Sasabihin ko ba o hindi?

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad siya papuntang inner clinic. Gulat sa mga nangyayari. Hindi ito ang usual na araw na magkasama kami. Parang may mali.

Hindi na siya nagtanong tungkol sa resignation ko. Kailangan kong sabihin ang arrangement na ‘yon. Maghahanap muna ako ng kapalit. Pero sabagay sinabi na rin naman niyang 1 month lang daw ako. Kaunti nalang naman ang titiisin ko. 10 days?. Paano kaya ‘yon kapalit? Tatanungin ko pa ba siya? Alam na naman ‘yon. Pero hindi ito dapat ang pinpoproblema ko ngayon. Ang pinoproblema ko bakit kakaiba siya?

Anong nangyayari sa utak ko? At isa pa bukas na ang auction. Bebentahan ko ba siya ng ticket? Baka naman kung anong isipin noon. Baka bigyan niya pa ng kulay. Kailangan ko advice. I need to call Nelly later.

Napatingin na lang ako sa mesa ko at nakita ko ang letter ng hospital kay Doc. Nalimutan kong ibigay dahil sa mga pangyayari kani-kanina lang.

  

Pumasok na ako sa inner clinic. Andoon siya nakaharap sa laptop niya na nakakunot ulit ang noo. Okay, that’s the usual Dr. Aquino. Ngayon, kailangan ko nalang maghintay na simangutan niya, maliitin o sigawan. Pre-conditioning of the mind ba para hindi uminit ang ulo ko. Kailangan ko siyang intindihin at kailangan kong maghanda.

“Doc, first patient po.” Nilapag ko na sa may table niya ang files ng unang patient.

“Thanks Margaret!” he smiled? Oh my God he smiled! I blinked a thousand times in shock. Thanks? Hindi ito totoo! May mali eh! Dapat hindi niya ako pinapansin. O kaya dapat maiinis siya tapos sasabihin niyang ‘Ano to?!’

“Anything else Margaret?” Nagulat nalang ako ng magsalita siya at nakatingin siya sakin ng nakasmirk. Okay, ito ang signature smirk niya pero iba yun tono niya ng pananalita.

“Letter sir, este Letter po Dr. Aquino.” He stared at me then smiled again. Oh my God! Huwag naman ganyan. Kapag ganyan ka ng ganyan baka biglang magkatotoo na ang mga sinabi ni Nelly.

Tumalikod na lang ako bigla dahil kaguluhan na nangyayari at isa pa kanina pa eratiko ang pagtibok ng puso ko. Iba ang heartbeat ko ngayon hindi ko alam kung dali ba ito ng pagkainis ko o pagkagalit sa kanya. Ikaw ang may kasalanan nito, Nelly! 

 

“Margaret.” Natigilan ako.

Papunta na ako sa pintuan pero tumigil ako. Please, pagalitan mo na ako. Mas magiging masaya ako kapag nagalit ka sakin ngayon. Sigawan mo na ako basta kahit ano. Not with this kind treatment.

“Y-yes?” Humarap ulit ako sa kanya. Nagaalinlangan at kinakabahan.

“Ah… P-Please stay for the next few months till I am fully settled. Please.”

Napalunok ako. Seryoso? Nagstutter ang boss ko? At parang nahihiya siyang makiusap sakin na mag-stay? Teka, akala ko ilang days nalang ang itatagal ko dito.

“D-doc, ‘di ba hanggang katapusan nalang ako. Ayoko na----“

Old and UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon