The Café

2.2K 97 3
                                    


Kyle's POV

"Uy Kyle! Tulala ka na naman diyan" sigaw ni Alex

"Ha? Pasensiya na. Madami lang kasi akong iniisip. Sige labas muna ko." Paalam ko kay Alex

Nandito kami ngayon sa isang café kung saan kami laging tumatambay pag vacant namin.

Ang ganda naman kasi ng ambience ng lugar na to, tapos affordable pa. Kaya naman and daming estudyante din ang pumupunta dito maliban samin.

Kilala na kmi ng may ari ng café na to. Regular customers kasi kami dito.

Bumili ako ng yosi sa isang sari sari store na hindi naman kalayuan sa café.

Bigla kong naisip na matagl tagal na rin pala akong nagyoyosi. Simula kasi ng iniwan niya ako dun na rin ako nagsimulang mag bisyo. Alam ko naman na walang magandang maidudulot sakin ang pagyoyosi, pero ewan ko kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin ma tigil tigil to.

Sinindihan ko ang yosi at nagsimulang maglakad pabalik dun sa café ng biglang umulan ng malakas.

"Tsk. Badtrip naman oh" sabi ko

Tinapon ko ang yosi na hawak hawak ko at tumakbo. Naisip ko kasi na may dalawang subjects pa akong natitira. Nakakahiya naman pumasok sa classroom na basa ang uniporme.

Napatigil ako sa pagtatakbo ng makita ko ang isang lalaki na pumasok sa cafe. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil sa nagmamadali din siya, pero ang alam ko familiar siya sakin.

"Hindi naman siguro" pangungumbinsi ko sa sarili ko

Mabilis ang tibok ng puso ko. Parang na eexcite and at the same time parang kinakabahan din ako.

Pano nga ba kung siya yon?

Pano nga ba kung si Matt yung lalaking pumasok?

Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko naman masagot. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Nilibot ng mga mata ko ang café ng biglang bumungad si Alex sa harap ko.

"Hoy! Sino hinahanap mo?" tanong niya

"Ahhh, wala. Balik na tayo sa school" sagot ko

"Oh sige, baka malate pa tayo eh" pag sang ayon naman ni Alex

Hinanap ko ang lalaki na mas nauna pumasok sakin. At nakita ko nga siya sa may bandang sulok. Mag isa at may dalang laptop. Napa buntong hininga ako ng ma realize ko na hindi naman pala si Matt yung nakita ko.

Nag bayad muna kami sa counter bago tuluyan umalis.

"Dave mauna na kami, balik na lang kami ulit dito mamaya"

Si Dave ang may ari ng café na to. Mabait siya at maunawain. Mas matanda si dave samin ng dalawang taon. Siya ay graduate ng Culinary Arts. Masarap siya magluto, at napaka friendly sa mga customers niya.

"Uy sige kyle, ingat kayo. See you later"

Malapit na kami sa entrance door ng maramdaman ko na wala ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Alex, mauna ka na lumabas. Naiwan ko kasi phone ko sa sofa" sabi ko

"Oh sige, bilisan mo ah" sagot niya

Nauna na nga si Alex lumabas at ako naman dali daling bumalik sa sofa kung san kami nakaupo kanina ni Alex. Salamat naman sa Diyos at nandun pa rin ang phone ko. Tiningnan ko ang oras saktong 12:15 na ng tanghali. 15 minutes na lang pala ang natitirang oras samin before magsimula ang next subject namin.

Malapit na ako sa entrance door ng bigla na lang may bumukas nito. Laking gulat ko ng makita ko siya. Ang taong iniwan ako. Ang taong ipinagpalit ako sa iba. At sigurado ako na sa pagkakataong ito hindi ako nagkakamali. Siya nga talaga to.

Si Matt.

[ Guys, votes naman po diyan if nagustuhan niyo ang panimula ng kwento. . Sisigurauhin kong mas magugustuhan niyo ang mga susunod na chapters.Maraming maraming salamat po :) ]

Hanggang Kailan? (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon