Chapter 12: Game

324 20 9
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Ang alam ko lang, nasasaktan ako. Sobra akong nasasaktan sa hindi ko malaman na kadahilanan.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking mukha. I want to help her. But still, I'm the bad one. Ganyan naman ang mga tao diba? Ano pa ba ang kailangan kong ipagtaka?

Hindi ko kailangan umiyak lang dito na parang tanga. Pumunta na ako doon sa fireplace na tinutukoy ni Athena. Nakita ko na rin ang maraming estudyanteng nagkukumpulan sa bahagi na iyon.

"Cass!" Nilingon ko ang taong tumawag sa akin galing sa aking likuran.

"Oh, ikaw pala Matthew. Bakit?"

"Wala naman. Pupunta ka din ba doon sa fire place?" Matt

"Oo." Tipid kong sagot.

"I see. Let's go? Sabay na tayo." Tumango nalang ako at sabay na kaming naglakad papunta roon. Nakabilog na ang ibang estudyante kaya nakiupo na rin kami sa malaking bilog na kinabibilangan ng mga estudyante. Nilingon lingon ko sa paligid kung nasaan na ba napunta yung dalawa.

"Yieeee! Hinahanap niya kami!" Sigaw ni Athena kasama si Yanie at patakbong luimapit sa amin.

"Asa. Bakit ko kayo hahanapin?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Kasi, besters mo kami!" Wala na akong nasabi sa kanya. Umupo sila sa tabi ko. Maya-maya, nag-umpisa na din ang hinihintay namin.

"Good night guys! But, before you say goodnight to me, maglalaro muna tayo!" Masiglang sabi ni Carrielle, School president. Dahil gabi na, inumpisahan na nilang sindihan ang bonfire na nasa harapan namin.

May inilagay siyang isang mangkok sa harap namin na may laman na mga papel.

"Here's the mechanics, kukuha lang kayo diyan ng papel. Para lang siyang truth or dare ang kaibahan lang, kung truth ang ,abunot mo, truth. Kapag dare, dare. Kung sino man ang magback-out, babasagan ng sampung itlog. Ano game?" Sabay kuha niya ng tray ng mga itlog. hindi na ako magtataka kung bakit sila nagsasayang ng itlog. Duh. This school is one of the richest school in the Philippines noh?

"Gusto ko sanang magback-out kaso nga lang, ayokong mabasagan ng hindi lang isa kundi sampung itlog." Bulong sa akin ni Athena. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Sorry we're late. Can we join?" Lahat napatingin kayla Luke at Veronica ng bigla silang dumating.

"Yeah, sure. Have a sit." Pagyayaya ni Carrielle. Nasa tapat namin sila ngayon at pinapagitnaan ng bonfire. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan na magkasama sila ngayon. Bakit ba angsweet nila? Ang buong akala ko, wala na sila pero ano itong nakikita ko. Napalingon sa akin si Luke kaya agad akong umiwas ng tingin.

Matapos ulitin ni Rielle ang mechanics ng laro, nagsimula na kami. Unang bumunot si Matthew.

"DARE!!!" Sigaw ng lahat ng mabunot niya ang dare.

"Magpagulong-gulong ka diyan na parang baliw." Suggest ng kaklase ko na agad namang nakapag-patawa sa aming lahat.

"Hindi! Sumayaw ka nalang ng sexy dance sa harap ni Cassandra!" Suggest naman ng kaklase ko na agad kong ikinagulat.

"What?!" Gulat kong tanong at sinamaan ng tingin ang kaklase kong nag-suggest nun.

"Oo nga! Ayun nalang!" Sigaw ng marami.

"Ano Cass?" Tanong sa aki ni Matt.

Tinanguan ko na lang si Matt. Ayoko namang mabasagan pa siya ng itlog dahil sa kaartehan kong ito.

"Whoooo!" At sumayaw naman ng sexy dance sa aking harap si Matt habang nakatakip ang mga mata ko.

Matapos nun, Sumunod na din ang iba kong mga kaklase.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Money Can't Buy Love #Wattys2017Where stories live. Discover now