Chapter 7: Prank Call

223K 6.7K 943
                                    

This is it. Ito na talaga ‘to. Haharapin ko na ang produkto ng ginawa kong kahihiyan. Sa sobrang kadesperadahan ko kasi ayan tuloy ang napapala ko.

Napabuntong hininga ako saka tumayo at sinenyasan si Phoenix na lumabas ng room. Kainis. Ang in demand ko naman ngayon.

"Bakit?” Walang kabuhay buhay kong tanong sa kanya.

"Anong bakit? Alam kong alam mo kung bakit kita hinahanap."

Napakamot ako sa ulo at saka yumuko. "Ano kasi.. alam mo yung padalos dalos? Ako ‘yun. ‘Yung sinabi ko sa 'yo noon sa labas ng No Name, 'wag mo na lang pansinin ‘yun. Kasi ano.. maluwag turnilyo ko nung panahong ‘yun. Ayun." Hindi ko man lang magawang tingnan siya ng diretsyo. Daig ko pa siguro ang nagcoconfess ng feelings sa sobrang kaba ko.

"Ay. Sayang naman. Akala ko magkakagirlfriend na ko."

Tiningnan ko siya at mukha naman siyang seryoso sa sinabi niya. Wait. Bawiin ko na lang kaya ‘yung sinabi ko na joke lang na niyayaya ko siyang maging boyfriend ko. Sayang din 'to. Kaya lang..

"Bading ka, ‘di ba?"

"Ha?!"

"Sabi ko, bading ka."

"Nababaliw ka na ba?"

"Hindi pa naman. May nakapagsabi lang sa akin na bading ka raw."

"Siraulo ‘yung nagsabing ‘yun ha." I know. May sira talaga sa ulo si Marga.

"Hindi ba?"

Umiling siya tapos bigla na lang tumawa ng malakas.

Ibig sabihin.. hindi naman pala talaga siya bading. Niloloko lang ako ni Marga? Nako. Lagot sa akin ‘yung bruhang ‘yun mamaya. Mapaggawa ng kwento. Hindi naman pala bading 'to. Dumoble tuloy ‘yung kahihiyang ginawa ko sa kanya. Pero hindi ko pa rin talaga gets.

"Teka nga lang. Naguguluhan pa ko. Hindi ka bading? E bakit sabi bading ka raw? Ano ba talaga?"

Nagpamulsa siya at sumandal sa pader. Camera nalang ang kulang magmumukha na siyang model. Gwapo talaga nito, kainis.

"Siguro naisip nilang bading ako kasi hindi pa ako nagkakagirlfriend."

"Nakakatawa ‘yang joke mo."

Sino ba naman kasing matinong tao ang maniniwala na hindi pa nagkakagirlfriend yung lalaking nasa harap ko ngayon? Halos ipagtulakan na nga ng mga babae ang sarili nila sa kanya tapos hindi pa pala siya nagkakagirlfriend? As if.

"Seryoso nga. Puro date lang. Walang naging official."

"Bakit naman ganun?"

Nginitian niya lang ako at pinitik ang noo ko. Napahawak agad ako sa noo ko at kinamot ‘yun. Mapanakit pala ang taong ‘to. Kaya siguro walang nagiging girlfriend?

"Ikaw, bakit ka naghahanap ng boyfriend nung unang beses nating magkita?"

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now