"Yun! Tapos na rin sa wakas!" Singhal ko nang matapos ako sa pagta-type sa Wattpad Academy. Hayst. Kapagod din mag type ah.
'Please follow the REPLY BOX POLICY para mabilis makapag back read' type ko ulit. Oh! Capslock pa yan.
By the way, I am Riana Bea Ponce. Isang Wattpader. Nahilig ako sa pagsusulat nang mga around 13-14 years old. Pagsali kasi na pagsali ko sa Wattpad ay agad ko itong nagustuhan. Dahil marami kang pwedeng basahin na stories. And besides, pwede ka ring gumawa ng stories.
Tumunog ang notifications ko kaya naman ang kaninang nasa lamesang phone ko ay nasa kamay ko na ngayon.
5 liked your post on Wattpad Academy...
Waaaahhhhh!!! May nag like na ng post ko!!!
Agad akong nag update ng chapter one sa story ko. Hihi, excited na talaga ako i-post 'to.
Nasa kalagitnaan na ako ng tina-type ko nang bigla akong gulatin ng kuya ko. BWISET!!!!
"Bwiset ka Kuya! Bwiset! Bwiset! Bwiseeeet!!!" At pinaghahampas ko ang braso nya. Nakakaasar talaga. Umiba yung direksyon ng daliri ko kaya nai-back ko ito. Halos mangiyak nigiyak ako sa panghihinayang. Bwiset kasi si kuya eh!
Tumunog ulit ang notifications ko..
'Next puuhhhh!!!!'
'Pa-like na lang po pag may ud na'
'Neeeeexxxtttt!!!'
Hala! Ang dami nang naghihintay ng update ko. Nadagdagan na rin yung nag-like. Punyeta kasi si kuya eh! Sya talaga ang hadlang sa tagumpay ko.
"Hah! Wattpad pa more!" Tinignan ko sya ng masama.
"Facebook 'to oh!! Facebook!!" At nilapit ko pa sa mukha nya ang phone ko.
"Oo nga Facebook yan! Pero group of wattpaders ang nandyan? Amarayt?" Inirapan ko lang sya at umakyat na lang ako sa kwarto ko.
Kainiiis!!!
Doon ay nag-type na ulit ako. Yung ibang na-type ko kanina ay nakalimutan ko. Tupang ina naman kasi yang si Kuya eh!
Nang matapos—salamat sa masipag kong utak at kamay—ay nai-post ko na ito. Dapat pala kasi talaga ako lang dito sa kwarto mag-isa. Peaceful and relaxing. Walang manggugulo. Tahimik ang buhay.
Nilapag ko muna ang phone ko. Hinihintay ko lang ang tunog ng notifications ko. Syempre kahit makaisang like lang ng comment ng update ko eh sobrang saya ko na. First time ko mag-post doon eh.
"Hoy Bea! Kumain ka na dito!" Bumaba ako agad sa tawag ni Kuya sakin. Medyo nagugutom na rin ako eh.
Pagbaba ko ay nakahanda na ang kanin at ulam ko. Ang bait talaga ni Kuya. Kahit bwiset sya sa buhay ko, mahal ko pa rin sya kasi sya ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako sa mundong ito.
Si Kuya na lang kasi ang natitira kong pamilya. Nung namatay kasi si Papa, naghirap kami nila Mama. Nawalan kami ng pagkain. Nawalan ng pera. Kasi ang pagkawala ni Papa ay dahilan din ng pagkawala ng lahat. Sa kanya kami dumidepende. Kaya ayun, nangutang kami ni Mama noon. Pero minsan walang nagpapautang samin. Muntik na nga kaming tumigil ni Kuya nun sa pag-aaral eh.
Pero ayun na nga, isang araw nagulat na lang kami ni Kuya. Ang daming dalang pagkain ni Mama. Nabayaran na rin nya ang mga utang namin. Ang saya saya namin nun. Ang saya namin ng araw na yun. Pero kinabukasan lang, paggising ko, wala na sya sa tabi ko. Pagpunta ko sa kusina, nakita ko si Kuya. Hinihilot ng dalawa nyang kamay ang sentido nya. Nilapitan ko sya at tinabihan. Nakita ko rin ang sampung libo na pera sa lamesa.
YOU ARE READING
Nang Dahil Sa RBP (One Shot)
Short StoryRBP-Reply Box Policy *some follows it, someone's not. 03.03.17
