Story 6: Unaware Blind Patient

17.9K 101 11
                                    

*****

Eto na ang matagal na hinihintay ko. Ilang taon din akong nag-intay para sa araw na ito.


Makakakita na rin ako.


Inaalalayan ako ni Sister Elsa palabas ng aking kwarto para ihatid ako sa nag-iintay na sasakyan. Andun narin sina Papa at Mama dahil rinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko.


"Patricia, anak ko."


Napangiti ako ng marinig ko ang galak sa kanilang labi.

Ako si Patricia, 20 years old. Isang bulag na minahal ng husto ang lugar kung saan magkakasama kami ng mga kaibigan kong kagaya ko, ang Repellion Blind Academy.

" Sa paggaling mo Patricia, dalawin mo kami. Pinasasabi yan ng kaibigan mong si Tute." Mahinang sabi sa akin ni sister. Tumango tango ako at kinapa siya para yakapin ko.

" Babalik po ako rito." Sabi ko.

"Tara na anak." Sabi ni Papa kaya kumawala na ako sa pagkakayakap.


Sumakay na ako sa sasakyan at inilawit ko ang kamay ko sa bintana para mahawakan ang kamay ni sister.

"Sister, wag nyo pong pababayaan ang mga kaibigan ko." Malungkot kong sabi.


Tumakbo na ang sasakyan kaya nabitawan ko na ang kamay niya.

***

Tae! Kita ko ang pag-alis ng pinakamagandang babae at may pinakamagandang katawan dito sa tirahan ng mga bulag.


"Delio, nasasaktan ako. Ang bigat ng kamay mo." Sabi sa akin ng kaakbay ko na bulag.


"Tch." Sabay bitaw ko sa kanya at naglakad ng derederetso. Hindi naman ako bulag. Nagpanggap lang ako na bulag para may malaro naman ako. Mas madali kayang maglaro pag bulag ang kalaro mo sa kama. Madaling utuin.


Napansin ko sa di kalayuan yung madreng naghatid sa babaeng yun. Kaya yung tungkod ko inilapat ko na ulit sa sahig at nagpanggap na bulag.

"S-sister? Ikaw ba yan?" Tanong ko. Tae, hirap magpanggap.


" Ang galing mo Delio ah, kilala mo mga nakakasalubong mo." Sabay tawa niya sa akin. Tsk, siyempre alam ko, hindi naman ako bulag!

" Nasanay na rin po siguro." Matawa tawa kong sabi pero nakakabanas na teka.


" Balita ko po may umalis? Pasaan po siya?" Dagdag ko.


" Ah, si Patricia. Patungo na siyang ospital ngayon para sa gaganaping operasyon sa mata niya sa darating na Miyerkules."

"Ganun po ba. Pwede ko po bang madalaw siya?" Sagot ko, masundan nga yun.

"Oo naman,--" pinutol ko siya at sinabing


"Hindi na lang po pala." Tatakas nalang ako mamayang gabi. Grin.

"Bakit naman? Pero sige, una na ako. Mag-ingat sa paglalakad Delio."


Tss, mukha ba akong bulag para mag-ingat. Tae mo po!

"Opo." Sagot ko.

Inintay ko lang siyang makaliko ng daan. Paglampas niya, ini-angat ko ang tungkod ko sabay patong nito sa balikat ko at naglakad ng ayos.

"Kahit bulag pa ang makasalubong ko, hindi nila ako makikita kaya nga bulag diba? Tss, wag lang yung mga madre dine."

*****

Nyhahaha~

Another story :))

One Shot to :)) 4 parts or 5, imma not sure :))

Story 6: Unaware Blind Patient |Completed|Where stories live. Discover now