Sasabihin ko ba o hindi?

Start from the beginning
                                    

“Please, I will give you raise or incentive. Just please stay, for now?”

Napatingin ako sa paanan ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. I wasn’t prepared for this. Nagtatalo ang Id at and Super Ego ko. Nabubugbog na naman si Ego ko. Kung susundin ko si Id parang inamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya na hindi naman talaga. At si superego ko lang ang sumusporta sa akin. Hindi talaga pwede dahil boss ko siya, kahit na napa-weak ng proposition ko na ‘yon. Hindi pwede kasi ang totoo natatakot ako. He is too much to handle. Somewhere beyond vague. Wala ng lalabo at kasing impossible. I am scared to take risk kasi alam ko naman ang resulta sa huli. Hindi ito pasang-awa na grade. I will fail definitely.

“Margaret, I know you have been a good employee to my Dad. You have a good working relationship with him and…and I was hoping to have that good working relationship with you…too for the next few months?”

I switched my gaze from my foot to him and I saw him looking directly into my eyes. His alluring eyes. Tapos ang boses niya sounded so needy sa tenga ko. It was almost pleading. Isa-isa ng nababasag ang prinsipyo ko sa buhay.

“O-okay..” sabi ko curtly. Ayokong maglagay ng emosyon sa pagkakasabi ko. Ayokong mahalata niya na masyado kong pinag-isipan ang bagay na ‘yon.

“Thanks, Margaret.” Ngumiti siya sa akin. Ayoko ng isipin kung totoo ba ‘yon o gaya lang ng million smiles niya para makakuha ng babae.

Ngumiti na lang ako kahit nag-aalinlangan.

“Doc, sabi po ng management kailangan daw po nila ng reply from you immediately about doon sa letter. Kung gusto niyo po ako na pong magsasabi sa kanila?” sabi ko para umiwas na sa usapan namin.

“Nope, Margaret ako na.” biglang nag-iba ang tingin niya at mabilis na bumaling na ulit siya doon sa laptop niya. Alam ko ang ganoon pagtingin niya. Naalala ko kung kailan siya tumingin ng ganoon, na para bang inis na inis siya at ayaw na niya sa presence na ‘yon kung tama nga ang hinala ko.

Sumagi naman sa isip ko bigla ang ticket. Parang okay naman ang mood niya ngayon kaso baka wala akong maisagot ng matino kapag nagtanong siya kung bakit ko siya bebentahan ng ticket para umattend doon. Bakit nga ba? Bakit ko nga ba siya bebentahan ng ticket?/

“May sasabihin ka Margaret?” nagitla naman ako sa tanong na niya. “Yes?” Ayan na at nakatingin na siya sakin.

“D-doc…”

“Yes?”

“Ahm...”

“Sabihin mo na kung may sasabihin ka, Margaret. Kung kailangan mong pag-iisipan ng matagal sabihin mo na rin, doon rin naman tayo pupunta. So let’s cut the chase.. Anong sasabihin mo?” nakataas ang kilay niya sakin tapos nakasmirk ang bibig niya samantalang  ang mga mata niyang magaganda has this impeccable mysterious glow. Iyon mga ganitong tingin niya ang nakakabaliw. Sasabihin ko ba? Sabagay may punto siya.

“P-pwede po…” Kinakabahan talaga ako. “ P-pwedeng ako na po magsabi ng desisyon niyo Dr. Aquino madami po kaieng patient ngayon.” Ang hirap! Hindi ata dapat.

Old and UnwantedWhere stories live. Discover now