Niyugyog niya ako at hinarap.

"Tama na! Pwede ba? Tama na!" Sigaw niya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nag alab ang galit sa aking kalamnan.

"Chesca! Ano ba!? You are being unreasonable! Noong isang araw ko pang napapansin na binabara mo si Janine, a?" Sigaw ng galit na si Desiree sa akin.

"Oo nga, Ches! At ngayon badtrip ka lang bigla? Ano ba ang problema mo?"

Umiyak at humagulhol si Janine sabay hawak sa braso ni Hector. "Oo nga! Hindi ko maintindihan si Chesca!"

"Sorry, Janine." Utas ni Hector. "Ches, anong problema mo. Tsss." Umiling siya at lumapit kay Janine.

Akala ko wala ng mas iinit pa ang ulo ko kanina. Iyon pala, may galit pang pwedeng umusbong sa sistema ko. Sinugod ko si Janine at sinabunutan.

"HAYUP KA! SIGAW KO! SULUTERA KA! WA'G NA WA'G MONG MAAKIT SI HECTOR!" Sigaw ko.

"Chesca! Ano ba? Anong maakit? Putang ina ikaw lang ang nakakaakit sa akin! Wa'g ka ngang mag wala ano ba ang nangyayari sayo?" Sigaw ni Hector sabay awat sa akin.

Nakita kong nalaglag ang panga nina Desiree at Tara. I know this is going to happen. At wala akong pakealam kung malaman man nila kung anong meron sa amin ni Hector. Ang totoo, hindi ko na alam kung bakit nilihim ko ito noog una.

Pinrotektahan na ng lahat si Janine. Si Clark lang ang namumutla at nakatingin sa buong pangyayari sa malayo.

"NAGHIWALAY KAMI NI CLARK NOON DAHIL SA PUNYATERANG HIGAD NA IYAN!" Sabay turo ko kay Janine.

"Chesca!" Dinig ko ang pag mamakaawa ni Clark na huwag na itong ipagsabi.

But right now, I'm merciles. Nakita ko ang nagtatanong na mga mukha nila. Luminga sila galing kay Janine at kay Clark.

"Pag uwi ko noon galing Alegria, dumiretso ako kina Clark dahil nagpasya akong doon na lang tumira kasama siya dahil ayoko sa bukid na ito! Naabutan ko silang dalawa." Itinuro ko silang dalawa ni Clark.

Humagulhol si Janine ngayon. Naestatwa naman ang mga kaibigan ko at si Clark.

"Silang dalawa sa kama ni Clark!"

Napangiwi si Tara sa sinabi ko.

"Imagine that? Silang dalawa. Ungol pa lang, makakapatay ka na ng tao kung nasa posisyon ko kayong lahat. Pero hindi, e, pinili kong tingnan talaga silang dalawa at manahimik na lang sa Alegria."

Naramdaman kong kumalas ang pagkakahawak ni Hector sa braso ko. Hindi ko siya nilingon. Abala ako sa pagsiwalat sa katotohanan sa kanilang lahat.

"Tangina, kaibigan ko tsaka boyfriend ko? Really? Tangina tanggap ko siguro yung ibang tao ang ikabit ni Clark pero iyong kaibigan ko pa? Hindi lang basta basta nilandi, ah, ikinama!" Mariin kong sinagaw. "Kaibigan ko! Ilang taon kong kaibigan yan! Pinagkatiwalaan ko!"

Nakita kong tumulo ang luha nina Desiree at Tara. Naestatwa ang mga lalaki sa mga gilid nila. Gusto kong umiyak pero walang lumabas na luha sa mga mata ko. Gusto kong magsalita pero natuyo na ang lalamunan ko. Yumuko si Clark habang umiiling. Ngayon ay hindi na lihim ang lahat.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon