KATH
Hello. Im Kathryn Bernardo. Kath for short. 16 y/o. 4th year. Nagaaral sa Green Park Montessori . Walang lovelife pero merong real bestfriend. NBSB. Simple lang family namin. Hindi mayaman pero kayang kaya naman namin. Si mama lang ang nagpalaki sakin. Iniwan kami ni papa nung bata pa ako. Masaya naman kami ni mama ng kami lang eh.
By the way, First day of school naaaaa. Excited na akong makita bestfriend ko na si Julia Montes. Since elementary bestfriend ko na sya. Magkaibigan din kasi mommys naming dalawa. Di kami nag gagala masyado. Pumupunta rin sya dito sa bahay minsan and kapag pasukan naman lagi nya akong sinusundo. Sobrang yaman kasi nya e. Ang shopaholic pa. Kaya di nababawasan pera ko kasi sya yung nanlilibre sakin pero hindi naman ako nag tatake advantage no. Nililibre ko rin sya ng streetfoods. Hahaha.
"Gooodmorniiiiing!" Bati ko kay mama pagbaba ko ng hagdan.
"Goodmorning din. Excited na excited ka ah." Sabi saakin ni mama.
"Syempre po makikita ko na si Julia." Sabi ko naman habang tinitikman yung niluto nya.
"Hmmm. Si Julia nga lang ba?" With taas baba kilay pa. Lagi nya akong inaasar kapag may nakikita syang kausap ko na lalaki. Ewan ko ba kay mama. Parang teenager lang. Sabi nga ng mga classmate ko noon. Para lang kaming magkapatid. Sinabi nalang sana nilang mas mukha akong nanay. Di kasi ako girly masyado. Di kagaya ni Julia. Jusko.
"Ma naman. Wala po akong boyfriend"
"Bakit? May sinabi ba ako? Haynako defensive ka. Napaghahalataan."
"Basta. Wala akong boyfriend. *beep* *beep*" Woooh. Sawakas. Anjan na si Juls.
"Bye ma!" At tumakbo na ako palabas ng bahay. Kita ko na si Juls. Kumakaway. Hahaha. Miss lang ako neto e.
"Hi Julsss!"
"Hello Kath" nagbeso beso kami.
Nang makarating kami sa school. Dumiretso kami sa bulletin board para tignan kung anong section namin. And yesss! Magkaklase kami ni Juls.
Pumunta na kami sa classroom. Umupo kami sa bandang likod sa tabi ng bintana. Wala pa namang sit plan kaya okay lang kahit magkatabi kami.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ng biglang tumahimik ang lahat. Tumingin kami ni juls sa may pinto para tignan kung sino yung dumating. Sabi na nga ba e. Anjan na si ma'am. Hayss. Magpapakilala nanaman kami sa harap. Magkakakilala naman na kami. Kaya di na dapat kelangan yan.
(Fastforward)
Ako na yung susunod na magpapakilala. Woh kaya ko to ! kaya ko to!
"Im Ka---"
"Goodmorning ma'am. Sorry Im late." Mga epaloids nga naman oh. Ayun na e. Sumingit pa.
"Why are you late? Mr.?" Nako naman. Mukhang magsesermon pa si ma'am.
"Padilla po. Daniel Padilla"
"So, Mr. Padilla why are you late?"
"Late po kasi akong nagising. 9:00 a.m ko po naset yung alarm ko kagabi. Sorry po. Di na po mauulit"
"Since first day of school naman, its okay. You may take your sit." Hello! May tao pa po dito. Nakakahiya kayang nakatayo lang ako dito sa harapan.
"Ma'am can I introduce myself now?" Di na ako nakapagpigil. Gutom na talaga ako. Sana magbell na.
"You can start." Hay salamat.
"Im Kathryn Berna-- *kring**kring*" punyemes! Sino ba yun?! Naiinis na ako dito ah!
"Sorry po. Diko po pala napatay yung alarm ko" Si Daniel nanaman. Namumuro na yan sakin ah. Kinusilapan ko sya sa sobrang inis ko.
"Im Kathryn Bernardo. Kath for short" Pumunta na ako sa upuan ko agad. Naiinis kasi ako.
DANIEL
"Mr.Padilla. Introduce yourself" Tumayo na ako at pumunta sa harap. Mamaya na ako magkkwento about saakin. Epal kasi ng matandang to. Hahahaa. Joke.
"Im Dani--"
"ARAAAAY!!!" Putek.
"Ms. Bernardo. What happened? Why are you shouting?"
"Ma'am natusok po kasi ako ni Julia ng ballpen pero po hindi nya sinasadya . sorry po" Ts. Halata namang bumabawi. Nanlaki nga mata ni Julia e. Hindi nya kasi alam kung ano yung sinasabi nung Kath.
"Okay, continue Mr.Padilla"
"Im Daniel Padilla. Dj for short" At umupo na ako sa tabi ni Kath.
*Riiiiiing*
"Goodbye class."
"Bye Ma'am"
HAHAHA. Laughtrip tong babaeng to. Pinipilit ni Kath si Julia makipagpalitan ng upuan. Bubulong na nga. Yung rinig ko pa.
"Julia gusto mo tayo yung magpalit?" Kinindatan ko sya yung sign na "joke lang"
"Sige Daniel" Ang laki na ng ngiti ni Kath. Hahahaha! Kinuha na ni Julia bag nya tapos naglipatan na kami.
Bigla syang sumimangot nung napansin nyang magkatabi parin pala kami kapag nakipagpalitan ako kay Julia. HAHAHA.
YOU ARE READING
Right Person at the Wrong Time.
FanfictionThey say, if you are ready to love you should be ready to get hurt. What if, one day everything has changed? Kakayanin kaya nina Kathryn at Daniel ang malaking pagsubok na dadating sa buhay nila? Kakayanin kaya ni Kathryn makita ang pinakamamaha...
