Chapter 1

96 2 1
                                    

New Life

Isabella's POV

Tok..... Tok..... Tok....

"Anak gumising kana... Malelate kapa sa bago mong school"

"Umm. 5 minutes po tita"inaantok kong sabi kay tita jems

"Bumangon kana dyan bago pa ang kuya Nate mo ang pupunta dito" sigaw ni tita mula sa labas ng aking kwarto. Bumangon agad ako ng madinig ko ang pangalan ni kuya Nate. IBA kasi sya pag sya ang gigising sayo dahil kapag Hindi ka pa naka bangon sa PAG katawag niya pangalan mo ng 3 besses bubuhusan ka niya ng malamig na tubig take note mawawalan kapa ng allowance sa Isang buwan kaya nga ayaw na ayaw kong sya ang gigising sakin.

"Opo, maliligo na po ako" sigaw ko mula dito sa kwarto ko. Pumasok na ako sa banyo pero Bago ako mag simulang maligo ay humarap na Muna ako sa salamin tapos nag pose yung nakanguso yung labi tapos labas dila pose tapos nadidiri pose ng makuntento nako ako sa mga kabaliwan nag simula na akong maligo.

Matapos kong maligo ay ginawa kuna ang morning routine ko, ng matapos ay bumaba nko dahil kanina pa kumukulo ang sikmura ko.... Btw, My name is Isabella Coverly isa akong Fil-Am ngunit dito na ako lumaki sa pilipinas. Wala nakong mga magulang dahil nawala na sila sa isang car accident noong 5 years old palang ako. Ang kasama ko nalang ay si kuya Nate at si tita jems. Si tita na ang nag-aalaga sa amin ni kuya simula nung namatay ang aming magulang, ang husband naman ni tita ay nag tratrabaho sa barko. Wla silang anak kaya kami nalang ni kuya ang tinuturing nilang totoong anak, nag papasalamat nga kami ni kuya Nate dahil kong Hindi dahil sakanila hindi namin mararanasan ang ganitong buhay kaya nga ang laki ng utang ng loob namin sakanila.

"Good morning princess" bati ni kuya Nate sakin. Si kuya kasi siya yung tipong tao na seryoso, snobbero at cold sa ibang tao pero pag dating samin sweet siya kaya nga mahal na mahal ko yan eh kahit parati niya akong inaasar. Princess ang tawag sakin ni kuya dahil sabi niya ako lang daw ang natitirang kayamanan niya.

"Good morning din kuya" masiglang bati KO sa kanya, sabay kiss sa pisngi niya.

"Good morning tita jems" nakangiti kung bati Kay tita, humalik din ako sa pisngi ni tita.

"Good morning din iha, umupo kana at simulan muna ang kumain dahil baka malate kapa sa bago mong school" sabi ni tita jems sakin. Kaya umupo nako at nag simulang kumain, tahimik lang kaming kumakain. Pagkatapos kung kumain ay nagpaalam na ako Kay kuya at Kay tita.

This is it!!!! bulong KO sa sarili ko ng nakarating na ako sa bago Kong school.  Ang pangalan PO kasi ng school ay ALLSWORTH INTERNATIONAL ACADEMY

Papasok na sana ako sa entrance ng may napukaw ng aking attention, mga babaeng nagkupulan na parang may hinihintay dahil may dala dala silang mga banner na naka lagay 7 cassanovas dahil sa curiosity ko nakisabay din ako sa paghihintay
Makalipas ang ilang minuto. May paparating na pitong Lamborghini (yung nasa multimedia PO) na huminto sa tapat ng gate, nag silabasan naman ang nag mamay-ari ng mga sasakayan. Nang tinanggal nila ISA ISA ang mga shades nila ay parang gumuho ang Mundo ko. Hindi..... Hindi pwede tohhh!!

Ang lalaking minahal ko ng lubusan.

Ang lalaking lumuko sakin.

Ang lalaking iniiyakan ko Gabi Gabi.

At ang grupo niyang sinaktan ako
Grupo na pinawala ako
Ang groupong ayaw na ayaw kunang Makita pah. Magkikita nanaman kami muli.

Bakit......Bakit pah.....?!?!?

Time Goes By Without Saying GoodbyeWhere stories live. Discover now