Sasabihin ko ba o hindi?

Bắt đầu từ đầu
                                    

Hinalukipkip niya ang kamay niya at sinandal niya ang buong bigat ng likod niya doon sa upuan.

Pwede mo na akong sigawan ngayon. Para tumakbo na ako papalabas sa kahihiyan. Buti nalang. Nelly, ikaw ang may pakana lahat nito!

“Thanks, Margaret. I really appreciate it a lot but I’ll do it. Kakausapin ko rin kasi sila mamaya.” Hinawakan niya ang bridge ng ilong niya at hinilot niya ito pataas papuntang kilay niya. Mukhang may problema siya.

“O-okay po, Doc.”

Tuluyan lumabas nalang ako ng clinic. Hindi niya ako sinagawan kahit na mukhang problemado siya at may iniisip.

Mangangalahati na ang mga pasyente at sa bawat pagpasok ko iniisip ko kung sasabihin ko ba ang tungkol sa ticket. Fickle-minded nga ata ako. Ako na ang ayaw umamin na gusto ko siyang magbid sakin para makipagdate. Alam kong hindi sana ako maaepektuhan talaga nito kung hindi dahil sa magaling kong kaibigan. Nelly. Pinapagulo niya ang utak ko at hindi ako magkakalakas ng loob na sabihin sa kanya to kung hindi siya hinipan ng mabuting hangin. Ang ganda kasi ng mood niya ngayon. Kakaiba yun trato niya sakin. Another try!

Nilagay ko sa mesa niya ulit ang file ng isang bagong patient.

“D-doc,” lumayo ako ng kaunti sa mesa niya at tumingin sa kanya. Kaya ko ‘to!

“Margaret?”

“B-Bukas, bukas kasi…”

“Yes?” hinawakan naman niya ang noo niya. Teka, may masakit ba sa kanya? Masakit ba ang ulo niya?

“M-Masakit po ba ang ulo niyo? K-kailangan niyo po ba ng gamot?” Nag-aalala ako sa kanya gaya ng pag-aalala ko sa Dad niya. Ayoko naman mangyari sa kanya ang nangyari sa dati kong employer.

Umiling lang siya. Tapos inalis na niya yun kamay niya sa noo at sinubukan niyang ngumiti. Palagay ko masakit talaga ang ulo niya, hindi kasi natural ang pagngiti niya.

“Anong sasabihin mo, Margaret?”

“Saglit lang po ha.” Lumabas ako ng inner clinic at kinuha ko ang paracetamol ko sa bag. May dala kasi akong iba’t ibang gamot simula ng mangyari sa akin menstrual cramps. For emergency use. Bumalik ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nakapikit habang nakasandal ang ulo niya sa head rest ng upuan. May kakaunting buhok na nakakalat sa may noo niya.

Ang gwapo niya kahit na nakapikit. Lalo na ang peacefulness na nasa mukha niya habang nakapikit siya. Ang gwapo nga niya!

“Yes?”

Napalunok ako at natauhan ng nagsalita siya. Nakita niya bang tinititigan ko siya? 

“Paracetamol po Doc. B-baka wala po kase kayong dalang gamot. Tsaka po tubig.” Nilapag ko na agad sa mesa niya ang gamot pati ang baso ng tubig matapos ay nagmadali na akong bumalik sa may pintuan.

Old and UnwantedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ