Trenta y Dos: Damdaming Tinanikala

Start bij het begin
                                    

“AYOKO,” mabilis at galit na tanggi naman ng binatang babaylan.

Medyo nahiya si Haliya sa mga pangyayari. Nahiya para kay Rosendo at nahihiya sa kanyang sarili dahil mahigpit ang pagkakalapat ng kamay ng binatang lakan sa kanyang kamay. Malamig man, dama ng dayanghirang ang init ng pagmamalasakit sa kanya ni Sidapa. Sinamantala na ni Iya ang pagkakataon; takot man, tinipon niya ang kanyang lakas at, “Sidapa, galit ka ba sa akin noong nakiusap ako sa iyo na tanggalin ang sumpa mo kay Rosendo?”

Natigilan ang lakan. Huminga ito ng malalim bago sumagot sa katanungan ng dalaga. “Hindi ako galit sa iyo. Kinakailangan iyon upang mabukas ang lagusan patungo sa mausoleo. Ngunit, nakikiusap lamang ako sa iyo; kung nais mong tulungan ang ibang tao, huwag mong kalimutan ang kaligtasan mo.”

Hindi na nasundan pa ng kahit anong imik si Sidapa. Lubhang nakakabingi ang sumunod na katahimikan. Medyo matagal bago maproseso ng isip ni Haliya ang mga kataga ng lakan. Nag-aalala lamang pala si Sidapa. Ang realisasyong iyon ay sinundan ng ngiti ng kapanatagan, marahil dahil na din sa kaalamang hindi galit sa kanya ang binatang lakan.

“Patawad,” biglang wika ni Guadalupe. “Narito na tayo. Tanging mga babaylan lamang ang maaring magpatuloy mula diyan,” habang nakaturo ang mangkukulam sa bukana ng yungib.

 Matapos ang huling liko sa kaliwang lagusan, tumambad kina Rosendo, Haliya at Sidapa ang isang malawak na silid na naglalaman ng dalawang malalaking bulto ng bato. Napuno ng awit ng dalawang boses ang naturang lugar, katulad ng kanta nina Galura at Kidu:

“Mula sa lupa at pagbalik sa langit, nawa’y ika’y maging isa sa mga bituin….

 Mula sa lupa at pagbalik sa langit, nawa’y ako’y iyong dinggin….

Sa tuwina’y ika’y mamahalin; sa tuwina’y ika’y iisipin….

 

Mula sa lupa at pagbalik sa langit, nawa’y ika’y maging isa sa mga bituin….

Mula sa lupa at pagbalik sa langit, liwanag mo’y aking hihintayin….

Sa akin ika’y mabubuhay; sa puso’t isip ko’y mananalaytay….

 

Mula sa lupa at pagbalik sa langit, nawa’y ika’y maging isa sa mga bituin….

Mula sa lupa at pagbalik sa langit, ngiti mong kumukutitap aking hahanapin….

Hanggang sa tayo’y muling magkita…. Paalam…. At salamat sa mga alaala….”

           

Matapos ang pag-awit ay mayroong dalawang tinig na nadinig si Iya sa kanyang isipan.

“Halina, dayanghirang…”

            “Naparito ka din sa wakas… Halika … Sambitin mo ang aming mga pangalan…”

            Hinawakan ni Haliya ang dalawang tumpok ng bato noong nalapitan na ito ng dalaga, “Dian Masalanta, Loos Klagan…”

            Sinundan ng pagputok ng dalawang tipak ng bato ang pagsabi ni Haliya sa mga naturang pangalan. Lumabas mula sa pagkakakubli ng mga lupa ang dalawang anito: isang babae at isang lalaki. Ang babaeng anito ay puspos ng mga pulang sutla bilang saplot samantalang balot ng kayumangging tela ang lalaking anito na nagsilbing damit nito. Magkayakap ang dalawang anito; nakatingkayad patungo sa matangkad na labi ng lalaking anito ang babaeng anito. Mula sa tuktok ng ulo ng mga estatwa ay may lumabas na ng pula at kayumangging usok na unti-unting namuo bilang korteng katawan ng tao.

DayanghirangWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu