Chapter 3 (AWWMN)

17.9K 88 0
                                    

Shannon's POV

Family reunion nga pala namin ngayon. Kahit na ampon lang ako, ine-enjoy ko pa naman yung family reunion dahil tunay na Constantino na nga ang turing nila sa akin. Kinakantyawan ako ng mga pinsan ko na "Shampon" nung bata pa lang ako. Pero nung lumipas na ang mga taon, hindi na nila ako kinakantyawan.

Gumising ako ng maaga, at nakita kong gising na rin pala yung mga stepparents ko at yung mga stepbrothers ko. Naghahanda na sila para sa reunion. Kasi, yung place namin ang venue ngayon dahil kami rin ang host sa reunion na ito.

"Sha, napaaga yata ang gising mo." Biro ng stepbrother ko na si Kuya Joaquim.

"Yeah, para makatulong rin ako sa inyo." I replied.

"Tama 'yan, Sha. Pero bago ka tumulong sa mga kuya mo, magbihis ka muna. Para hindi ka na matagalan na maghanap ng isusuot, eto naghanap na ako. Magbihis ka na." Sabi ni Mama. At pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis.

Tiningnan ko yung binigay sa akin ni Mama. Gawd, nagulat naman ako sa susuotin ko. T-shirt na off-shoulders, leopard print na mini-skirt (don't worry, 3 inches above the knee lang 'to), and low leather boots. Okay lan 'yang mga suot ko dahil yummy ang mga legs at kutis ko.

Naghanap na ako ng mga underwear ko at naghanap din ng cycling shorts para hindi ako gaanong nag-aalala sa mini-skirt ko. Naligo ako, nagbihis, binlow-dry ang buhok at kinulot yung buhok ko.

Paglabas ko ng kwarto, puro asar ang inabot ko sa mga kuya ko at mga pinsan ko na lalaki.

"Teka, may diyosa na lumabas sa kwarto ni Sha!"

"Sha, ikaw na ba 'yan?"

"Shannon! Ading ko 'yan!" Kahit na ampon lang ako.

"Uh, thanks for the compliments." I said, at lumabas na sa bahay. Sa garden hanggang sa gazebo namin gaganapin ang reunion.

Nakita ko yung mga tito at tita ko sa garden, at ganun din, compliments din ang mga inabot ko. Reunion pala ito ng mga Constantino. Nagmano ako sa kanila at napansin na wala pa pala dito si Tito Leonardo, ibig sabihin, wala pa si Rainier. Makakapunta kaya siya?

Bigla na naman akong napaisip. Si Rainier ang first kiss ko. Pamangkin ko siya, pero bakit siya ang unang nakahalik sa akin? Hindi pa rin ako sigurado kung may gusto siya sa akin dahil may girlfriend siya. Yun ay si Ate Carlotta.

Wait, ngayon ko lang narealize. He kissed me behind Ate Carlotta's back. Crush ko lang naman si Rainier, pero hindi ibig sabihin nun, sisirain ko ang relasyon nilang dalawa. At saka, hindi naman pwede na magsama kaming dalawa dahil incest yun.

I came back to reality when my stepdad called me.

"Sha, magmano ka sa Tito Leonardo mo." At nagmano ako sa tito ko at bineso ko yung mga pinsan ko na babae.

Dahil wala naman na daw akong gagawin, makikipaglaro nalang muna ako kay Baby Jasmine, yung kapatid ni Rainier, na nasa stroller din.

"Hello Baby Jasmine!" I said, waving my hand. Buti nalang at medyo nakikipag-interact na siya sa akin. She's just 10 months old.

"Ang cute mo naman." She chuckled. "Alam mo ba, kung ano 'yang kinaganda mo, siya ring kinagwapo ni Kuya Rainier mo?" I laughed. "Pero Baby Jasmine, secret lang natin 'yang sinabi ko sa'yo ah? 'Wag mong sasabihin yun sa kahit kanino."

Kinakausap ko lang ng kinakausap si Baby Jasmine nang bigla akong nilapitan ni Kuya Rainier.

"Baby Jasmine, hihiramin lang kita sandali kay Tita Shasha ha?" He said to his younger sister.

"Hahaha. Ate nalang." I said.

"Baby Jasmine, tara na. Tawag ka na ni Mama. Mamaya nalang tayo makikipaglaro kay Ate Shasha." Binuhat na niya si Baby Jasmine at kinindatan niya muna ako bago umalis.

Nagsimula na yung celebration. Ayun, may mga games para sa mga bata. May mga kantahan din sa mga nag-iinuman kong mga kuya at pinsan na lalaki. Nagulat ako ng bigla akong inabutan ng alak ng pamangkin ko na mas matanda rin sa akin. If I'm not mistaken, ate ito ni Rainier.

"Shannon, sige na. Just only a sip." She said. Siguro, marami na itong nainom.

"Fine. Nakakahiya naman sa'yo." At ininom ko ng basta-basta yung red wine sa baso. Third time ko nang uminom ng alak kaya okay lang.

"Woah, ininom mo naman lahat 'tong red wine na inalok ko. Hahaha. Sha, tingnan mo si Rainier oh." Trisha said, while pointing at him.

Nakita ko siya na umiinom ng beer at halatang may iniisip siya na malalim.

"Ate Trisha, bakit ganun si Kuya Rainier? Parang malalim ang iniisip niya." I asked.

"Ah, si Carlotta kasi eh." She replied.

"Bakit? Break na ba sila?" Sana, oo. Sana, oo.

Teka, bakit parang nalasing ako agad? Bakit ginugusto kong maghiwalay silang dalawa?

"Oo. After nung Christmas." She answered.

"Bakit?" I asked due to my curiosity.

"Pinapunta kasi namin si Rainier sa bahay namin, at pag-uwi niya sa bahay ni Lolo, nakita namin siya na umiiyak. Then, sinabi niya na nakita niya si Carlotta na nakikipaghalikan sa ibang lalaki." Ang buhay nga naman ngayon. Regardless na sa mga ang salitang "kagwapuhan" sa kanilang boyfriend kapag nakakita na ng iba.

"Ay, grabe naman si Ate Carlotta." I only said.

"Oo nga eh. Iba na ang kalandian ngayon. At siguro, kung pwede pa rin ang incest ngayon, botong-boto ako sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ate Trisha naman eh!" I said to her, hindi ko na napigilang hampasin siya sa braso. "Sige, Ate Trisha, punta na muna ako sa kwarto ko. Magpapahinga lang ako saglit."

"Sige. Pero totoo ang sinabi ko tungkol sa inyo. Don't worry, hindi ko ito sasabihin kahit kanino, tayo at tayo lang ang nakakaalam nito." She said bago ako lumayo. Hay, marami na talaga yata ang nainom nito.

Pumunta na ako sa kwarto ko at pinikit lang ng konti ang mga mata ko. Pagkatapos ng ilang minuto, biglang may kumakatok sa pinto. Binuksan ko yung pinto, nadatnan ko si Papa at si Kuya Rainier.

"Sha, pwedeng dito na muna magpapahinga 'tong si Rainier?" Teka, nung isang araw, ako yung nagpahinga sa kwarto niya. Tapos ngayon, siya naman?

"Um, okay lang naman po." Sagot ko.

"Sige. Rainier, dito ka na muna magpahinga." Tumango naman siya at sinara na ni Papa yung pinto.

Parang ayaw ko muna siyang kausapin pagkatapos nung nangyari nung isang araw. Nagtataka naman kasi ako kung bakit gusto niyang siya ang maging first kiss ko. Nagtataka ako sa binulong niya sa akin noon.

"Rainier, dito ka na sa kama ko matulog." Sabi ko na ganun sa kanya.

"Sige." He said. Nakikita ko sa itsura niya na nakainom talaga siya.

Ugh, kung hindi mo lang sana ako hinalikan, sana, kinakaya pa rin kitang makasama ngayon.

The Forbidden Love Series: A Week With My NephewWhere stories live. Discover now