Ang Alamat
Sa isang liblib na parte ng mundo,may isang lugar na hindi na nabibilang sa tinaguriang World of Existance dahil tago ito at iilan lang ang nakaka alam sa kinanalagyan ng lugar na ito, tinawag ito ng karamihan na Lost World o sa madaling salita ang nawawalang mundo pero bago pa ito naging Lost World ay may mala alamat itong nakaraan
Basi sa alamat noong unang panahon 2,000 years na ang nakalipas , ang lugar na ito ay tinawag na Paradise dahil na din sa mala paraiso nito na mga tanawin at nagagandahang mga halaman at bulaklak ,pero bantog ito sa tawag na majika el mundo o world of magic dahil halos ang lahat ng mga tao dito ay may kanya kanyang natatanging kapangyarihan ,nakukuha nila ang kanilang mga kapangyarihan sa bunga ng isang puno na sa majika elmundo lang makikita at ang tawag dito ay Givus Lifu na nangangahulugang Gift of Life bawat bunga ng nasabing puno ay naglalaman ng ibat ibang kapangyarihan at magbibigay ng walang kataposang buhay o ang pagiging immortal ,kaya matindi ang pag iingat ng tribo batubalani sa puno, dahil doon marami ang sumubok para pumunta sa naturang lugar para makakuha na nasasabing puno ng buhay , pero wala ni isa ang nakaka tun tun sa Lugar na iyon ..
Hanggang makalipas ang dalawang daang taon ay may isang explorer na malaki ang korsonidad para mahanap ang Majika El Mundo , kahit walang pahinga ay linakad at linibot niya ng husto ang buong kakahoyan at kagubatan kung saan talaga ang lugar , hanggang naabotan na siya ng kanyang limitation sa katawan na kahit ang pagtayo ay di na niya magawa dahil siguro sa iilang araw na walang kain kaya wala nang nagawa ang Explorer kundi ang humiga nalang at maghintay ng nasasapit niyang kamatayan ,
Pero laking gulat niya ng biglang lumiwanag ng husto ang paligid na kanyang kinahihigaan na tila animoy may bumukas na parang pintong portal na galing sa ibang Mundo, kasabay noon ay ang pagdilim ng kanyang ulirat hanggang black out
Makalipas ng dalawang araw ay nagising ang binatang explorer na nakahiga sa sarili niyang bahay habang di makapaniwala sa sarili dahil sa natatandaan niya ay nasa gubat pa siya habang nakahiga dahil di na maigalaw ang katawan niya dahil naabot na nito ang limitation .yun lang ang natatandaan niya,
Naputol ang kanyang pagiisip ng may nakita siyang kaaya ayang bagay na nakalagay sa tapat ng kanyang ulohan ,na simulat sapol ay di pa niya nakikita isang misteryosong prutas na maihahalintulad mo sa isang mansanas pero ang pinagka iba nito ay meron itong tinik sa balat nito na sa tingin mo ay sing tigas ng bakal pero ng hawakan niya ito ay malambot lang pala tinignan at sinuri niya ito ng mabuti hanggang pumasok sa kanyang isipan ang maalamat na mga bunga na Givus Lifu , na matatagpuan sa Majika El Mundo na nagbibigay na walang humpay na buhay pero hindi pumasok sa kanyang isipan na kainin ito para magiging immortal .
Tanging hangad lang niya simulat sapul ay ang mahanap ang babaeng nagpatibok sa kanyang puso na si rosana na tanging paraan para mahanap ito kundi hanapin ang mala alamat na lugar ang Majika El Mundo
"Diego wag kang susuko ,mahahanap mo rin si Rosana "
sabi niya sa kanyang sarili at umalis na ulit palabas ng bahay para simulan na ang paglalakbay niya para mahanap niya ang lugar na Majika El Mundo para makita na niya ulit ang babaeng nagpatibok sa kanyang puso ..
____
Makalipas ang mahigit isang daang taon ay wala nang nakaka alam kong nasaan na si Diego , walang nakakapag sabi na buhay pa ba ito o nakita na ba niya ang mundo na hinahanap niya ,
Pero ang nasisigurado ng mga tao na totoo ang mala alamat na bunga ng Givus Lifu [Gift of life] na ngayuy nasa kamay na ng isang pamilya na pingkakatiwalaan ng husto ni diego !
Ang pamilyang Montador , pero wala ni isa ang nakakita sa bunga ng maalamat na puno maliban sa mga kasapi ng pamilya , dahil sa bunga ay mas umangat ang buhay nila dahil nagbigay ito ng walang hangganang swerte na idinulot sa pamilya nila pero dahil sa sobrang sakim sa kapangyarihan at lakas ay pinilit ng pamilya na hanapin ang lugar na Majika El Mundo para mahanap ang puno , binuhos nila ang lahat nilang pera para masuportahan ang paghahanap sa lugar hanggang umaabot ito nang ilang taon na expedasyon , at sa ika sampung taon ng expedasyon ay nalaman din nila ang daan patungo sa Majika El Mundo gamit ang bagong tuklas nila na technolohiya na tinatawag na Portalis Dimensyon nag pa open sa nakatagong portal patungo sa naturang lugar kaya walang humpay ng ngiti ang gumuhit sa mga mukha ng pamilyang montador dahil sa kanilang natuklasan, at nang pagpasok nila ay mas lumaki ang ngiti na gumuhit sa kanilang mukha dahil totoo pala ang mala alamat na paraiso at agaw tingin dito ang malaking puno na nakalagay sa gitna ng lugar , ang puno ng Givus Lifus
Kahit makapangyarihan ang mga tao ng majika el mundo ay wala na silang nagawa dahil unang umatake ang mga taohan ng pamilyang montador sa kastilyo ng lugar na yun at binihag ang nag iisang reyna kasama ang kasisilang palang na sanggol na anak nila at walang awang pinatay na mga montador ang hari nito na walang iba kundi si diego , pero bago ito namatay ay nagsalita ito ng katagang "teleportos,abuios el odorno mundo____paalam anak ko"
At ang sanggol na hawak hawak ng reyna ay biglang umilaw at nawala na parang bula ..
Kahit nagtaka ang pinuno ng mga Montador sa nangyari ay binaliwala nya lang ito dahil tanging pakay lang nila ay ang bunga ng Puno
"Simula ngayon ang pamilyang montador na ang mamumuno sa paraiso na ..."
Pero bago matapos ang sasabihin ng nakakatandang montador ay biglang umilaw ang buong paligid kasama ang paglagas ng mga bunga ng Givus Lifus , dahil ginamit ng reyna ang buo niyang lakas para itago ulit ang paraiso kasama ang mga tao niya para mailigtas ito sa kamay ng mga lapastangang tao kapalit ng kanyang buhay kaya nawala ito na parang bula sa mata ng mga tao ,natira nalang sa paligid ay mga patay na katawan ng mga natalong tao at ang mga nalagas na bunga ng maalamat na puno ng Givus Lifus
___ _____
KAMU SEDANG MEMBACA
The Quest
FantasiTunghayan ang tadhanang iginuhit na nang panahon para kay brent.
