"Osige, lalabas na ako. Iiwanan ko na kayo ha. Behave!"

"Bakit Ma'am? mamamatay na po kayo?"

Tanong nanaman ni Kulet kaya nagtawanan nanaman mga kaklase namin.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Minus 5 ka sa quiz na pinasa nyo kanina."

"AHH!! MA'AM!! Nagtatanong lang eh!!"

"Ano? Sasama ka sa lamay ko?"

"Edi mamamatay na nga kayo Ma'am?"

"HAAHAAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAH. Patawa ka masyado!!" Pabirong sabi ni Ma'am. "Minus 10."

Tuluyan nang lumabas si Ma'am. Sumimangot yung kaklase kong makulet kaya lalong lumakas ang tawanan sa room! HAHAHAHAHAHAHAHA! Grabe naman pala tong klase na to. Parang Linnaeus lang, yung section ko sa wattpad academy. Araw araw tawanan. HAHAHA!

Speaking of Linnaeus, miss ko na mga kaklase ko dun. Yung mga kalokohan nila. Yung araw araw na tawanan at asaran sa room.

Hindi lang mga classmates ko nami-miss ko. Pati yung school. Lalo na si KYLE. Sasandali lang kaming nagkasama. Tsss. Kung kelan naman kasi masaya na kami at tsaka naman dadating ang pakealamera kong nanay. =_=

Napabuntong hininga nalang tuloy ako..

~*Haaaaaaaaaayyy....*~

--

>RENZ'S DIARY<

"Hoy.. Problema mo?"

Tanong ko kay Sharee. Bigla kasing nag-buntonghininga eh.

"Ha? Ahh.. Wala.."

"Wala daw. Tsk. Lalim ng iniisip mo eh. Si Kyle nanaman ba?"

Tumungo lang sya at tumango. Nadali mo Renz!!

Aysh! Ano ba naman Patrisha?? Wala si Kyle dito!! Ako ang nandito oh!! Ako mag-aalaga sayo! Ako ang magmamahal sayo! Tigilan mo na ang pagtanaw sa kanya mula sa malayo!! Sakin ka tumingin. Sakin na malapit lang sayo. Sakin na laging nakahabol sakin. ANg kailangan mo lang gawin ay lumingon. </3

Yan. Yan ang gusto kong sabihin sa kanya! Pero di ko kaya. Kasi iba ang gusto nyang marinig. ANg mga salitang MAHAL KITA ay gusto nyang marinig mula kay Kyle. </3

"AYsh! Walang mangyayari sayo kung ganyan ka lang ng ganyan. Tara."

"H-ha? Saan??"

"Gagala."

"Tinatamad ako."

"Bahala ka."

Sabi ko sabay tumayo ako. Tumalikod at naglakad papunta sa pinto. Binagalan ko lang ang lakad ko. Alam ko kasing di makakatiis tong si Patrisha at susunod rin to..

"OY RENZ!! TEKA!! SAMA AKO!!"

Hahahaha! Sabi na eh..

Naglakad lang kami nang naglakad.. Tahimik lang kaming naglilibot sa school. At habang naglalakad kami, may isang spot na nakahuli ng mata ko. Gusto kong pumunta dun pero sinadya kong lumayo dun kasi gusto kong inisin si patrisha.

At nang makalayo na kame..

"Oy san ba tayo pupunta?"

Tanong nya..

"Dun."

Sabi ko sabay turo sa rooftop.

"ANO?? DOON TAYO PUPUNTA PERO DITO MO AKO DINALA?? NANANADYA KA BA?"

"Ha? Di ah. Gusto ko lang talaga maglibot."

"Tsk. Muka mo! Tara na don!"

HAHAHAHAHA! Ang cute nya magalit. Kawaii!~

Naglakad na kami papunta dun sa isang building at umakyat papunta sa rooftop na tinuro ko sa kanya. Mataas ito at makikita mo ang view ng buong school..

--

[rooftop]

"WOW!!! ANG GANDA!!!!! *O*"

"Ingay mo."

"Tsk. KJ ka talaga! Ikaw ang nagyaya dito tapos ganyan ka? Tsk."

"Bakit ba?"

"Aysh! Pambadtrip ka naman eh."

"Ingay mo kasi."

"Tsk."

Bigla nanamang nagkaron ng silence. Nakatayo lang sya sa edge ng rooftop at tinatanaw ang view. Lumapit ako sa kanya. Ang ang ganda nya talaga. Naarawan ang maganda nyang muka at sumusunod ang buhok nya sa hangin..

Masarap tumambay dito. Mahangin at tahimik kasi.

"Wow!! Ang ganda talaga!!"

Sabi nya habang ngiting ngiti. Hindi man ako nakatingin sa kanya, kita ko parin sya mula sa gilid ng mata ko. At mula sa isang matamis na ngiti... Biglang naging malungkot ang expression ng muka nya..

"O? Problema mo?"

"Ha? A-ahh.. Wala."

"Wala daw.. Tsk."

"Ha-ha.. K-kasi.. Naisip ko lang.. Tinitignan din kaya ni Kyle ang araw ngayon? Nagagandahan rin kaya sya? Ha-ha.. S-sana.. Balang araw.. Matanaw namin yung araw nang magkasama.. Sana.. Mapanood namin yung pag-taas at paglubog ng araw mula sa iisang rooftop.."

Dahil sa sinabi nya, napatingin ako sa kanya. At nakita kong tumutulo ang luha mula sa mga mata nya. Pinupunasan nya ang mga luhang yun gamit ang palad nya.

Hindi ko alam kung bakit o pano.. Pero hinila ko nalang sya papalapit sakin at niyakap ko sya nang mahigpit.

Matagal kaming nasa ganong posisyon. At nang maging awkward na ang athmosphere, nagsalita na ako.. Kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.

"P-patrisha.. Kalimutan mo na sya.. P-please.. Alam ko namang h-hindi si Kyle ang dahilan kung bakit ka umiiyak at nasasaktan.. P-pero.. Wala sya dito ngayon. Wala sya dito para protektahan ka. Wala sya dito p-para punasan ang mga luha mo. A-ako.. Nandito ako.. Kalimutan mo na sya.. P-please.."

Matagal pa kaming nag-stay sa posisyon na yon. Minutes? Hours? Ewan. Basta ang alam ko, nagsisimula na ang sunset nung sya na mismo ang kumawala sa yakap ko.

Bumalik kami sa room at kinuha angmga bag namin tapos umuwi na kami.

BUKAS. Bukas sisimulan ko nang patunayan sa kanya na mahal ko sya.

--

A/N: Mabuhay ang author na walang ibang ginawa kundi paiyakin ang characters! HAHAHAHAHHAHAAHHAHA! Sarrey naman kung nabo-bore kayo kasi panay iyakan ang nangyayari. Maraming maraming sorry. E sa ganyan po talaga e. Pero sa lamat sa mga nagbabasa. Arigato Gosaimasu. :)

Dont't forget to COMMENT. Please lang po. Nagmamakaawa na ako. Ganyan nalang lagi nilalagay ko sa previous chapters pero wala namang nag-cocomment. :(

And VOTE if you think the chapter deserves it.

Reading my CRUSH's DIARY. ♥ [COMPLETED]Where stories live. Discover now