Chapter 13

3.1K 73 0
                                    


Chapter 13

Please be happy


Dahil na rin sa kumbinsi namin ni Lyne kay Benj na ilibre kami sa birthday niya kaya sabay-sabay ang labas namin after class. Wala naman sa mukha ni Benj ang napilitan. Willing pa nga siya at nagtatanong kung anong gusto namin! Oh, 'di ba! Galante naman pala 'tong si Benj e! Nakakahiya lang kasi wala akong napaghandaang regalo para sa kanya. Buti na lang si Lyne, mayroon! Crush na crush pa naman nito si Benjamin! Syempre, ako lang ang nakakaalam, ayaw niya kasing pasabi. Nakukwento ko rin kay Lyne si Harry, pero pahapyaw lang saka iyong mga pwede! Bago ko pinakita ang picture ni Harry sa kanya, sabi 'ko akin 'to, hindi niya pwedeng maging crush o anoman.

Ngayon, hinihintay pa namin si Benj dahil pumunta pa siya Integrated School para puntahan ang kapatid, si Maggie. Kalahating oras na rin ang hinihintay namin ni Lyne sa kanya. Halos maubusan na nga si Lyne ng papakita niya sa aking ng mga pictures ni Benj na stolen na kuha niya.

"Si Cindy rin! Crush na crush si Benj!" sabi ko, nang-aasar.

Lyne made a face. "I don't care. At least sa mga project, tayo-tayo ang magkaka-grupo, hindi siya," aniya sabay irap. The truth is, dami talagang nagkakagusto kay Benj. He has a look. Mabait. Sobrang hard-working. Ewan ko ba't sinalo na ang lahat. Ako? Basta makapasa lang, ayos na!

"Iyong Harry mo? Saan siya nag-aaral?" tanong ni Lyne.

"Abroad. London," ani ko sabay kibit balikat.

"Sobrang gwapo parang si Benj!"

Nagsalubong ang kilay.

"Oops! Opps! Hindi pwedeng ganyan! Walang akinan ng hindi sa kanya!" angal ko kaagad, ngunit pabiro. Sa totoo lang, nalulungkot pa rin ako sa nangyari sa amin ni Harry na misunderstanding (kung mayroon man). I wish he'll hear me out. Sana bigyan na niya 'ko ng oras kahit sandali. That is all Kier's fault by the way. I have concluded something on the weeks that passed. Pakiramdam ko may kinalaman si Kier sa mga pangyayari. How Harry would know that I and Kier were on the exit in that day. Hindi maaaring mapadaan lang siya dahil malayo sa unit niya doon. Maybe there are other reason around, pero malakas ang kutob ko sa ganito. I'm not sure, but something is wrong.

"Oo na! I wish Benj will appreciate my gift for him..."ani Lyne.

I pushed her shoulder. "Oo naman no! Alam mo naman 'yang si Benj, thankful kahit maliit na bagay!" tawa ko.

Lyne chuckled, also.

"Ba't kaya wala man lang tayong nababalitaan na gf niya?"

"Baka studies first 'yan si Benj..." biro ko.

Lyne narrowed her eyes.

"Biro lang! Malay mo may pinopormahang lower years? Tahimik lang saka gustong-gusto niya..."

"Nathalie naman e! Binabagsak mo ang pag-asa 'ko!"

"Ikaw kasi, nagtatanong ka pa kung bakit walang girlfriend si Benj!" I laughed full-bellied. Lumibot ang paningin ko sa paligid. Dami na ring estudyante ang naglalakad pauwi. Mabuti na nga lang pwede ang mga jeep sa loob ng campus kasi sobrang lawak. Kung hindi, pwede? Haba ng nilalakad.

Lyne pouted. "Sana naman kapag nagka-gf siya malaman ko kaagad para isang sakit na lang..." I laughed throatily, but I know deep inside I could feel the hurt of it. Ganito kasi kapag may gusto kang tao, you want them to be happy, but please we want them to be happy because of us, too. Parang vice-versa lang. This may call selfishness, but this will make our heart explodes. Mahirap din kung hindi sa'yo magkagusto ang gusto mo, masakit din kasi mapapatanong ka kung anong wala sa'yo na mayroon gusto niyang iba. You will start to doubt yourself, it is hard...This feeling is new to me. I've never felt in love before, but maybe this is what love feels towards opposite sex, it is making you crazily good and bad in some ways.

Crash (SC, #0.5; ARTL, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon