Ako nga pala si Tricia, 12 years old. Nagaaral sa isang pribadong paaralan malapit sa lugar naming. Mahilig ako sa basketball maraming tao ang nagsasabing "tomboy" daw ako pero ang hindi nila alam hindi ako ganun noh front ko lang to para makatapos ako sa pagaaral kasi alam kong marami pa kong bigas na kakainin para may mapatunayan sa buhay. Mahilig din ako sa computer kaya dalwa ang tambayan ko pag bakasyon ang court at ang computer shop.
Hay grabe ang boring naman ngayon walang magawa sa bahay tapos bakasyon pa ibig sabihin walang pasok di ko makikita yung mga kaibigan ko sa school ang BORING talga. Makapunta nga muna ng computer shop.
Sa computer shop
"o tricia ang aga aga andito ka na agad? Sabgay bakasyon na nga pala" sabi ni kuya jed
"oo nga po eh nakakabato sa bahay grabe!.. hmm palaro kuya jed isang oras. Dito na ko ah" sabi ko naman
"sige sige ikaw na bahala total naman laki ka dito eh" ani ni kuya jed
Hehe.. di ko pa pala nasasabi laking computer shop kasi ako gawa ng kapithbahay naming sila kuya jed taspos halos bestfriend pa ng mama ko yung mama niya. Oha! Astig noh?
Habang naglalaro ako ng computer (counter strike) pinatugtog ni kuya jed yung usong kanta ng NSYNC: this I promise you
"Ohh ohh...
When the visions around you,
Bring tears to your eyes
And all that surround you,
Are secrets and lies
I'll be your strength,
I'll give you hope,
Keeping your faith when it's gone
The one you should call,
Was standing here all along.."
Mga ilang Segundo pa ang lumipas nang may pumasok na dalwang lalaki. Yung unang pumasok matanda tas may sumunod na batang lalaki sa tingin ko kaedad ko lang siya o kaya mas matanda lang sakin ng isang taon.
"And I will take (I will take you in my arms)
You in my arms
And hold you right where you belong (right where you belong)
Till the day my life is through
This I promise you baby"
Di ko alam kung ano nangyari sakin pero nakatitig pa rin ako dun sa batang lalaki.
"Just close your eyes
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Every word I say is true
This I promise you
Every word I say is true
This I promise you
Ooh, I promise you..."
Tas yung kabog ng puso ko nararamdaman ko na medyo mabilis di ko alam kung bakit.
Hanggang sa natapos na din yung kanta.
"kuya pa-rent dalawang computer po." Sabi nung matandang lalaki
Ano ba tong nangyayari sakin ang weird. Hmm. Ah baka naninibago lang ako kasi may bagong mukha akong nakita sa lugar naming. ah wala to panigurado. Nagpatuloy ako ng nagpatuloy hanggang sa matapos ko yung isang oras na nirent ko at umuwi na ko sa bahay.
Sa bahay
"kuya pat, may bagong lipat ba dito sa atin?" tanong ko
"ha? Anong pinagsasasabi mo? Kahit libutin mo pa tong lugar natin walang bagong nakatira dito noh tsaka kung may bagong lipat man eh di naitsismis na dapat yon ng mga tsismosa dito sa atin" sabi ni kuya pat
Sino kaya yung batang yon? Taga dito lang din kaya siya? Baka naman dayo kaya bagong mukha? Makikita ko pa kaya yon?
YOU ARE READING
First Love
Teen Fiction"I never intend to fall in love until the day I met him. My first love"
