CHAPTER 46

2.4K 73 22
                                    

Sandali lang talaga. Di makapag-process ang utak ko eh.

ANO DAW ULIT YON?!

“A-a-ano?”

“Sabi ko, I want to marry you.”

O____o

Di nga ako nagkakamali. PAKASAL NGA ANG IBIG SABIHIN NUN. Pero…NAHIHIBANG NA BA TONG LALAKING TO?! Anong pakasal?! Ano kami??? NASA KOREAN DRAMA LANG, PAKASAL AGAD????

Kumatak naman si TOP at pinitik yung noo ko.

“ARAY!”

“Alam ko na kasi yang iniisip mo. Di mo ba natatandaan ang sinabi ko sayo noon??”

Napaisip naman ako. Anong….sinabi?

Sinubukan ko namang mag-isip mabuti kaya lang, bigla na lang akong hinila ni TOP papalapit sa kanya at hinalikan niya nga yung noo ko.

O___O

“Sorry, masakit ba?”

“H-h-ha…?”

“Kasi naman, patapusin mo muna ako.”, pagkakamot naman niya ng ulo.

“Wala naman akong sinasabi ah????”

“WALA DAW. Eh kung makatitig ka, akala mo naman manyak ako nung sinabi kong papakasalan kita.”

“Ehh….kasi naman…..”

“Okay na. Pasalamat ka mahal kita.”

>____<

Please po, Lord. Sana po di ako nangangamatis sa kilig. HUHUHU.

“I told you before. Di kita papakasalan dahil lang sa gusto ng iba o dahil sa ano mang business-related matter. I will ask you to marry me…dahil sa mahal kita. At kung….handa ka na.”

“Eh…wait ha. Pano yun? Sabi mo…nagbati kayo ng lolo mo kasi, magpapakasal ka sakin. Pano kung….di naman ako papayag? Saka, bakit ako?! Hindi naman kami mayaman at mas lalong walang magandang idudulot sa pamilya niyo kung ako ang mapapakasalan mo!”

Totoo naman eh. Ugly duckling lang ako kumpara mo sa mga babaeng nakapaligid kay TOP. Di kami mayaman at mas lalong hindi naman ako kagandahan. -_____-

“So may balak kang magpakasal sa iba?”, pagtitingin ng masama nitong si TOP.

“HA?! WALA AH….”

“Ayun naman pala eh. Diba mahal mo ko???”, pagkikindat naman niya sakin.

O___O

>____<

“SISIPAIN TALAGA KITA DYAN. Tumigil ka nga!”

Natawa lang yung loko. AYSSHHH kung alam ko lang na aasarin lang ako nito, DI KO NA SINABI EH!!! AYSSHHH KAINIS!

“But seriously, Athena. I don’t think ako dapat ang magsabi sayo….You’d have to ask your mom.”

O_O

“Si mama…? Bakit?? Ano namang kinalaman ng nanay ko?!”

“Tsk. Ang kulit. She has her right to tell you. Saka ko na papaliwanag sayo ang lahat pag alam mo na.”

“EH BAKIT DI MO NA LANG PALIWANAG SAKIN NGAYON!? Nangbibitin pa eh!”

“Basta ang akin lang…I made a pact with lolo. I told him I’d marry you WHEN THE RIGHT TIME COMES. Ayokong madaliin ka at mas lalong ayokong ipagpilitan ang sarili ko sayo.”

Tae. Na-awkwardan na naman ako. UGGH. Bat kasi kailangan pag-usapan agad agad ang kasal na yan eh. -____-

Sabi ko lang naman na….yun nga. May feelings nga ko….ayun.

School Rumble Volume 2: Romantic MysteryWhere stories live. Discover now