Team A - Entry #1 FIVE OF SEVEN: WSGEP

126 7 7
                                    

Word count: 1936

---

"IN MY TERM, the Philippines will become one of the leading, emerging country in Asia."

Napapikit na lamang siya at napatungo nang bumalik sa kaniyang alaala ang mga pangakong binitawan niya sa harap ng maraming Pilipino. Pagkadismaya ang nagingibabaw sa kaniyang sistema; hindi niya matanggap na taliwas sa mga ipinangako niya ang mga nangyayari ngayon.

Hinawakan ni Miriam ang kamay ng asawang nakahimlay sa kaniyang harapan. Nakakabit dito ang mga aparato habang natutulog ng mahimbing. Hindi naman magawang pigilan ng pangulo ang nag-iinit niyang mga mata na nagbabadya nang lumuha.

Ilang sandali lamang ay napagpasyahan niyang lumabas muna sa ospital na iyon upang makalanghap ng sariwang hangin. Nais niyang mapag-isa, magmuni-muni, at maisip kung itutuloy ba ang pinaplano.

"I can't believe this! I didn't want this life!" naisigaw na lamang ni Miriam sa kawalan habang nakaupo sa isang mahabang upuan kung saan walang tao at siya lang ang nakakarinig sa sarili. "I never dream this life!"

Matapos manalo ni Miriam bilang pangulo sa naganap na eleksyon noong 1994, nagsaya ang pamilya niya kasabay ng pagsisimula sa pagtatrabaho bilang pangulo ng bansa. Laking tuwa ng tinaguriang "Philippine's First Woman President" at natalo ang katunggaling si Fidel Ramos na pumangalawa sa kaniya sa nakakuha ng mataas na boto.

Ngunit kung inaakala niyang matatapos na ang mga banta sa kaniyang buhay, nagkakamali siya.

Lalo pang nadagdagan ang mga pagbabantang naganap sa kaniyang buhay na halos ikamatay na niya at ng kaniyang mga mahal sa buhay. Dahil sa paninindigan sa tama, bingit ng kamatayan ang iginaganti sa kaniya.

"Ang sabi ko, huwag magpapasok ng kahit na sinong tao sa opisina ko, hindi ba? Bakit may ganitong mga sulat na nakakapasok dito?" sigaw ni Miriam sa kaniyang sekretarya.

Nanginginig sa takot na lumapit ang sekretarya at saka nagsalita, "Madam, hindi po talaga kami nagpapapasok ng kung sino rito. Hindi rin po namin alam kung paano nakaabot 'yang mga death threats sa mesa ninyo."

"Pwes, itapon lahat ng 'yan! Hindi ko kailangan ng mga basura sa lamesa ko. Bilis!" bulyaw ng bagong upong pangulo na imbis na makitaan ng takot, galit at inis pa ang kaniyang ipinapakita upang hindi akalaing siya'y natatakot sa mga iyon, kahit pa sa loob-loob niya'y nakakaramdam din ng pagkabahala.

Tuloy lang ang pagtatrabaho niya ng maayos kahit pa tuloy rin ang pagpapadala sa kaniya ng sunud-sunod na mga sulat mula sa mga hindi kilalang tao na gusto siyang patayin.

"Kung hindi ka pa bababa sa pwesto mo, kami mismo ang gagawa ng paraan para pwersahan ka naming maibaba mula sa pagkapangulo."

Makailang beses na rin niyang kinompronta si Fidel na suspetsa niya'y nasa likod ng lahat ng iyon, ngunit isa lang ang laging sinasagot nito sa kaniya.

"Alam mo, kung hindi mo binabangga ang mga malalaking tao, you will not receive any death threats. Wala akong kinalaman sa mga 'yan. Don't blame me."

Hanggang sa dumating ang oras na ikinatatakot niya para sa pamilya, hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya maintindihan kung bakit salungat ang iba sa kaniyang mga desisyon, sapagkat alam niya mismo sa sarili kung paano matutulungan ng mga

plano niya ang mga Pilipino sa mga problemang kinahaharap ng bansa.

"Manong, pakibilisan naman. Baka mahuli kami ni Mike sa party," nag-aalalang sambit ni Miriam sa kanilang drayber. Naramdaman naman niyang may humawak sa kaniyang likod at nakita ang asawa.

Blitz #5 - DekadaWhere stories live. Discover now