"Hindi! Walang iinumin na dugo ng kahit na sinong half vampire dito." Pagsisingit ni Mama. "May mga armas tayo, kaya natin sila."

"Sangayon ako kay Bernadette, para saan pa at nag t'training kayo kung di niyo gagamitin?" Damon said. Ang tanong sapat na ba yung training na yun? Totoong laban na yun at hindi basta training lang at alam naman ng lahat na magkaiba ang training sa tunay na laban.

"Gawin niyo 'kong bampira." Maj said kaya nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya. "Makakatulong ako kung bampira ako, dahil kung tao lang ako makakadagdag pabigat lang ako dun."

"Hindi!" Hindi ko pagsangayon. "Alam mo naman kung gaano kahirap yung buhay ng tulad namin diba? Kaya di mo gugustuhing maging bampira."

Tumayo siya at humarap sa'kin kita sa mga mata niya na despirada na siya. "Gusto kong mailigtas yung mga magulang ko Amber, makakatulong lang ako sainyo kapag katulad niyo 'ko."

"May iba pang paraan, hindi pagiging bampira mo ang solusyon."

"Yun lang ang paraang naiisip ko para di ako maging pabigat."

"Ganito nalang, gagawin natin ang unang proseso ng pagiging bampira.. iinumin mo dugo namin at pag may nangyaring hindi maganda at mamatay ka sa laban natin kela Manuel maaaring dun ka lang magiging bampira, gawin nalang natin ang lahat para di ka mamatay bukas para maiwasan na ding maging bampira ka hanggang mawala sa sistema mo yung dugong ininum mo samin." Damon suggested.

"Payag ako!" Walang pagdadalawang isip na sabi ni Majah. Haay! Wala na, sarado na utak niya hindi ko na mapipigilan yung naiisip niyang solusyon para di siya maging pabigat sa laban bukas.

Pero kung iisipin mong mabuti ang kailangan lang naman hindi siya mamatay bukas para di maging ganap ang pagiging bampira niya. Dapat ko siyang bantayan bukas!

"Kailan tayo susugod?" Tanong niya ulit.

"Bukas ng madaling araw, hindi kasi morning person si Manuel. Para makapag pahinga padin kayo." Sagot ni Damon.

"Sige, painumin niyo na 'ko ng dugo hindi naman siguro mawawala sa sistema ko yan hanggang bukas diba?" Maj said.

"Sigurado ka talaga dito hija?" Mama asked Maj.

"Opo." Tumingin sa'kin si Mama at mukhang nasesense niya di ko talaga pag sangayon sa planong 'to ni Maj pero syempre wala naman akong magagawa dun, nakapag desisyon na siya.

"Sige, dugo ko na inumin mo." Hiniwa ni Mama yung wrist niya kaya may lumabas na dugo dito at inabot niya 'to kay Maj. "Hindi mo kailangang damihan kung di mo kaya." Dagdag ni Mama.

Hinawakan ni Maj ang braso ni Mama at hesitantly na uminum ng dugo ni'to. Umiwas na agad ako ng tingin mula nang nag simulang uminum ng dugo si Maj at naglakad nalang ako papuntang dining. Di ko kayang makitang umiinum ng dugo ang best friend ko.

Di ko rin na naman maiwasang sisihin sarili ko dahil sa mga nangyayari kung siguro di niya nalaman ang tungkol samin baka wala siya sa ganitong sitwasyon. Namumuhay parin sana siya ng normal tulad ng iba.

"Baby.." I heard Damon's voice. I face him halata sakanya ang pagaalala. Ginamit niya yung bilis niya para makalapit sa'kin at hawakan ako sa magkabilang pisnge. "Heey, are you okay?"

I shake my head. "Hindi, hindi ako sangayon sa naisip ni Majah."

"Gusto niya lang tumulong at kung sasama siya sa laban natin kela Manuel maaari siyang mamatay dun. Mas okay ng bampira siya kesa ang mawala ng tuluyan diba?"

Kung iisiping mabuti, tama siya. Pero di ko parin hahayaan na maging bampira siya, hindi ko hahayaang mapahamak siya bukas.

"Sana matapos na 'to." I helplessly said.

Niyakap niya 'ko na parang nag pakalma sa'kin. Ito lang ata ang kulang sa tensyon na nangyayari, kulang lang sa yakap niya. "Matatapos din 'to pangako at pag natapos 'to magsasama na tayo."

I chuckled weakly. "Alam mong nakapaka imposibleng mangyari nyan, dahil sa mga magulang ko."

"Hindi nila 'ko mapipigilang makasama ka, baby. Kailangan muna nila akong patayin para mapalayo sayo." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang pisnge.

"Mag pahinga ka na para may lakas ka bukas." Tumango lang ako bilang sagot. Paniguradong hindi lang pahinga ang kailangan ko, kailangan ko ding uminum ng dugo pero bukas na yun.

Hinalikan niya lang ako sa forehead tsaka niya 'ko hinawakan sa kamay at sinimulan naming maglakad papuntang sala ng magkahawak kamay.

Sa pag dating namin sa sala, i saw Maj na nakahawak lang sa labi niya habang nakaupo sa couch. Nabaling naman nila Mama at Papa ang tingin samin at direktang tumingin sa kamay naming magkahawak ni Damon kaya bumitaw agad ako bago pa magkagulo na naman.

Mama sighed heavily. "Amber mag pahinga na muna kayo Majah sa kwarto mo, maaga tayo bukas."

"Opo." Sagot ko. Tumingin ako sandali kay Damon bilang pagpapaalam sana lang nagets niya.

Lumapit ako kay Majah at inoffer ko yung kamay ko sakanya para sa pagtayo niya. "Dun muna tayo sa kwarto."

"Sige." Hinawakan niya yung kamay ko tsaka siya tumayo. Inangkla ko yung kamay ko sa braso niya tsaka ko sinimulan maglakad paakayat ng kwarto ko kaya napalakad na din siya.

Pagdating namin ng kwarto ko umupo agad siya sa kama ko at napabuntong hininga.

"Galit ka ba?" Tanong niya.

I shake my head. "Hindi lang ako sangayon sa naisip mo."

"Alam ko."

Tinabihan ko siya sa pagupo ng kama. "Anong lasa ng dugo?" Pagbabago ko ng topic.

"Nakakasuka, paano niyo nagagawang umubos ng isang pakete ng dugo?"

I chuckled. "Masarap ang dugo para samin, parang kape sa Starbucks."

"Halata nga eh." Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin. "Yung totoo, ano sa tingin mong mangyayari bukas?"

"Tingin ko.. maililigtas natin ang mga magulang mo at mananatili ka paring tao, mapapatay din si Manuel tapos matatahimik na tayong lahat." Sana nga yun ang mangyari. Oh wait di pala kami matatahimik ni Damon dahil hindi boto ang magulang ko sakanya.

She chuckled, weakly. "Sana nga yan ang mangyari bukas."

"Malay mo naman."

--

Keep voting vampies. 😁

The Immortal's SecretKde žijí příběhy. Začni objevovat