Luke's POV
"Pudrabels, ano ba talaga ang pakay mo sa akin at parati mo akong sinusundan?"
"Luke, gusto ko sanang ibunyag sa iyo ang katotohanan." sabi ni Pudrabels.
"Anong katotohanan pudrabels? Bilisan mo kasi may riot pa kami jan sa kanto!"
Binigyan ako ng hard covered na pulang notebook ni Pudrabels.
"Anong gagawin ko dito pudrabels?"
"Anong pala ang ginagawa sa notebook?" pilosopong sagot ni Pudra.
"Sinusulatan. Syempre."
Ano na naman bang pakulo yung iniisip ni Pudrabels!
"Bago namatay ang mga magulang mo, ipinagbilin ka nila sa akin at sinabi nila na bago ka mag-18, kailangang nasabi ko na sa iyo ang kanilang mga lihim." seryosong sagot ni Pudrabels.
"Anong lihim?"
"Na kayo ay nanggaling sa pamilya ng nagpapalabas ng magic." sagot ni Pudra.
"USAPANG MAGIC. Hahahahahaha. Nakakatawa ka pudrabels!"
Ano ba 'tong pinagsasabi ni Pudrabels!
"Hindi ka ba nalilito kung tao ba ako o hindi? Ako ang iyong Fairy God Father at ako ang tutulong sa iyo para bumukas ang iyong ikatlong mata sa mundo ng magic!" padrama-effect na sagot ni Pudrabels.
"Araw-araw, pinapanuod ka ng mga magulang mo na ngayon ay nandoon na sa kaharian ng mga engkantado. 'Wag kang magkakamaling isipin na nanunuod ako ng Encantadia dahil Kapamilya ako at mas gusto ko 'yung Ang Probinsayo." dagdag pa ni Pudra.
"KUNG WALA KA NANG MAINTINDIHAN! KUNG WALA KA NANG--- Aray!"
Binatukan ba naman ako!
"Buksan mo ang pulang notebook at araw-araw, magsulat ka ng nangyari sa iyo at ang mga spells at potions na ituturo ko sa iyo, pag ito'y mawala, maaaring may masamang mangyayari sayo at baka parusahan ka ni Haring Iglas. Pero kung isang engkantado ang makakapulot sa diary mo, hindi ka paparusahan ni Haring Iglas at ipapasauli nalang sa iyo ang iyong diary." utos ni Pudra.
"Sino pala si Haring Iglas?"
"Magandang Tanong! Isulat mo sa unang pahina ang sasabihin ko sa iyo ngayon. Wag kang mag-alala, may 542 pages ang notebook na iyan at siguradong makararaos 'yan ng isang taon."
Binuksan ko ang notebook at nakita ko ang isang simbolo ng.......
"IPIS!?
"Oo. Ipis. Makakausap mo ang mga ipis. 'Wag mo silang patayin dahil alagad sila ni Haring Iglas." natatawang sagot ni Pudra.
Hindi ko nalang pinansin ang ipis at kinuha nalang ang magical ballpen na nakadikit sa spring ng Notebook.
"Tandaan mo lang na tanging ang mga engkantado lamang ang makakabasa ng iyong sinulat gamit ang magical ballpen at hayaan mo lang siyang magsulat 'jan, makikinig lang 'yan sa akin" dagdag ni Pudrabels.
Nag-inspection muna ako sa ballpen at binasa ko ang nakadikit na sticker sa kanyang katawan.
"Jamaica?"
At tumalon ang ballpen sa pagkakahawak ko.
"Siya si Jamaica. Ang pinakabatang ballpen sa Kaharian ng Bibingka" ayon pa kay Pudrabels.
Nababaliw na ba ako?
"Hi po Koya! Ako si Jamaica Islaw ang pinakabata at pinakamagandang ballpen sa Kaharian ng Bibingka!" sabi ni Jamaica.
"Jamaica! Isulat mo lahat ng sinabi ko. Font 12 at Times New Roman ang Font Style. Maliwanag?" utos ni Pudra.
"Opo Master!" maligayang sagot ni Jamaica.
"ANO BA 'TO PUDRABELS? Nababaliw na ato ako!"
"Luke, watch and learn." sagot ni Pudra.
Ano ba 'tong pinasok ko?
"Jimingjimingjiming Wa!" sigaw ni Pudra
Umilaw si Jamaica at nagsimula ng isulat ang lahat ng sinabi ni God Father Pudrabels.
In just 30 seconds, 3 pages na ang nasulat ni Jamaica at back-to-back pa! Aampunin ko 'tong batang to.
"Tapos na po Master!" sabi ni Jamaica.
"Jimingjimingjiming Aw!" sigaw na naman ni Pudra
Pumatay ang ilaw kay Jamaica at bumalik siya sa kaniyang pwesto sa pagkakadikit sa spring.
"Simula ngayon Luke, isusulat mo ang lahat ng mangyayari sa iyo at kung makukumpleto ang isang taon, lahat ng hiling mo, tutuparin ni Haring Iglas. At kung meron kang mga tanong, basahin mo ang nandiyan sa notebook." sabi ni Pudrabels at nawala ng parang bula.
Napabuntong hininga nalang ako at sisimulan ko na sanang basahin ang notebook kaya nga lang, bumalik si Pudrabels na hingal na hingal,
"Nakalimutan ko palang sabihin na ang misyon mo ay hanapin ang nawawalang anak ni Haring Agoy sa kabilang Kaharian. Siya'y isang babae at kasing edad mo lamang." Hingal na hingal na sabi ni Pudrabels.
"Tsaka, takteng aso yung nandun sa kanto, hinabol ba naman ako!" dagdag pa niya.
"Umalis na po kayo at magbibihis pa ako para sa Riot sa Basketball Court"
"Nanonood ang mga magulang mo sa'yo." pagbabala ni Pudrabels.
"Sige na nga!"
Napag-isipan kong di nalang muna ako sasali sa riot at isusulat nalang ang mga nangyari kanina sa mahiwagang pulang notebook.
"Mabuti naman. Sige aalis na ako! Babush!" pagpapaalam ni Pudra.
Takteng buhay to!
Pero magpapakilala muna ako,
Ako pala si Luke. Wala ng mga magulang at kasalukuyang tumitira sa apartment malapit sa paaralan ko. Ang insurance ng mga kamag-anak ko ang bumubuhay sa'kin. Nakakatawa diba? Sabi nila lumaki daw akong Bad Boy pero para sa'ken, ito na talaga ang katangian ko. At palagay ko, hindi na ito mababago. Well, may part time job naman ako tuwing weekends sa isang convenience store malapit rin sa paaralan ko.
At dito nagsimula ang storya ng aking buhay.
YOU ARE READING
Diary of a Bad Boy (Short Story)
Science FictionIsang antipatikong lalake ang mabubuking ang katotohonan sa likod ng kaniyang katangian dahil may nakapulot sa isang kahinahinalang bagay na parati niyang dinadala kahit 'san man siya magpunta, ang kaniyang Diary. Ngunit, hindi alam ng nakararami...
