Haha!...

Ang tanga ko na…

Ang tanga tanga ko na..

“thank you talaga Rianne.” Napahinto ako sa sinabi nya.

Parang ewan lang pero parang sinasampal nya sa akin ang katotohanan na mas naging okay sila simula nung tinulungan ko sila.

Shemay!..

Wag mong hayaang pagsisihan ko yung ginawa ko..

Hindi na ako nakasagot pa sa kanya nung biglang nagsalita si Georgina

“o sige ito na ang pinaka general practice natin okay?! Mamayang gabi na ang parade.  Osya.. Troy and Elise go to your places.”

Sinunod naman nila ang sinabi ni georgina.

Nagsimula na ang music at nakaharap na sila sa isa’t isa.

Then they started to dance.

At dun ko lang na realize kung gaano sila kabagay sa isa’t isa.

How can I be so blind?

Umpisa pa lang nagbubulag-bulagan na ko sa mga katotohanan.

The way they look at each other while they’re dancing.

Na para bang sila na lang yung dalawang tao sa mundo at wala ng iba pa.

Hindi ko na kinaya pa kaya I excuse myself na pupunta lang ako ng CR.

Pagkapasok ko ng CR ay kumawala sa mga bibig ko ang mga hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

“Bakit ba kasi ang sakit mahalin ng isang tulad nya?.. SHEET lang.”  hindi ko na napigilan yung hagulgol ko sa loob ng CR..

Ilang araw kong pinigilan yung mga luha ko.

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now