Curse Five: Defiance

18.2K 649 38
                                    

"ARE you freaking serious?!" halos mapapikit ako ng mariin nang marinig ang biglaang pagbulahaw ni Claude sa akin. Halatang hindi maka-move on sa nasaksihan. "Tangina, isang yummy na Alastair Aldeguer ang nabingwit mong hayup ka!"

Napabaling na lamang ang aking ulo sa gawi kung saan hindi sa harapan nko bumubulyaw ang babaeng ito. Gosh! What's the big deal?

"Can you tone down a bit? Kanina ka pa nasigaw diyan." Rinig kong saway ni Austin na maging ito ay naiirita na sa paghihisterya ni Claude.

"How am I supposed to do that?! Huh?!" napangiwi pa lalo ako sa mas mataas na tono niya sa pagsagot kay Austin.

"Well, if your senses were still on you, you would know how." Pabalang na turan ni Austin na may halong sarkasmo.

Napailing iling na lamang ako.

"Stop freaking out, Claude— "

At hindi niya na naman ako pinatapos.

"Like hello?! Paano aber! Ang swerte swerte mong hinayupak ka!"

Kung pupwede lang sigurong i-record ang pag-ikot ng ilang beses ng aking mata ay siguro masasama ako sa Guiness sa pinakamabilis umirap.

"He's the Mafia Boss of Aldeguer's Clan, Asia! One of the most powerful Mafia Clan in this century!"

Like the hell, I wouldn't know that. His surname marks it all.

"And he wants something from you. You're supposed to be dead a while ago pero may kailangan siya sa'yo. Gosh! Ano naman kaya iyon? Wait, hindi kaya ang katawan mo? Nadala kaya siya sa nakasulat sa t-shirt mo? Nalibugan siya kaya hindi ka niya muna pinatay kasi gusto ka niyang tikman?"

Mabigat ang pagsinghap ko nang marinig ang mga salitang namutawi at naglandas sa bunganga ni Claude. Hindi ko napigilan ang pag-initan ng pisngi sa mga kataga nito at talagang walang preno niya iyong sinabi!

"Puno na naman ng bacteria iyang bunganga mo, Claudette." Anas ni Austin na sanay nang makarinig ng ganoon kay Claude. "Magmumog ka nga ng holy water."

Buti pa si Austin sanay na. Ako, kahit yata matagal na kaming magkasama nitong babaitang ito ay hindi pa rin ako nakakahuma kapag puro kabastusan ang lumalabas sa bibig niya.

"Tse! Manahimik ka diyan nerdy." Saway ni Claudette at pagkatapos niyon ay naramdaman na lamang niyang nakaupo na sa kanyang tabi ang dalaga at mariin na hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"What?" tanong ko at bahagyang natuwa nang hindi ako nagtunog kinakabahan.

Kasi kinakabahan talaga ako! Now that Claude mentioned those ideas she has. Hindi ko mapigilan ang hindi rin maisip iyon.

Maganda naman ako. Seksi at hot. Kahit na hindi ako nakakakita ay bilang isang tao, masasabi kong may maibubuga ako.

At ngayon ka pa naging conscious sa katawan mo, Asia? Ridiculous!

"Utang na loob," napabalik ang aking atensyon kay Claude nang bigla itong mag-utas. "I-record mo naman ang pagtatalik niyo, oh. Please!"

Mabilis akong kumalas sa pagkakahawak ni Claude at mas suminghap ng marahas sa hinihingi nito. What the hell?!

"You're insane, Claude. You should s-sleep." Naiilang kong wika sa kanya.

"No! I'll sleep if you're going to promise me that you'll record your sex with him. I wanna see how big he is. So please naman, para naman hindi tayo magkaibigan."

Napahawak na ako sa aking batok dahil sa dahilan nitong si Claude. Tila yata nagkakaroon na ako ng alta-presyon dahil sa mga sinasabi niya.

"Please, Claudette. Stop it, naiirita na ako." Nangigigil kong utos sa kanya. "We should talk about their sudden appearance and not that... nasty things."

Royal Synergy: Curse of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon