She's Killing Me (One Shot)

39.1K 1K 439
                                    


Ipinarada ko yung sasakyan sa harap ng isang malaking puno. Tahimik ang paligid at tanging lagaslas lang ng mga dahon ang maririnig mo. Malawak at payapa din ang lugar. Napangiti ako ng bahagya.

Ayaw na ayaw ko sanang pumunta dito dahil lagi ko siyang naaalala. Pero kailangan, baka patayin ako nun pag nalaman niya. Mahirap na!

Naalala ko nanaman yung cute na pagkunot ng noo nya pag may ginawa akong bagay na hindi nya gusto. Namimiss ko na rin yung pagtatampo kuno nya. Pati yung mga lihim nyang pag iwas ng tingin para lang di ko makita yung ngiti nya.

-----------------------

Jane is like a dream and a nightmare that came true.

We were 1st year college back then. Madalas ko siyang hintayin sa labas ng classroom pag uwian. Wala siyang pakialam kahit ilang oras ako maghintay dun. Minsan sinasadya niya pang siya yung huling lalabas kahit alam naman nyang may isang gwapong tulad ko na naghihintay sakanya sa labas.

Pero pag nakita ko naman siya, wala pagsidlan yung tuwa ko. Napapawi lahat ng pagod ko. Makita ko lang yung mamula mula nyang pisngi, yung itim na itim niyang buhok, at walang tatalo sa bilis ng tibok ng puso ko pag lumanding na yung magaganda nyang mata sakin..

Tapos ay sasabayan ito ng bigla niyang pag irap.

"Sige, Angel, salamat ha. Ingat pauwi."

Nakangiting nagpaalam si Jane dun sa kaibigan nya pag labas nya ng room. Isa sa mga nagustuhan ko sakanya ay simple lang siya at tunay na kaibigan. Napadako yung tingin nya sakin, nawala yung ngiti nya at nag iwas ng tingin. "Oh Nick. Ba't andito ka pa?" Sabe sakin habang palapit sya. Napangiti naman ako agad at tumayo sa pagkakaupo ko sa corridor.

"Sabe ko sayo maghihintay ako diba? Para sayo nga pala." Sabay abot ko ng favorite nyang flat tops. Ako naman ang may gustong gawin ang lahat ng to' kahit anong tulak niya sakin palayo.

"Hmp. Andame mo pang sinasabe! ... Oh!" Tapos nilapag nya sa kamay ko yung mabibigat nyang libro at kinuha yung flat tops. Napapangiti na lang ako. kilalang kilala ko na sya at alam kong masaya sya pero di nya lang pinapakita. Naglakad na kame ng sabay.

"Tara DQ?" nakangiti kong tanong sakanya. Tumango lang sya pero nakakunot ang noo nya. Pinisil ko lang yung ilong nya, ang cute nya kasi.

"Ano baaa!" Tapos pinisil nya ng pag kalakas lakas yung pisngi ko.

"Aaaaw!!" Sigaw ko "Ang cute mo kasi" Sabe ko pa at hinimas yung pisngi ko, umirap lang sya at nauna pang maglakad. Sumunod na lang ako.

Naghanap na siya ng upuan at ako naman ay umorder.

Nilapag ko yung mga order namin sa harap niya.

"Ay! ayoko na pala nyang mango cheesecake. I changed my mind. Double dutch na lang." She referred to what I ordered, at gusto niyang magpalit kami. Alam niyang mabilis mangasim ang tyan ko sa manga, pero okay lang. That's how she kills me, sanay na ko. Ngumiti lang ako at tumango.

Kinuha ko ang order niya at nagsimula na lang din akong kumain, at maya't maya hinihimas ko yung pisngi kong kinurot nya kanina, may pagkasadista din tong isang to paminsan minsan.

I smiled as I watch her eat. Nataranta ako nung nakita kong makiki scoop pa siya ng ice cream sa cup ko.

"O-Oy! Tama na, bawal sayo sobrang asukal."

"Duh! Mukha ba tong asukal? Ice cream to, bulag ka ba Nick?" Natawa lang ako sa pagkapilosopo nya at nag bikit balikat.

"Siguro nga." Sabe ko, bulag sa' yo. Pag lingap ko ulit sakanya ay naka puppy face na siya.

She's Killing Me (One Shot)Where stories live. Discover now