Kabanata 01
Nangangatog ang tuhod ko habang bumababa sa aking sinakyan. Maulap naman ang umagang ito pero parang pinagpapawisan pa rin ako sa hindi malamang dahilan. Nang umarangkada paalis ang jeep, humakbang ako at itinapak ang aking paa sa isang pavement at agad akong napatingin sa arch ng paaralang papasukan ko at binasa ang mga letrang nakadikit dito: Quantum Academy. Isang prestirhiyosong eskwelehan na karamihan ay mayayaman at may kaya sa buhay ang nag-aaral. Isang malaking pribilehiyo na ito sa akin dahil hindi naman kami ganoon kayaman dahil ang tatay ko ay isang public teacher at ang nanay ko ay nagtatrabaho sa munisipyo ng probinsya namin at papasok ako rito bilang isang academic scholar. Siguro ito ang nagpapakaba sa akin. Napakabago ng environment at wala akong kahit sinong kilala. Nakadagdag kaba pa na may scholarship akong kailangang i-maintain.
Umiling na lamang ako para maalis lahat ng kaba na bumabalot sa akin ngayon. Kung kinaya ko sa dati kong school, kakayanin ko rin dito. Hinawakan ko nang mahigpit ang shoulder strap ng aking bag at pumasok sa loob. Napakarami ng mga estudyante at alam kong wala kaming ideya kung ano ba ang dadatnan namin ngayong school year dahil kami ang mga unang estudyante na sasabak sa bagong kurikulum ng bansa— ang senior high school.
Nakisabay ako sa mga estudyanteng naglalakad papasok ng campus. Itinuturo sa amin ng ibang security guards ang daan patungo sa open field kung saan gaganapin ang aming unang flag raising ceremony. Pagkarating namin doon ay nakita ko na ang napakaraming mga estudyante rito at halata mo na sa pananalita pa lang nila ay mga anak-mayaman na.
Sa stage naman ay mayroong babaeng teacher na may ka-edad-an na na nag-o-orient sa mga estudyanteng dumarating kung saan ang pila.
"Humanities and Social Sciences students, form your line at the center of the field! STEM students, follow the Humanities. You'll form your line beside them." Kaagad akong sumunod sa daloy ng estudyante ngunit dahil siksikan, hindi ko mahanap ang pila kaya naman naisipan kong magtanong na lamang sa tatlong babaeng nag-uusap sa tabi habang nagtatawanan.
"Excuse me, dito ba ang pila ng HUMSS?" Napag-alaman kong hindi pala roon pero mabuti na lang at itinuro naman nila sa akin kung saan at makalipas pa ang ilang minuto, nahanap ko na kung saan ako dapat pumila kaya naman nakahinga na ako nang maluwag.
Pero bago pa man ako makalakad, hindi ko napansin ang biglang pagbangga ng aking balikat sa lalaking dumadaan mula sa kaliwa na bahagya kong ikinagulat.
"Ouch—" tumingala ako upang makita kung sino ang nabangga ko and I was about to say sorry when—
"Sorry, I wasn't paying attention. Nasaktan ba kita?" He was smiling awkwardly at kitang-kita sa facial expression niya ang concern pero bago ko pa man maisip na sumagot, napako ang tingin ko sa kanya—ang gwapo naman nito! "Hello?"
"A-ah," Agad akong bumalik sa huwisyo bago sumagot. "Okay lang ako! Sorry. Hindi rin ako tumitingin sa dinadaanan ko."
"That's fine. Anyway, gotta go." Maglalakad na sana siya at maglalakad na ako papunta sa designated line nang mapansin kong naglalakad kami sa parehas na direksyon.
"HUMSS ka rin?"
We both said in unison na agad naming ikinatawa. Parehas kaming tumango.
"Wow, so classmate pala kita." tugon niya. "I'm looking forward to know you. See you around." He gave me one last smile while tapping my shoulder before going into the designated line for boys. Habang sinusundan ng mata ko ang papalayong pigura niya mula sa kinatatayuan ko, I felt something tingle inside my stomach.
Were those butterflies?
---
Inabot lamang ng halos 20 minutes ang flag ceremony at ngayon ay kasalukuyan na kaming naririto sa loob ng classroom at kasalakuyang isinasagawa ang introduce yourself portion.
YOU ARE READING
The Probability of You and Me
RomanceAmber Pueyo, a 16-year-old girl from the province, did not have the slightest idea on how her life will change once she set her own foot as an academic scholar in Quantum Academy, a prestigious school in Manila. On the other hand, Jasfer Severro, a...
