CHAPTER 18 ~ My Game ~

Magsimula sa umpisa
                                    

"WUUUU!"-hurricane

"MAS MAGANDA!"-sophie

Hinihilot ang sentido na pumunta ako sa isang gilid. Kinuha ko ang jumping rope at nagsimulang gamitin iyon. Mabuti ng magstart ako sa hindi matalim na bagay dahil baka may masaksak pa ako ng wala sa oras. Hindi ko na lang iisipin na pwedeng pangbigti din itong jumping rope.

"WOOOOO! JESSICA ALBA BODY WITH SAOIRSE RONAN FAAAACEE!"-Paige

"ANG HOOOOOOOOOOOOOOOOT!"-summer

Nakita kong napakamot sa ulo ang kambal na mukhang hindi makasingit sa kahyper-an ng mga girls ngayon.

Kaniya-kaniya na sila ng pagte-training pero napapatingin parin sila sa akin. Pumikit na lang ako at hindi ko na sila pinansin. Wala na akong magagawa dahil makulit talaga ang mga yan. As usual ang love life ng ibang tao na naman ang naiisipan nilang gawing past time.

"So.....sinong nakaisip non?"-cassie

"Si Lake."

Wala parin akong tigil sa pagtalon. Tama sila...natotone ang katawan ko. Wala naman akong balak maging bato-bato...yung tama lang. Other than antagonizing Yale, mabuti ng may mapuntahan ang energy ko.

"Wuuuu...si hubby dear?"-thea

"Thea."-craige

Nagkibit-balikat ako.

"Yeh."

"Ang bait naman. Buti ikaw may sanggang dikit ka sa pangungulit kay Yale. Ako nga noon kay Craige ako lang ang nag-isip ng lahat lahat."

Umangat ang sulok ng labi ni Craige at ipinihit niya ang ulo ni Thea paharap sa kaniya. "So...that was intentional. For me to fall for you."

"Uuuuuy! Hindi ah! Nagyayabang ka na naman baby."

I rolled my eyes.

Iba na talaga kapag pag ibig ang pinag uusapan. Kahit nakakabaliw sisige ka parin. Ano pa nga bang ginagawa ko diba?

The Camp: He's My Secret Agent Kusinero (Book 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon