UNKNOWN (ONE-SHOT)

66 6 11
                                        

AN: Hello readers, first time 'kong mag-sulat ng one-shot kaya sana magustuhan niyo.

--

Jemma's POV

Another day, another life. Kailan kaya niya kaya ako mapapansin? Asa naman ako. Unknown ako sa kanila at sa kanya.

Tumayo na ako at nag-simulang mag lakad. Hanggang sa narinig ko na naman ang pag-awit niya. Nakakatunaw ng puso ang ka'nyang boses. Pinapakaba ako nito ng hindi ko maintindihan. Sabagay hindi naman siya kukunin ng KS Band kung hindi siya magaling umawit. Bukod kasi sa magaling siyang umawit may maganda pa siyang mukha na kahit sinong babae mag kakagusto sa kanya.

Bigla naman siyang tumigil sa pag-awit kaya nag-lakad na ako paalis. May pagka engot din ako minsan. Kasi naman andyan na nga sa harap ko umiiwas pa ako. Kaya unknown tuloy ako sa paningin niya.

Jackson...

Bumuntong hininga na lang ako saka tumuloy sa pag-lalakad. Nag lakad na ako pa-uwi. Malapit lang naman ang bahay namin sa school. May mga puno at isang park sa bahay namin. Pero hindi ako lumalabas eh. May pagka-paranoid kasi sila Moo at Doo. Pag-karating ko sa tapat ng bahay namin ay nakita ko agad ang surname naming naka ukit sa gate.

TRINIDAD FAMILY

Pumasok na ako sa gate at binuksan ang pinto. Pagkapasok ko pa lang sa bahay namin ay narinig ko na ang pag- tatalo nila Moo at Doo. Agad akong pumasok sa kwarto at ipinikit ang mata. Naiiyak ako dahil sa nangyayari. Noon hindi naman ganito eh. Masaya kami nila Moo at Doo.

Bumuntong hininga na lang ako at pinagmasdan ang larawan ni Jackson sa aking kwarto. Ang gwapo niya talaga. May malalalim siyang mata na may tinatagong emosyon. Ang mga  labi niya na hindi ko pa kailanman nakitang ngumiti. Halatang Salvador si Jackson kasi kitang-kita ang genes ng mga Salvador sa kanyang mukha.

Napabakliwas ako sa kama ng marinig 'kong tumunog ang aking telepono.

Elly calling....

"Elly, napatawag ka?" nagtataka 'kong tanong. Minsan lang kasi tumawag 'tong si Elly eh. Si Elly kasi ang  presidente ng KS Band Club. Kaya naman napaka busy niya. Siya kasi yung nag-uupdate sa amin kung may mga gig at sasalihan bang paligsahan ang KS Band.

[Jemma, free ka ba tonight?] mahinahon niyang tanong sa akin. Pero halata sa boses niya na nag papanick siya.

"Uhm.. Oo? Bakit Elly? May problema ba?"

Nakarinig naman ako ng malalim na buntong hininga sa kabilang linya.

[Great! I'll pick you up later. May gig kasi ang KS Band eh. Kailangan nila ng supporters but sad to say walang available ngayon na mga ka club natin kasi alam mo na. Finals na. Kaya nakakahiya naman kung mag isa ko lang pumunta doon. Syempre kailangan ko din ng kasama para mas lalong lumakas ang speaker ko"

Tumawa siya at halatang masaya siya. Ngumiti na lang din ako. Pero agad din nawala ng ma-alala ko sila Moo at Doo. Baka di nila ako payagan. Gabi na din kasi eh. Bumuntong hininga na lang ako. Bahala na si Darna.

Nag-ayos na ako at nag-handa. Nag-suot ako ng v neck shirt na black na may tatak na KS Band saka nag jeans at sneakers. Lumabas naman ako at nag-lakad patungo sa kwarto nila Moo at Doo. Rinig ko pa din ang pag-tatalo nila. Kumatok ako at bigla silang nag-tigil.

"Emma darling, what are you wearing? and where are you going" malambing at mababang tinig ang narinig ko mula kay Moo. Halata sa boses niya ang pagka-paos. Dahil na din siguro sa pag sigaw niya kanina.

"Uhm...Moo, c-can I hang out with Elly tonight?" I asked nervously. She just gave me a weak smile.

"Of course Darling, just go home early alright?" nakangiti pa din niyang sabi. Nakita ko naman ang pag oobject ni Doo pero sinamaan siya ng tingin ni Moo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNKNOWN (ONE-SHOT)Stories to obsess over. Discover now