. baka pati sa'kin mawalan na ng tiwala yun"

"you're right.. baka hindi nya na tayo payagan lumabas ng bahay"

"oo.. kaya halika na hahatid na kita"

Naglakad na kami papunta sa parking lot na kung san nakapark yung kotse nya.. nasa loob na kami ng kotse.. tiningnan ko si nikky, nakatitig sya sa'kin sobrang serious ng mukha nya.

"why?" tanung ko.. feeling ko namumula na 'ko nun.

"iya, would you please take care of yourself? kahit hindi na lang para sa sarili mo, kahit para na lang sa mga nagmamahal sa'yo, para sa mom and dad mo, para sa mga friends mo, para sa'kin. Hindi mo alam kung ga'no ako natakot kanina, the thought na may nakatutok sa'yong kutsilyo, na hindi ka safe. So please, promise me na kung may pupuntahan ka man, kahit san lalo na kung gabi sasabihin mo sa'kin. Sasamahan naman kita, kahit na busy ako ok lang masamahan lang kita"

I don't know what to say, every thing that I heard was enough para mawala yung burden na nararamdaman ko.

"I can't promise but I will take care of myself. Thank you nikky, for the second time naging knight in shining armor na naman kita"

she smiled and start to take the road off.. habang ako nakatingin lang sa labas at paulit ulit na iniisip yung sinabi nya kanina, 'kahit para na lang sa mga nagmamahal sa'yo, para sa'kin'.. haha that's kinda awkward, hindi nya sinali yung sarili nya sa 'friends', mahal nya kaya talaga ako, kung mahal nya 'ko, as what?.. haay don't expect too much iya, she's just being protective dahil alam nyang sya lang ang pinagkakatiwalaan ng dad mo pagdating sa'yo. 

My Guardian Angel (bisexual story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon