CHAPTER 18 ~ My Game ~

Magsimula sa umpisa
                                    

Namamaos ang boses niya. Ang ibig sabihin lang non kanina pa siya nagsisisigaw.

"Ay ewan ko sa inyo. Maloloka ako."

Napatingin ako sa gawi ni Autumn na busy na busy sa pagbibigay ng one eight illustration board sa mga agents na nagbibigay naman sa kaniya ng five hundred kapalit.

"Ano yan Autumn?"-me

Nakangising itinaas niya ang isang illustration board. "O ha? O ha?"

Napanganga ako sa nakita kong nakasulat. Itinaas din ng ibang mga agent ang sa kanila. And yes hindi parin kasali ang mga dignified serious type men ng BHO CAMP.

Eto lang naman po kasi ang mga nakasulat.

'EIKA VS YALE'

'THE LOVE WAR'

'WE VOTE FOR EIKA'

'GO EIKA! YOU CAN DO IT!'

'ITAYO ANG BANDERA NG MGA DYOSA!!'

At marami pang iba. Hindi na nakakapagtakang masaya na naman si Autumn. Kumikita na naman siya samantalang mura lang naman ang illustration board.

"Bili na mga kabayaaaan! Padating na si Yale para sa group training!"-autumn

Napasapo ako sa noo ko.

Aatakihin ako sa puso sa mga taong to.

...

...

Nanglalaki ang mga matang napaatras ako ng biglang lumapit sa akin si Hurricane at Sophie. Walang sabi-sabing tinanggal nila ang t-shirt ko hanggang sa lumantad sa lahat ang training uniform ng mga babang agents na sports bra.

Naniningkit ang mga mata na tinignan ko sila.

"Paano kung wala pala akong panloob?"-me

The Camp: He's My Secret Agent Kusinero (Book 6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon