Chapter 10: Gitara

Start from the beginning
                                    

“Gawin mo ang basics.” E kung ipang-strum ko sa gitara ang mukha nito. Ni hindi ko nga alam ang basic dito. "Hindi mo pa rin alam ‘yun? Slow.” Makalait naman ‘to!

Kukuhanin niya pa lang sana ang gitara sa akin nang magring ang phone ko.

Tinatawagan na naman ako ni Phoenix. Namiss na agad ako ng kolokoy na 'to? Parang ilang araw ko pa lang naman siyang hindi nakikita dahil lagi akong tambay ditto sa rooftop.

"Anong problema at napatawag ka?"

"Tinataguan mo ba ulit ako?"

"Feeling lang? Ano nga, bakit?"

"Mamaya ang date. Umuwi ka ng maaga. Bye!"

 What?! Agad agad? At sa kalagitnaan talaga ng week? Papayagan ba ako nito sa amin?

"Phoenix! Hoy! Letse ka! Bakit mo ko binagsakan ng phone?! Sumagot ka nga!"

"Paano sasagot kung ibinagsak na nga ang phone?"

"Kausap ka? Kausap ka?"

Eepal pa 'tong isang ‘to e hindi naman siya kausap. Manong manahimik na lang sa isang tabi. Mangingialam pa.

"Hoy, bukas turuan mo ko ha. Dito sa rooftop. After class. Lalayas na ako at may date pa ako."

Tumayo na ako at dinala ang gitara nang bigla siyang tumawa ng malakas.

Hala. Nabaliw na. At marunong pala siyang tumawa ha? Ngayon ko lang nalaman.

"Tawa tawa ka dyan?"

"Nag joke ka 'di ba? Bastos naman kung hindi ako tatawa."

Inaalala ko kung ano ang huling sinabi ko sa kanya.

Ano naman kaya ang joke dun? Wala naman. Parang nagpaalam lang naman ako na aalis na kasi may date pa ako.

Wait..

Walanghiya ‘to! Gets ko na. Hindi siya naniniwalang may ka-date ako. Grabe!

Sinamaan ko siya ng tingin, "Sa ganda kong 'to, maraming nagkakandarapa para lang maidate ako."

Tinaasan niya ako ng kilay at tumayo saka lumapit. "Sa sobrang dami halos magmakaawa ka na sa isang lalaki na nakatambay sa labas ng No Name para lang maging boyfriend mo. Kapanipaniwala nga naman."

Tinap niya ako sa balikat saka umalis.

What the hell! Pinaalala pa niya! Past is past na nga e! Bakit binabalikan niya pa ‘yun?!

***

"Blue polo shirt. Maghanap ka ng ganun. Chinito. Medyo -- "

"E kung sinasamahan mo kaya ako ngayon dito 'di ba? Ang usapan natin, hindi ako makikipagdate ng hindi ka kasama. Dali na!"

Inend ko ang call saka siya pinamaywangan. Para kasing ewan at nagtatago pa sa gilid ng nagpiapiano, e pwede naman siyang sumama. Feeling agent din 'to.

Nang makita namin 'yung ipapakilala daw niya, umandar na ang radar ko. Gwapo, check. Loyal, malambing, matalino, sporty at pursigido na lang.

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now